Trigger warning po sa sunod na chapter! Please don't read it kung hindi keri! Salamat po!
Nakatitig lang ako kay Rodrigo na hawak-hawak ang laptop ko. Gusto ko nang lamunin ng lupa ngayon dahil pinipindot niya pa iyon. Ilang sandali pa ay may tumunog na mula sa laptop ko. Tunog iyon na nagmumula sa video na in-edit ko. Napasiksik na ako sa gilid ng higaan ko. Gusto kong tumayo at takbuhin palabas ang kwarto ko pero para akong biglang naging istatwa sa takot ko. Diyos ko! Tulungan niyo po ako! HIndi ko alam kung ano ang gagawin niya sa akin ngayon. Malakas na pinindot ni Rodrigo ang keyboard. Rinig na rinig ako ang paghinga niya nang malalim. Wala siyang sinasabi pero ramdam ko nang hindi niya nagustuhan ang kaniyang nakita. “Labas,” anito kaya napatingin ako sa kaniya. Nakatingin siya kay Lana na puno nang pagtatakang nakatingin sa amin. Tiningnan ako ni Lana. “H-Halika na, Ja-”“Sinabi ko bang kasama siya?” tanong ni Rod na may pagbabanta na. “P-Pero, Gov-” “Sinabing labas! Kailangan ko bang ulit-ulitin pa ang sasabihin ko, ha?!” sigaw bigla ni Rod. Napaiyak na ako
“Nasaan si Gov?” tanong ni Clarixto pagkababang-pagkababa niya ng kotse. Nalaman niya kasi na nakita na kung sino ang nag-upload ng video. Kaya dali-dali siyang umuwi ng mansyon para lang malaman kung sino iyon. “Nasa loob po. Nagwawala na naman,” tugon ng isang tauhan nila na halatang tensyonado. “Fuck!” agad na napamura si Clarixto. Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng mansyon. Alam niya kapag tahimik ang kanilang mga tauhan ay hindi maganda ang mood ng kaniyang pamangkin. Bilang na bilang ang mga galaw ng lahat dahil sigurado sila na sila ang mapagdidiskitahan ni Rod kapag hindi magustuhan ang mga galaw. Malayo pa sa basement si Clarixto ay dinig na dinig na niya ang malakas na sigaw ng kaniyang pamangkin. May iilan din siyang naririnig na nagmamakaawa. At hindi nga nagkamali si Clarixto. Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang mga tauhan nilang nagsisiksikan sa gilid habang nakatungo. Si Rod ay nasa gitna at mayroong pinapatungang isang lalake habang hawak-hawak ang kw
Tulala akong nakahiga sa kama at hindi pa rin makakilos mula noong umalis si Rod sa kwarto namin. Kanina pa siya umalis pero para akong na estatwa sa pwesto ko. Napaka sakit ng katawan ko na hanggang sa ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang sampal niya. Parang may nakadagan sa buong katawan ko sa sobrang sakit niyon. “Diyos ko! Jane!” Napatingin ako sa may pinto noong marinig ko si Lana. Nakabukas na iyon at nakita kong may ilan ding mga nakasilip doon. Agad na tumakbo sa akin si Lana at kinuha ang kumot niya saka itinabing sa akin. Niyakap ako nang mahigpit ni Lana. “Diyos ko! Ano’ng ginawa niya sa ‘yo? Napaka hayop niya! Ang sama-sama niyang tao!” umiiyak na sabi ni Lana. Napaluha na rin ako at sinubsob ang mukha sa dibdib niya. “A-Ayaw ko na, Lana. Gusto ko nang mawala…” “Hindi! Narito ako, Jane. Sorry. Sorry iniwan kita.” “Jane!” “Lawrence si Jane.” Narinig kong isinara ang pinto ng kwarto at may mga nagmamadaling mga yabag ang lumapit sa amin. “Ano’ng nangyari dito? Bakit
Pagkatapos ni Rod maligo ay nagbihis siya ng itim na pantalon at puting polo. Halos pare-parehas ang kaniyang mga damit. At sa dami ng mga meetings niya ay kailangang nakapormal na damit pa rin kahit na ayaw niyang um-attend roon. Lahat ng mga gamit niya ay maayos na nakalagay. Lahat ay magkakapantay ang bawat sukat at magkakasama ang bawat kulay. Maingat iyong inaayos ng katulong nila palagi dahil napapansin agad ni Rod kapag may hindi tama. At hindi gugustuhin ng mga katulong niya na sumama ang mood niya. Hindi na siya nag-abala pang ayusin ang buhok. Sinuklay na lamang niya iyon gamit ang mga daliri. Pabalik si Rod sa eskwelahan para sunduin si Jane. “Rod? Where are you going?” nagtatakang tanong ni Clarixto noong makita niya ang pamangkin na naglalakad pababa ng hagdan. Hindi niya maiwasang makaramdam ng inis dito dahil mukhang maayos na naman ang pakiramdam nito. Matapos nitong pumatay ng isang tauhan nila ay parang wala lang ito sa binata. “Business, Uncle. Business.” “Wha
“Tama ba ito, Carlo?” nag-aalalang tanong ko. Magkatabi kaming nakaupo ni Carlo sa bus na sinakyan namin. Kanina pa kami nagbabyahe at hindi ko alam kung nasaan na kami. “H'wag kang mag-alala, Jane. Makakalayo rin tayo sa kaniya.”Bumuntonghininga ako. “Sana nga. Kanina pa ako kinakabahan,” aniko at tumingin sa paligid. Wala namang kakaiba sa mga kasabay naming pasahero. Pero pakiramdam ko ay may nakatingin sa amin. “Hindi kita pababayaan, Jane. Ako ang bahala sa ‘yo.”Marahan akong tumango at naluluhang tumingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung bakit biglang naging ganito ang buhay ko. Siguro nga kasalanan ko nga rin ito. Kung hindi siguro ako nangialam ay hindi na ito mangyayari. Pero paano naman si James? Namatay na lamang siya na walang hustisyang natatanggap. Gusto ko lang naman tumulong pero ang kapalit niyon ay kalayaan ko. Napakapit ako sa kwintas ko. Kahit na ano ang mangyari ay hinding-hindi ko ipapaalam kay Rodrigo Navarro kung nasaan ang mga ginto. Mamamatay akon
“Napaka sama mo talaga, Rod! Isinusumpa kita!” sigaw ko habang pinagpapalo ang kaniyang dibdib. Hindi ko matanggap na hinayaan niyang pagsamantalahan si Lana ng kaniyang mga tauhan. Binaboy nila si Lana! Napaka sama nila! “Hayop ka!” Sinampal ko ang kaniyang pisngi. Hingal na hingal na tinitigan ko siya. Napatingin sa gilid si Rodrigo. Hindi siya sumagot pero sinapo niya ang kaniyang pisngi at dahan-dahang tumingin sa akin. Napalunok ako noong biglang naging matalim ang mga tingin niya sa akin. Napaatras ako noong humakbang siya. Ngunit marahas niyang hinawakan ang baba ko at bahagyang pinisil ang pisngi ko. “This is your fault, Jane! Kung hindi ka umalis, edi sana hindi na ‘to nangyari pa. Sisihin mo ang sarili mo, Jane! Kasalanan mo!” “Hayop ka!” sigaw ko at pilit na kumawala kay Rod. Tumakbo ako papunta kay Lana na nakatulala pa ring nakatingin sa gilid. Habag na habag ako sa kaniyang hitsura dahil halata ang kaniyang pagkahapo. “D-Diyos ko, Lana!” humagulhol ako at agad na hinub
Wala pa rin akong tigil sa pag-iyak hanggang sa makalabas na kami sa basement. Hila-hila ako ni Rod hanggang sa makarating kami sa ikalawang palapag ng mansyon. Sa loob ng silid niya na pinagadalhan niya sa akin noon. “Mula ngayon ay dito ka na titira, Jane. HIndi ka lalabas sa kwartong ito. Na iintindihan mo ba?” ani Rod. Binitawan niya ako at hinarap. Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili. Pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko dahil sa labis na emosyon. Pero kahit ano’ng pigil ko sa luha ko ay para iyong talon na patuloy na sa pag-agos. “I-Ikukulong mo ako rito? Rod. May buhay rin ako. Hindi mo ako pwedeng ikulong dito,” nanghihinang sabi ko. Tinitigan niya ako. “Akala ko ba susundin mo lahat ng gusto ko?” hindi makapaniwalang tanong niya. Napakagat ako ng labi at agad na nag-iwas ng tingin. “P-Pero hindi mo ako pwedeng ikulong dito habang-buhay. Rod, may buhay ako. Nag-aaral ako!” “You don’t need to study, Jane. Sinabi ko na ‘yo. Be mine, and I will giv
Mariing nakatitig si Clarixto sa quarangle mula sa bintana ng kaniyang opisina sa unibersidad ng kaniyang pamangkin. Kaaalis lang ng isa nilang tauhan na kaniyang tinanong tungkol sa nangyari kagabi. Hindi siya makapaniwala sa inasal ni Rodrigo. “Bakit hindi mo agad pinatay, Rodrigo?” tanong ni Clarixto sa sarili. “Ano ang nangyayari sa ‘yo?”Marahas na bumuntonghininga siya. Kapag may ganitong pangyayari ay hindi na pinagpapaliwanag pa ni Rodrigo ang may kasalanan sa kanila. Agad nito itong pinapatahimik dahil madalas ay nadadala ito ng galit. Na hinahayaan lamang ni Clarixto. Alam niyang may sakit ang pamangkin ngunit nagagamit niya ito para magpatuloy ang kanilang operasyon. Ngayon na hindi magawang pumatay ni Rodrigo ay hindi ito magandang balita para sa kaniya. “Uncle! You are looking for me?” Napatingin si Clarixto sa kaniyang likuran noong marinig niya ang boses ng pamangkin. Kapapasok pa lang nito sa opisina niya at isinasara ang pinto. Umalis si Clarixto sa may bintana at