Share

Dreyk not coming home

Sinubukan kong tawagan si Dreyk habang nasa daan kami pauwi ng bahay. Sa mall na kami mismo naghiwalay ni mama matapos ang malakasang paglalakwatsa namin. Hindi pa naman tuluyang gabi pero may kadiliman na ang kalangitan.

“Sobrang saya ko ngayong araw.” ani ko sa sarili.

May driver ako kaya hindi naging mahirap ang pag-uwi sa bahay, ngunit wala pa si Dreyk doon. Napasimangot ako dahil kanina pa nga ito hindi sumasagot sa mga tawag ko sa kaniya.

“Sobrang busy kaya niya?”

“Ah! Si Jeriko na lang ang tatawagan ko.”

Sinubukan ko nga, ngunit kahit ito ay hindi rin sumasagot.

“Baka busy nga talaga, ang mabuti pa ay i-surprise ko siya. Ano ba ang magandang iluto ngayon?”

Nagpatulong ako sa aming maid kung ano ang masarap na lutuin, magpapaturo na rin ako kung papaano. Namili nga ako sa guide book ba iniabot sa akin ni Manang Amelia at ang napili ko ay roasted shrimp at kare-kare. Ang sabi niya’y medyo mahaba ang proseso ng pagluluto no’n, pero ayos lang, kung para naman sa taong mahal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status