Share

KABANATA 31

HABANG NAGLILINIS NG working room ni Rave si Laura, aksidente niyang napatid ang trash bin nito sa may mesa nito. Kumalat ang mga nakalamkumos na papel sa sahig. Mabilis na lumuhod siya sa sahig para linisin ang kalat.

Natigilan siya nang mabasa ang pangalan niya sa ilan sa mga papel. Bakit naman kaya may pangalan niya roon? Alam niyang sulat kamay ‘yon ni Rave. Limang papel lang naman ‘yong nasa loob kaya inabala na rin niyang basahin ang mga ‘yon.

‘Yong unang nabasa niya. Mukhang bored lang talaga si Rave. Puro Laura lang ang isinulat nito. Parang nag–doodle lang ito ng pangalan niya. Baliw ‘yon. Talagang pangalan pa talaga niya ang pinag–trip–an.

‘Yong pangalawa, natawa siya. Nakasulat doon ang, Laura likes me. Laura likes me not. At ang huling nakuhang sagot nito ay, Laura likes me not. Halatang pinanggigilan ni Rave ang huling mga salita. May malaking ‘x’ pa sa katawan ng papel. Baliw!

‘Yong pangatlo, malaking

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status