Share

Dreyk's Secret

“Dreyk, tama na ‘yan.” Pinigilan ni Jeriko ang kamay ng kaibigan/boss niya. Kanina pa nalululong sa alak ang lalaki. Nakailang baso na ito ng malakas na alkohol na hindi nga niya malaman kung ano ang ngalan. Natural na dahil hindi naman siya ganoon kahilig sa alak tuad ng kaniyang kaibigan.

“I am doing everything to be happy, why can’t the World just be fair to me? I regretted all my actions in my past. I choose to live by myself. But why is this happening to me?”

Paulit-ulit na nga sa pagkukuwento si Dreyk kay Jeriko ng tungkol sa mga nangyari. Hindi niya matanggap kung bakit nagawa siyang iwan ni Selene kahit na mahal na mahal naman niya ito. Ginagawa niya ang lahat ng makakabuti para sa kanila, ngunit hindi naman kasi gano’n kadali lalo kung may mga taong tututol at tumututol sa isang relasyon na dapat ay wala naman silang kinalaman.

“Kaunting oras at space lang naman ang kailangan ni Selene, hindi ba? Hayaan mo na muna na makuha niya ‘yon, pasasaan ba’t maiintindihan niya rin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status