Share

Over Protective

Hindi ko alam kung paanong nalaman ni Leon ang pag-uusap namin ng lalaking nagpakilalang si Dreyk. Alam kong wala naman siyang nakita dahil nang makabalik ako sa kaniyang matapos ang pagdala sa akin ng lalaki na ‘yon sa may CR ay ayos pa naman siya. Walang bahid ng kahit na anong pagtataka mula sa kaniya. Akala niya lang naman no’n ay nagpunta nga ako sa Comfort Room.

Pero ngayon, heto siya’t galit na galit. Hindi man lang siya muna nagtanong, sinimulan niya kaagad sa pagbulyaw ang usapan namin.

“Ano bang sinasabi mo, Love?” Tanga-tangahan lang ako saglit. Medyo guilty din naman ako kasi nga hindi ko na nagawang sabihin pa sa kaniya ang tungkol doon. Ang kaso rin kasi, wala naman ‘yon sa akin. Kumbaga, hindi importante para i-kwento ko pa.

Nasapo niya na lang ang kaniyang mata pababa sa ilong at bibig niya. “Mababaliw na ata ako, Selene. Do you really trust me, huh?” tanong niya sa akin.

“What? At paano mo naman ako kinukwestiyon ng ganiyan ngayon, huh? IKaw, ano bang problema sa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status