Share

The Problem with Being Single Ch 1

Chapter 1

The problem with being single, is that all your paired friends keep running to you for advice.

Pauwi na kami ng kaibigan ko’ng si Josh, nang biglang tumunog ang cellphone ko.

“Ano to, unknown number?” naitanong ko sa sarili. Bilang na bilang lang kasi ang mga nakasave na numero sa telepono ko. Eksakto, sampu.

Pinindot ko ang ‘accept’ at sinalubong ng maingay na ngawa!

‘Ate Aveeraaaaa!!! Ayoko naaaaaa!!!’ tili ng matining na boses sa telepono.

Agad ko’ng inilayo ang cell sa `king taenga.

“Sino `to?!” 

Inisip ko kung sino ang kakilala ko’ng nakakatulig ang boses, maliban kay Josh.

“Rome?”

Lalong nagngangawa ang nasa kabilang linya.

“Anong nangyari?” tanong ni Josh sa tabi ko.

‘Kuya Josh!’ sigaw ni Rome sa kabilang linya. Tuluyan ko nang inilayo ang cell sa taenga ko’ng nagdurugo. ‘Bakit ba patay ang cell mo?! Ang yaman-yaman mo lagi kang lo-batt!’

“Sorry, kausap ko kasi si Louie kanina...” dahilan ni Josh na minuminuto at
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status