Share

Confrontation

“Selene, wife… “ usal ko. Kumilos ng bahagya ang aking paa palapit sa gawi niya ng mapagtanto na naroon siya sa silid na kinaroroonan namin ni Tiffany. Balak kong lumapit pa sa kaniya, yakapin siya at hagkan ngunit nang mapansin ko na hawak ng Doktor na si Leon ang kaniyang kamay ay natigilan ako.

Mukhang nagkamali si mama sa sinabi niya na mahal ako ng asawa ko’t excited pa ito sa kasal namin, dahil sa nakikita ko ngayon ay mukhang masaya siya sa piling ng lalaki na kasama niya.

Lumunok ako ng laway at biglang binago ang nakakaawang ekspresyon ng aking mukha. Kumurap-kurap ako’t huminga ng malalim.

“Ano’ng ginagawa niyo rito/” medyo may katapangang tanong ko sa kanila.

“Dreyk!” Si Tiffany na hinila ang kamay ko. “Please, ‘wag mo na silang patulan. Selene, p’wede bang umalis na kayo? Wala naman siguro kayong magandang sasabihin kaya lumabas na kayo.”

Sana ay hindi na lang nagsalita si Tiffany at nanahimik na lang siya sa kinauupuan niya, sa ugali ni Selene ay mas lalo lang niyan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status