- One Way Talk - Naku, naku, naku! Mula sa super taroy, naging super horny naman ni Louie ngayon! Matanggap kaya ito ng bunso niya?! a. no. nope. never. babalatan silang buhay ni Mercy! b. eh ano kung magalit sya? wala naman siyang magagawa! c. may awa si mercy, bibigay rin yan! ano sa tingin mo ang gagawin ni mercy? at habang nag-iisip ay pwede rin magpakape :D pleas visit my ko-fi . com account: PsynoidAl
“Dad! We need to talk.” madiin na sabi ni Mercy sa paglabas namin ng guestroom. Nakatayo s’ya sa labas ng pinto, nakapamewang, at dikit ang kilay sa nakasimangot na mukha. “Kamusta ang misa? Ba’t ang aga-aga lukot na mukha mo?” tumatawang sabi ni Louie. Ako naman ay tahimik lang nakatayo sa likod n’ya, `di makatingin kay Mercy ng diretso. “Anong ginawa n’yo kagabi?!” diretso n’yang tanong, “Bakit kayo magkasama sa kuwarto mo? Nag sex kayo, ano?! Dito, sa iisang bubong kung saan nakatira ang dalawa mong anak na dalaga, ang isa, menor de edad pa!” ”Aba, Mercy,” nakangiting sabi ni Louie, ”ang galing mo’ng mag-interrogate, mukhang magiging magaling ka nga’ng abogado balang araw!” ”Papa, don’t change the subject!” naiiritang sabi ni Mercy. “O, Mercy, kagagaling mo lang simbahan, dini-disregard mo na ang 5th commandment!” sabi ni Bless na napadaan sa likod namin. “Thou shall not steal?” tanong ko habang nagbibilang sa daliri. “Honor thy father and mother!” pagtatama ni Mercy, “And
“Aveeraaaaa!” tawag ko sa kaibigan sa pagpasok ko ng aming classroom. Napatingin sa `kin ang mga kaklase namin, pero wala ako’ng paki! I’m too happy to care about them! “O, mukhang ang saya mo, ha?” sabi ni Aveera na tinaasan ako ng kilay. “Isinuko mo na ba ang Bataan?” dagdag n’ya, pabulong. Agad naman nag-init ang mukha ko! ”Naku, muntik na!” bulong ko pabalik, ”Kaya lang, masyadong fortified ang mga dingding, hindi nakapasok!” Si Aveera naman ang namula sa sinabi ko! ”Ikaw talaga, Josh! Mga pinagsasabi mo!” napailing ito sa `kin. ”Pero ang saya mo ngayon, ha?” ulit n’ya. ”Oo, sinagot na kasi ako ni Louie! Sa wakas!” kinikilig ko’ng sinabi sa kan’ya. ”Tapos, nagbonding pa kami ng whole family n’ya! Tinuruan ako’ng magluto ng panganay n’ya, at mukhang tanggap na rin ako ng bunso n’yang mataray!” ”Aba, good for you!” nakangiting sabi ni Aveera. ”Sabi ko nga sa `yo, `di ba? Just be yourself!” “Oo nga, Aveera, at mamaya dadalaw si Louie sa bahay para ihanda ako!” “Ihanda?” kum
Pag-uwi sa bahay ay nagmamadali ako’ng dumiretso sa kuwarto at naligo. Dalawang beses ako naglibag at kinuskus ko pa nang mabuti ang parteng ’iyon’, tapos nag-toothbrush pa `ko para minty fresh ang aking hininga! ’Anong oras ka darating?’ message ko sa bhebhe ko nang lumabas ako ng banyo. ‘Might be a little late, may meeting pa ako’ng pinuntahan.’ reply ni Louie. ’kumain ka na, might be over by 6.’ “Ay, ang tagal naman, mag aalas-singko pa lang, eh!.” napasimangot ako sa aking phone at nakita ang reflection ko rito habang nakahiga ako sa kama at nakatapis ng tuwalya. May naisipan tuloy ako’ng gawin! Binuksan ko ang camera ko at nanguha ng selfie habang naka pose sa kama. Nilagyan ko pa `ito ng mga effects, tapos ay isa-isa ko `to pinadala kay Louie at naghintay ng reply. ‘TING!’ Nagmamadali ko’ng tinignan ang sagot n’ya! ‘Humanda ka mamaya.’ Kinilabutan ako sa takot! O `di kaya sobrang kilig? Nagalit kaya s’ya? Baka nga naman nasa office pa s’ya ngayon! Naku! Pano kung nakit
’Louie! May dance practice kami kanina. Tinuruan namin si Aveera magsayaw.’ message ko kay bhebhe ko. Itinag ko s’ya sa dalawang video. `Yung una, ay ang ’Sway’ video namin ni Rome, at `yung isa naman ay sayaw namin ni Harold na kinunan din pala ni Aveera. Pauwi pa lang kami ni Yaya sa bahay. Alas-sais na, at ngayon lang kami natapos dahil ayaw tumigil ni Rome hangga’t `di natututo si Aveera kumembot. `Yun lang halos ang ginawa namin buong hapon! “Yaya, pakisabi po kay chef, bukas ang request naman namin Chinese,” sabi ko habang yakap-yakap si Beck. “Nagc-crave ako nung lumpia na binibili namin dati sa Divisoria ni Mama, eh.” “Okay, sabihan ko s’ya mamaya. Kamusta naman ang practice n’yo sa sayaw?” tanong ni Yaya habang hinihintay naming mag-green ang stop light sa intersection. “Ayun, okay naman po. Bukas ipapakita namin sa teacher namin yung first part. Buti nga naturuan namin si Aveera, eh, feeling ko, sa lahat ng subjects, sa PE lang s’ya mababa.” “Buti naman at natulungan
“Bukas, ako na ang maghahatid at susundo sa `yo sa school,” sabi ni Louie sa pagsakay namin sa kotse niya.Napatingin ako kat Louie. Nagningning ako sa sinabi n’ya!“Okay lang ba sa `yo na maghintay sa campus until 4 pm? That’s the earliest I can come.”“Okay na okay!” agad ko’ng sagot. “Tamang-tama, p’wede `uli kami mag-practice ng sayaw habang hinihintay kita.”“Tama, that dance!” biglang sabi ni Louie, “Sino ba `yung kasayawan mo’ng `yun?”“Ah, nakita mo `yung kinunan na video ni Aveera? Anong say mo? Magaling ba kaming sumayaw?” nahihiya ko’ng tanong.“Oo, magaling ka. Now, sino `yung lalaking kasayawan mo?” ulit n’ya.“Si Rome!”“Hindi `yun, kilala ko na si Rome. `Yung isa! Yung matangkad!” pilit ni Loui na parang naiirita.”Ah, si Harol
Nagising ako’ng bihis. May suot ako’ng t-shirt at briefs at nakahiga sa bidbid ng Louie ko. Tulog na tulog pa s’ya, nakabuka ang bibig at naghihilik ng mahina. May pumapasok na ilaw mula sa puwang sa kurtina kaya alam ko’ng umaga na, pero sa sobrang cute ng mahal ko, parang ayoko na s’yang gisingin pa, at ayoko na ring umalis sa dibdib nya. Hinalikan ko s’ya at pumwesto pa nang maayos sa ibabaw n’ya. Saktong-sakto talaga ako rito! Ikinukuskos ko po ang mukha ko sa gitna ng dibdib n’ya, nang biglang tumalon ang puso ko sa pagkapit ng isang braso n’ya sa `kin! “Good morning...” ungol n’ya. “Ang gulat ko naman sa `yo!” reklamo ko, “Nagising ba kita?” “Mmm... akala ko kung ano `yung nakadagan sa `kin...” ”Ah, ganon?” piningot ko ang ilong n’ya. ”Nakalimutan mo na agad na katabi mo ko?” ”Nagtataka lang ako kung bakit ang bigat ng isang maliit na omega na tulad mo.” Natawa s’ya, niyakap ako, at umikot para pumaibabaw s
Tama sila, kailangan nga mag-ingat ako! Masyado akong naging kampante na safe ako at walang mananakit sa `kin as long as kasama ko sina Yaya. Hindi ako dapat nagtitiwala basta-basta sa kung sinu-sinong tao. Pero, pano ko malalaman kung sino ang mabait sa hindi? Pano ko malalaman kung niloloko lang ako ng isang tao? Buti na lang may best friend Aveera ako na laging nagpapayo sa `kin, pero mula nang nangyari `yung pag-ambush sa `min kahapon, parang feeling ko, anytime may lalabas na lang bigla sa tabi-tabi at tatalunin ako at pagsasaksakin! Kaya pagdating ng PE namin kung saan magkasama ang dalawang klase, ay lumayo kami sa iba habang nag pa-practice. Umiwas ako sa mga tao na `di ko masyadong kakilala at pinalapit sina Ate Sol sa amin para magbantay. ”Pasensya na, Harold, ha, pero, okay lang ba na `wag ka’ng masyadong lumapit sa `kin?” ”Of course,” sagot ni Harold na mukhang alalang-alala sa `kin nang magkita kami, ”I saw
”Sana nga...” bulong ko sa sarili habang nakatitig sa madilim na tanawin sa labas ng dining room window namin.”Sana ano?” tanong ni Yaya na nasa tabi ko.”Ah, wala, may naisip lang ako.” nginitian ko s’ya at hiniwa ang ulam n’yang steak, “Eto, Yaya, say ahh...!””Sabi ko naman, ako na, eh!” hinawakan n’ya ang inaabot ko sa kanyang fork at isinubo iyon nang mag-isa, ”Na-sprain lang naman ang kanang kamay ko, hindi bali.””Oo nga sir Josh,” sabi ni Ate Vin na kasama namin sa mesa, ”At saka, kami na ang bahala kay Inez, kumain ka na lang nang kumain d’yan.””Gusto mo pa ba ng juice?” tanong naman ni Ate Val na tumayo para salinan angbaso ko.“Kalahati na lang po, salamat.”Madalas na kaming kumakain nang ganito, sama-sama, mas gusto ko kasi na may kasalo sa mesa `pag kumaka