Napatigil si Hexy saka pinunasan ang kaniyang bibig gamit ang tissue.Humarap siya kay Maverick at hindi niya mapigilan ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso habang nakatingin sa kaniya."H-Hindi naman siguro," kinakabahang sabi niya habang nanginginig ang kaniyang mga tuhod.Ngumiti naman si Maverick saka lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mga kamay."Ayaw mo ba? Kasi ako, gusto ko," mahinang sambit niya habang nakatitig kay Hexy."Gusto ko naman. Pero hindi pa sana ngayon, wala pa akong sapat na ipon, eh," sagot ni Hexy saka napangiti.Niyakap siya ni Maverick nang mahigpit saka hinalikan ang kaniyang noo."Ako naman ang bubuhay sa inyo ng mga magiging anak natin," malambing nitong saad."Nakakapanibago ka naman," natatawang wika ni Hexy."Pero kung sakali mang may baby na tayo, sana kamukha mo," dagdag pa niya saka tumingala kay Maverick."Hindi puwede. Dapat kamukha natin pareho, and hopefully be as smart as you," sambit naman nito.Lumabi naman si Hexy."Grabe. Imagine
Hindi niya alam kung ngingiti siya sa kaniya dahil sa pagkabigla."Don't worry, I'm just here to say hello. I hope you're okay," wika ni Brandon.Ngumiti naman si Hexy sa kaniya."Maayos naman po ako, Sir. Kayo po, kumusta po kayo?""I'm good. Maraming negosyo ang nawala sa'kin, dahil kay Brix. Pero mas mabuting pera ang mawala, than him. He's doing good," sagot naman nito habang nakangiti."Gano'n po ba? Napadaan po kayo?""May meeting ako kanina diyan sa malapit. I decided to pass by here, then I saw you. Hindi ko alam na birthday mo ngayon, nakita ko lang na may hawak kang cake ang gifts, kaya nag-assume ako," natatawang sambit ni Brandon.Hindi naman umimik si Hexy at napangiti lang sa kaniya."Kung hindi lang nawala si Vanessa, makakabawi pa ako sa kaniya sa mga events sa buhay niya," biglang malungkot na sabi ni Brandon."Puwede niyo pa rin namang bisitahin si Vanessa sa puntod niya. Siguro ay matutuwa po siya," saad ni Hexy.Tumango-tango naman si Brandon."Mauna na ako, ha? Ma
Mabigat ang pakiramdam ni Hexy habang nagmumulat ng kaniyang mga mata.Agad niyang nakita sa gilid ng kama si Blessie habang nakatingin sa kaniya.Hindi pa man nagsasalita si Hexy ay lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang noo niya upang suriin kung mainit pa siya."Nahimatay na naman po ba ako?" Nahihiyang sambit ni Hexy saka tumingin kay Blessie."Oo. Ilang oras ka na ring tulog. Sana sinabi mong masama ang pakiramdam mo. Joaquin told me that you are not okay since yesterday," malumanay nitong sagot saka naupo sa gilid niya.Napahawak naman si Hexy sa kaniyang ulo."Nasaan po ba ako?"Tumingin siya sa kabuuan ng kuwarto at hindi iyon pamilyar sa kaniya."Nandito ka sa private room ko dito sa restaurant," sagot ni Blessie saka tumayo.Napatigil naman sila nang bumukas ang pintuan kaya napasilip agad si Hexy at umasang si Maverick iyon."You're awake. Nagdala na ako ng pagkain para makakain ka. Ang taas ng lagnat mo. Mas hot ka pa sa araw," pagbibiro ni Joaquin sa kaniya saka inilapag
"What? Do you know her?" Tanong ni Joaquin habang nakatingin kay Hexy. Sumama naman ang tingin niya saka tumango."Siya 'yong babaeng may gusto dati kay Mavs sa restaurant na pinagtrabahuhan namin," sagot niya saka ibinalik ang cellphone ni Joaquin at napakuyom ang mga palad."What?" Gulat na sambit ni Joaquin saka napaawang ang kaniyang bibig.Tumango naman si Hexy."Oo. Nakaaway ko na siya dati. Pero mabuti na lang at nauna siyang natanggal kaysa sa'kin.""Why are they together?" Kunot-noong tanong ni Joaquin saka tumingin sa litrato nina Maverick at Sasha."Baka may negosyo rin ang pamilya niya. May mga kasama naman sila sa mga ibang picture," saad ni Hexy at hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha."Eh, bakit may picture silang dalawa na sila lang? Is she flirting with Maverick?" "Malandi naman talaga siya. Grabe siya magpapansin kay Mavs noon. Pero hindi ko naman alam na pagkatapos niyang matanggal sa restaurant ay magkikita pa sila ni Mavs," wika ni Hexy saka n
"Gosh, Hexy, are you okay?"Napatigil si Hexy at saka ibinaling ang paningin kay Joaquin na tumabi sa kaniya."H-Huh?"Napalunok siya saka tumingin sa kaniyang paanan. Nandoon pa rin ang mga bubog. Agad naman siyang yumuko at pinulot isa-isa saka inilagay sa kaniyang palad.Napad*ing siya nang matusok ang kaniyang kamay dahil sa bubog. Agad niya rin iyong binitawan.Napatingin si Joaquin sa kaniya at napansing nanginginig ang kaniyang mga kamay.Hinawakan niya ang kanang kamay ni Hexy kung saan may sugat ito.Napatingin naman sa kaniya si Hexy. Napalunok si Joaquin nang makitang tumutulo na ang luha nito."H-Hex, mauna ka na sa locker. Susunod ako. Huwag ka nang tumingin sa kanila," malumanay na sambit ni Joaquin at halata ang pag-aalala nito.Tumango si Hexy saka tumayo at hindi pa rin umaalis. Kumuha naman agad si Joaquin ng walis at dustpan, saka ibinasura iyon.Sumulyap si Joaquin kay Maverick na nasa loob. Nakatayo pa rin ito sa gilid ng kanilang lamesa at halatang hindi alam an
Dahil sa bilis ng lakad ni Shantal ay nakalapit siya agad sa dalawa habang sumusunod si Hexy na gulong-gulo pa rin sa nakita.Nanlaki ang mga mata ni Maverick, at agad namang bumitaw si Sasha sa kaniya.Pagkalingon ni Sasha sa kanila ni Hexy ay agad nang sinunggaban ni Shantal ang kaniyang buhok at sinabunutan siya."Aray! Let me go!" Tili ni Sasha ngunit ayaw naman siyang bitawan ni Shantal kahit mas matangkad siya sa kaniya."M*landi ka! May girlfriend na 'yang nil*landi mong hayop ka!" Sambit ni Shantal habang hawak pa rin ang buhok nito. Si Sasha naman ay pilit na tinatanggal ang kamay ni Shantal.Nakatayo naman si Hexy sa gilid at blangko ang mukha habang nakatingin sa kanila."I know! Just let me go!" Sagot ni Sasha."Ah, gano'n?" Sambit ni Shantal saka kinaladkad si Sasha habang hawak ito. "Stop that already," saway naman ni Maverick ngunit sinamaan siya ng tingin ni Shantal kaya wala siyang nagawa.Hinatak niya si Sasha papunta sa gilid ng kalsada saka malakas na itinulak, da
"Hexy, hindi gano'n 'yon. It's not what you think," sagot naman ni Maverick."Gano'n 'yon sa paningin ko, Maverick. Wala ba akong karapatang malaman na magkasama kayo?" Halos nahihirapang tanong ni Hexy dahil sa pag-iyak."May karapatan ka sa lahat, Hexy. Natatakot lang akong masaktan ka.""P-Pero sinasaktan mo na ako, Mavs. Pinalagpas ko 'yong nangyari noong birthday ko," wika niya.Bigla namang napatigil si Maverick at nagbago ang ekspresyon niya sa mukha. Nagulat siya at hindi makapagsalita."Oo, Mavs. Nakalimutan mo ang birthday ko. Nakakapanibago nga, eh. Ngayon mo pa talaga nakalimutan, ngayong tayo na. Noong wala pang tayo, binabati mo ako. Ang akala mo siguro ay hindi ako masasaktan," saad ni Hexy habang umiiyak.Pinunasan niya agad ang kaniyang luha dahil nanlalabo na ang kaniyang paningin."Okay lang na hindi nila ako batiin, pero sana ikaw, sana naalala mo. Dahil espesyal ka sa'kin, eh.""I'm sorry, Hexy. I'm just too busy," wika ni Maverick saka bahagyang lumapit kay Hexy
Matapos basahin ni Maverick ang sulat ni Hexy ay napaupo siya sa kama nito. Ilang segundo siyang natahimik at tumingin sa mga unan."H-Hexy," mahinang sambit niya at bumuhos na ang kaniyang mga luha sa kaniyang pisngi. Naalala niya ang mga sinabi nito sa kaniya, at kung paano niya hindi napansin na gano'n pala ang nararamdaman ni Hexy.Napahawak siya sa kaniyang bibig habang umiiyak.Nanikip ang kaniyang dibdib at napapikit siya sa sakit."I love you, babe," wika niya sa pagitan ng kaniyang paghikbi.Ilang minuto siyang gano'n at napagpasyahang lumabas.Hindi na siya nag-abalang maligo at agad na umalis.Bahagya pang nagulat si Blessie nang makitang pumasok si Maverick sa kaniyang office."What are you doing here?" Takang tanong ni Blessie habang nakakunot-noo at pinasadahan ng tingin ang itsura ni Maverick dahil nakapambahay lang siya."I'm looking for Hexy, Tita. Puwede ko ba siyang kausapin sandali?"Ilang segundo namang natahimik si Blessie dahil naguguluhan siya kay Maverick."S