Share

S2: Chapter 20

Nabalot nang matinding katahimikan ang paligid. Lahat ay nagtataka dahil sa nakagugulat na pag-akto ni Rodrigo. Siguro kung hindi alam ng isang tao ang mga kasamaang ginawa ng binata ay iisipin nito na isang mabuting tao ito.

“Maigi pa ho ay pumasok na tayo sa loob. Malamok na rito,” ani Rodrigo.

“Hindi! Hindi kamo papasok sa impyernong ‘yan, Navarro! Aalis na kami ng anak ko ngayon!” tanggi ni Tomas.

“Pero, ‘Pa. Gabi na. Mahihirapan na kayong bumyahe ngayon.”

“Wala akong pakealam. At pwede ba? H’wag mo akong tawaging papa.”

“Eh, sige ho. Kung iyan ang gusto niyo. Ihahatid ko ngayon sa airport.”

“Hindi na kailangan,” sabat ni Camia.

Tumikhim si Brian. “Or kung ako na lang ang maghatid sa kanila?”

Ngumisi si Rodrigo. “It’s fine, Brian. Masyado ka nang naging mabait sa asawa ko ngayong gabi,” makahulugang sabi nito.

Napalunok si Jane at biglang nag-alala. Ano’ng ibig niyang sabihin?

“Ayos lang naman sa akin kung ngayon kayo aalis. Ang problema ay baka masyadong mapagod si Renz.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Bei
Ang bad mo kasi bfor Gov,mxado kng ngpdla s mga pinagsssbi syo ng uncle mo n d mo lng alm ay ginagmit klng nya tlg ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status