Pagkaraan ng limang minuto ay nasa fourth floor na kami ng bahagi ng hotel.
Hindi ko alam kung paanong nalaman ng mga kaibigan kong ito ang bar na iyon.
Mayroon palang isang bar na wala namang ibang tao kundi ang isang lalaking bartender.
Nagtataka ako kung bakit walang tao sa bar na ito, ang napansin ko lang ay mayroong napakaraming bote ng alak doon sa may counter, mabilis ngang nakalapit doon ang dalawa upang humingi ng alak.
Ako naman ay lulugo lugong napasunod sa kanila. Umupo kami mismong counter kung saan maaari naming maituro ang mga wine na gusto namin.
Napakaraming alak sa wine shelf nila. Naalala kong mayroon ding ganitong lugar sa bahay, may isang silid sa bahay nami
Dave POV: Napakalakas ng tunog ng telepono na malapit pala sa ulunan ko. Nahihilo pa akong medyo bumangon para lang sagutin ang makulit na telepono sa pag ri-ring nito. "Hello," sabi ko na pupungas-pungas pa ako. "Hello sir, may mapunta po diyan sa kwarto niyo," sabi ng kausap ko sa kabilang linya. "Ha! bakit daw?" gulat kong sabi sa kausap ko. "sir, may hinahanap po kasi sila, yung anak po noong may event dito kagabi sa hotel yung nag birthday po___" "Oo nga! Ano nga!" galit kong tanong dahil naistorbo ako sa pagtulog ko. Alam naman nila na ayaw na ayaw ko
Annie's POV: Isang agreement ang pinirmahan namin lahat na naroroon. Ako, ang pamilya ko, at pati na rin si Mr. Santivaniez. Maging ang secretary niya at abogado na pinatawag niya. Pinapunta rin niya roon ang dati kong classmate at kaibigan na si Carol. Upang mapagtibay ang usapan at agreement na aming napagkasunduan. Para kasi sa kanya ay iyon na lamang ang pinaka magandang solusyon upang hindi makaladkad pareho sa kahihiyan ang mga pangalan at pamilya namin. Para sa akin ang lahat ng pabor na nakasulat sa papel na pinirmahan namin. Iyon daw ay magiging valid hanggang sa makabalik ako galing America. Siya at ako ay hindi maaring makipag comitmment sa ibang tao liban na lang kung sabihin kong malaya na ang isa sa amin na gawin ang gusto ng bawat isa. Sa araw na makabalik ako.
Dave's Pov: Naisipan kong puntahan ang kaibigang kong doktor, siya ang pinamahala ko sa isa sa mga ospital na kasama sa mga naitayo kong negosyo. Matagal na kaming magkaibigan. Isa siya noon sa mga doktor na gumamot sa akin noong nasa army pa lang ako. Una akong naging U.S army sa L.A bago pa ako nagpasyang maging action star artist dito sa bansang ito. Ngunit sa kalaunan ng aking pagiging artista ay nakita kong hindi naman ako nag-evolve. Hindi maganda ang mga pelikulang nagagawa ko at alam kong hindi magiging tuloy-tuloy ang pagsikat ko. Kaya naman naisipan kong magtayo ng maraming uri ng negosyo. Mula sa mga minana kong kayamanan ng aming angkan at sa mga kinita kong pera. Yumaman ako nang yumaman, hanggang sa maabot ko na ang takdang bilang ng mga kayamanan ko. Marami akong prop
"Hello Joan! Nasaan na ba kayo?! Nandito na ako sa Airport," excited kong sabi sa mga kaibigan kong si Joan at Shiela. Simula nang umalis ako ay hindi naman kami nawalan ng communication nina Joan at Shiela. Kaya ngayong nakabalik na ako dito sa sarili kong bansa ay sila rin ang una kong pinagsabihan. Hindi ko muna pinaalam sa pamilya ko ang pagababalik ko dahil may gusto pa akong gawin ng ako lang mag-isa. May gusto pa akong lutasin nang ako lang sa sarili ko. Isa pa ay nasa tamang edad na ako, hindi ko na kailangan pang pumisan sa mga magulang ko. Napaangat ako ng tingin nang makita ko ang dalawang naglalakad sa di kalayuan. Si Joan ang may hawak ng cellphone na nakadikit sa kanyang tainga. Narinig ko na sa phone ko ang boses nito.
A few moments later:Wala na ang dalawa kong kaibigan, pinaikot ko ang paningin ko sa buong apartment na ngayon ay magiging tirahan ko. Sandali akong nasiyahan at nakaramdam din kaagad ng kalungkutan. Masaya sanang mamuhay nang ganoon, simple lang kasama ang lalaking itinadhana sa akin ng Diyos.May mga gamit na ang apartment bagay na ipinagtaka ko at nalimutang tanungin ang mga kaibigan ko. Mula sa kusina hanggang sa sala at sa kwarto ko ay kumpleto na rin ang mga gamit. Nagtaka ako kung saan naman sila kumuha nang pambili ng mga gamit na ito. May kamahalan pa ang ilang mga gamit na naroon.May dalawang kwarto ang aparment at isang banyo, at may kalawakang kusina. Naka tiles ang lababo at stainless naman ang pinaka hugasan ng mga pinggan. May mga nakasabit na gamit pang-luto at kumpleto ang laman ng kabinet at may mga delatang stock doon.Namangha ako ng sobra, ganito pala sila ka-organize sa pag-aayos ng matitirhan ko. Sobrang pasasalamat
Isang buwan na ang nakararaan buhat nang dumating si Annie dito sa bansa, at ako ay isang buwan na ring nagtitiis sa maliit kong apartment. Hindi naman masama ang lugar na iyon ang kaso lang siguro ay hindi lang ako sanay. Kung kailan kasi ako tumanda ay saka pa ako nakararanas nang ganitong pagbabago. Naalala kong malapit na nga pala ang kaarawan ko at madadagdagan na naman ang edad ko. Malapit na akong mag thirty-eigth at dalawang taon mula ngayon ay forty year old na ako. Napailing na lang ako. "HANGGANG KAILAN KAYA AKO MAGHIHINTAY SA KANYA?" Samantalang siya ay kaydaling nakalimot. Pakiramdam ko tuloy ay wala na siyang balak pang alalahanin ang kontrata namin na pagka-graduate niya ay kailangan niya na akong pakasalan.
Nakita kong umalis na pala ang doktor na kausap niya at bumaling siya sa amin. Kinausap niya ang Mama ko. "Mrs. Buenaventura, ayos lang po ba kayo?" magalang niyang tanong kay Mama. "May alam ka ba sa mga nangyayari sa amin?" tanong ni Mama kay Dave. Napatingin naman ako kay Dave sa maari nitong isagot kay Mama. "Opo." sagot nitong walang reaksiyon sa mukha niya. Na ikinagulat ko. Anong may alam siya? Bakit? Ano ba talaga ang nangyayari sa aking pamilya ngayon?Gano'n na ba talaga ako kalayo sa pamilya ko at hindi ko na alam ang status namin. At ano ba ang sinasabi ni Mama na wala na raw kaming pera? "Ma! Ano bang nangyari sa business natin? Bakit sabi mo wala na tayong pera? Paanong nangyari yon? Stable naman ang business niyo ni Papa?" tanong ko kay Mama na naguguluhan sa mga nangyayari. "Mahabang kwento, at si Dave na lang siguro ang bahalang magpaliwanag sa'yo. Tutal malawak ang galamay ng
Hindi ako sinagot ni Dave sa mga tanong ko sa kanya. Hindi pa raw iyon ang tamang oras para magsalita siya. At hindi raw siya ang nasa lugar para sabihin iyon sa akin. Sa tingin ko ay maraming alam si Dave na ayaw niyang sa kanya mismo ko marinig. Naisip ko na lang na kailangan kong respetohin ang mga desisyon niya ng mga oras na iyon. Kaya naman hindi ko na lang siya pinilit na magsalita pa. Para sa akin ay sapat na muna na naririto siya sa aking tabi. At nagmamalasakit sa akin bilang isang mabuting tao, na siya kong lubos na ipinagpapasalamat. At dinarasal na sana ay hindi siya magbago ng pakikitungo sa akin kahit na ano pa ang magiging desisyon ko tungkol sa agreement namin. ******************************************** Ilang