Share

Chapter 19

”Louie, ano `uli `yung sinabi mo kanina? `Yung kasunod ng sale’s plan?”

”Operation...” sagot ni Louie na nakaupo sa silya n’ya. ”Matapos mong isulat ang plano mo, isulat mo naman kung paano mo balak mag-operate.”

”Okay, alam ko na!” kumagat ako sa pinabili n’yang burger sa secretarya nya at muling nagsulat.

Pinalipat ako ni Louie sa harap ng desk n’ya kung saan ako nakapuwesto ngayon. Ang dami n’yang pinabago sa `kin! Pinahabaan n’ya ang sentences ko tapos pinatama pa `yung mga maling spelling. Naka-ilang revisions na ko nang kumalam ang tiyan ko at magpabili s’ya ng burgers.

“Ayan! Tapos na!” umikot ako sa mesa n’ya at iniabot iyon sa kan’ya.

“Hmm, patingin muna...” kinuha n’ya ang papel at binasa ito nang buo.

Umupo naman ako sa hawakan ng chair n’ya. Buti na lang magaan ako.

“Um... kunin mo na lang yung isang upuan para`di ka mahirapan...” bahagya s’yang lumayo sa `kin.

“Okay.” umikot `uli ako at hinatak ang upuan ko

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status