Share

How Bad

Chapter 5

"Paano pag sinabi ko sa iyo na ako ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?" sabi niya bigla.

Napatigil ako ng di oras sa kinauupuan ko dahil doon. Ano raw? Siya? Siya ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?

"Pfft hahahaha," tawa ko na halos kinagulat ng lahat ng nasa loob ng classroom.

"Anong tinatawa mo?" iritang tanong ng katabi ko.

"Haha ang galing mo din noh," sabi ko sa kanya. "Ikaw ang anak ng may-ari ng eskwelahang ito?"

"Paano nga pag ganun? Mag-iingat ka sa mga pinagsasabi at ginagawa mo rito sa eskwelahang ito dahil pwede kitang ipatalsik dito ng di oras."

Sa sinabi niya saka ako tuluyang napatigil sabay sumeryoso agad ang aking itsura. Hinarap ko siya pagkatapos.

"Hoy tsong," seryoso kong sabi sa kanya. "Hindi purket may itsura ka, mahangin ka na. Hindi purket tinuturingan kang prinsipe ng eskwelahang ito, makaasta ka akala mo kung sino ka. Wala akong pakialam kung gaano ka karangya at makapangyarihan dahil

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status