"M-Maverick," hindi makapaniwalang sambit ni Shantal. Hindi naman sila nakaimik agad nang makita nilang sumama ang tingin ni Maverick sa kanila. "I said, what the hell did you do to Hexy that night?" Pag-uulit ni Maverick. Umiling-iling naman si Shantal habang nanginginig sa kaba. "What?!" Sigaw ni Maverick. "G-Guys, sabihin niyo na," wika ni Vanessa. Napatingin naman si Maverick sa kaniya. "N-No. No," saad naman ni Shantal saka paulit-ulit na umiling. "Tell him!" Sigaw ni Vanessa. Paulit-ulit pa ring umiling si Shantal habang nakatingin kay Vanessa. Nagngalit ang mga ngipin ni Maverick at mabilis na lumapit kay Shantal saka hinawakan ang magkabilang balikat nito. "Tell me!" Sigaw ni Maverick at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa balikat ni Shantal. Hinawakan naman siya ni Vanessa upang pigilan siya sa kaniyang ginagawa. Galit na galit na tumingin si Maverick sa mga mata ni Shantal habang naiiyak naman ito. "Shantal, sabihin mo na!" Wika ni Vanessa. "A-Ayoko! B-Brix will h
Nang makapasok siya ay iginala niya ang paningin sa loob ng building. Naglakad siya papunta sa hagdanan patungo sa second floor habang nakapamulsa upang itago ang panginginig ng kaniyang mga kamay.Tinignan niya muna ang kaniyang sarili sa salamin at inayos ang kaniyang suot. Nagsuot din siya ng wig na straight at mahaba na may highlights na red upang hindi siya makilala. Isinuot niya rin ang isang malaking itim na sunglasses.Nagtungo siya sa bar upang mag-isip ng paraan kung paano makapasok sa kuwarto ni Brix.Nagpunta siya sa VIP area saka tinignan ang bawat sulok.‘Walang CCTV.’Napakuyom ang kaniyang mga palad nang maalala ang sinabi ni Joaquin na doon niya nakita sina Brix noong araw na nalasing siya.Napatigil siya sa pag-iisip nang biglang mag-vibrate ang kaniyang cellphone.Si Maverick ang tumatawag at marami rin siyang mga text messages sa kaniya. Hinintay niya iyong huminto saka ini-off ang kaniyang cellphone. Napalunok siya at umiling-iling.Sa VIP area ay may malalaking i
Napalunok si Hexy nang makita si Brix sa kaniyang likuran. Nakasuot ito ng puting t-shirt at maong na shorts, habang nakasuot ng tsinelas.Magsasalita pa sana siya ngunit agad siya nitong hinatak. Hindi naman siya agad nakapumiglas dahil sa lakas nito.Nanlaki ang kaniyang mga mata nang humarap ito sa kaniya at tinakpan ang kaniyang bibig gamit ang palad ni Brix. "Shh," sambit nito saka tumingin sa mga lalakeng naghahanap kay Hexy habang nagtatago sila sa gilid ng sasakyan ni Brix.Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Hexy at tumingin sa mga mata ni Brix habang hindi ito nakatingin sa kaniya.Nakita niyang namumugto ang mga mata ni Brix at may sugat at pasa ang gilid ng kaniyang labi.Pumikit siya upang hindi makita ang mukha nito para hindi siya makonsensya.Nang makita ni Brix na nakalayo na ang mga lalake ay tinggal niya ang kaniyang palad sa bibig ni Hexy.Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Hexy saka bahagya itong itinulak."They are Daddy's bodyguards. Why are they ch
"It's me, Avory."Hindi naman umimik si Hexy at mas lalong napaiyak nang makasiguradong si Maverick iyon.Umupo naman ito sa tabi niya saka siya inakbayan at hinaplos ang balikat nito."M-Mavs," mahinang sambit ni Hexy habang umiiyak.Humarap naman si Maverick sa kaniya saka siya niyakap."Shh. It's okay. I'm here," wika niya at ipinatong ang baba niya sa ulo ni Hexy.Niyakap naman siya nang mahigpit ni Hexy saka inilabas ang sama ng loob kay Maverick."P-Pinuntahan ako ni Brix doon," saad ni Hexy sa pagitan ng kaniyang mga hikbi saka tumingin kay Maverick.Tumingin naman si Maverick sa kaniya at ilang sentimetro na lang ang pagitan ng kanilang mga mukha."What did he do to you this time?" Tanong ni Maverick habang nakayakap pa rin sa kaniya."Gusto niya lang daw akong makasama. P-Pero alam kong niloloko pa rin niya ako," sagot ni Hexy saka itinungo ulit ang kaniyang ulo.Huminga naman nang malalim si Maverick saka hinaplos ang likod ni Hexy."Hindi ko alam kung paano ako makakaganti
Napatigil si Hexy saka paulit-ulit na binasa ang text ni Vanessa sa kaniya.Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang ibinabalik ang cellphone sa kaniyang bag. Bumilis ang tibok ng puso niya kaya napahawak siya sa kaniyang dibdib at ilang beses siyang huminga nang malalim.Napapikit siya at pinaypayan ang kaniyang sarili para kumalma."Are you okay?" Tanong ni Joaquin na lumapit sa kaniya at nakita ang ginagawa niya.Iminulat niya ang kaniyang mga mata saka lumingon sa kaniya Tumango siya saka nameke ng ngiti.Biglang nag-vibrate ang kaniyang cellphone kaya siya napatingin ulit sa kaniyang bag na nasa locker pa rin at inilabas iyon.Napalunok siya nang makitang si Maverick ang tumatawag."Hello, Mavs?" Lumayo naman nang kaunti si Joaquin sa kaniya upang mag-usap sila sa cellphone."Vanessa called me. Shantal is missing, and she still hasn't been found," wika ni Maverick mula sa kabilang linya."Nakatanggap din ako ng text," kinakabahang saad ni Hexy.Narinig naman niyang huminga na
Parang tumigil ang paghinga ni Hexy at nagpaulit-ulit sa kaniyang pandinig ang sinabi ni Maverick sa kaniya.Napanganga siya at biglang nanlambot ang kaniyang tuhod.Hindi niya alam kung ano ang kaniyang nararamdaman dahil sa pagkagulat."I-I'm sorry if I didn't tell you right away. If only I had told you earlier, they wouldn't have done all this to you. Naprotektahan sana kita," naluluhang sambit ni Maverick.Napalunok naman si Hexy nang makitang ganoon si Maverick. "Kasalanan ko ang lahat. H-Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa'yo, because I don't know if you'll believe me," dagdag pa nito habang nakatingin kay Hexy."B-Bakit? Paanong—""Hexy, umamin na ako sa'yo dati pa. When you got drunk when we were still in college. Kaso kinabukasan, wala kang maalala, as always. U-Umasa ako," kuwento ni Maverick saka siya napalunok at umiwas ng tingin."S-Sorry," tanging sambit ni Hexy kaya napatingin ulit sa kaniya si Maverick."So I was ashamed of you after that. Hindi ko alam kung pa
Nang makapasok sila sa kuwarto ni Maverick ay agad niyang hinalikan si Hexy habang hawak nito ang batok niya.Nakapikit silang dalawa at mas lalong idinidiin ni Maverick ang mukha ni Hexy sa kaniya, habang ito ay nakayakap sa leeg ni Maverick.Agad niyang inihiga si Hexy habang nakapatong siya. Abala ang kaniyang mga kamay sa pagsuri sa katawan nito."I-I want to do it with you," mahinang sambit ni Maverick nang magkahiwalay ang kanilang mga bibig ngunit magkayakap pa rin sila.Napakagat-labi naman si Hexy saka dahan-dahang tumango.Agad namang gumalaw si Maverick at tinanggal ang pang-itaas na damit ni Hexy, pati na ang kaniyang pang-ibaba. Tanging mga underwear na lang ang natira sa kaniya.Napalunok si Maverick habang tinitignan ang katawan ni Hexy. Lalo na ang dibdib nitong maganda ang hugis.Napatingin agad si Maverick kay Hexy nang siya na ang nagtanggal ng sarili niyang bra."Sh*t. You're so sexy," komento nito nang makitang wala na nang takip ang dibdib ni Hexy."Puwede mong h
Halos patakbong nagpunta sina Hexy at Maverick patungo sa kuwarto kung nasaan si Rio.Agad naman nilang nakita iyon ngunit lumabas doon ang mga parents ni Rio."Are you here to visit our son?" Tanong ng ina ni Rio nang makalapit sila."O-Opo, Tita," sagot naman ni Hexy."You can go inside, we're just going to talk to someone," saad naman ng ama nito.Tumango naman si Hexy at agad na nag-excuse bago buksan ang pintuan.Nanlaki ang mga mata ni Hexy at napatakip sa kaniyang bibig nang makita ang kalagayan ni Rio.May mga sugat ito sa kaniyang mukha, braso, at paa. May cast ring nakalagay sa kaniyang kaliwang paa."H-Hexy," mahinang sambit nito nang makita sila.Naluha naman si Hexy kaya napapunas siya agad at lumapit sila sa kaniya."What happened?" Tanong ni Maverick saka sila naupo sa upuan sa tabi ng bed ni Rio."I left in a hurry earlier, tapos biglang may mabilis na motorsiklo at nabangga ako," sagot niya saka napatingin sa kaniyang katawan."M-May bumisita na ba sa'yo? Alam na ba n