Share

CHAPTER 64

Napakunot-noo si Hexy at unti-unting tinanggal ang pagkakahawak sa kaniya ni Hannah.

"Ano 'yon?" Tanong niya.

Naglakad naman ang kaniyang ate papunta sa upuan sa gilid ng kanilang bahay kaya sumunod naman siya.

"M-May kasalanan ako," panimula ni Hannah at hindi makatingin sa mga mata ni Hexy.

"Ano na naman ba ang ginawa mo, ate? Sa'kin ba?"

Hindi naman nagbago ang magkasalubong na kilay niya.

"H-Hindi sa'yo. Kay Mama. Walang-wala kasi ako noon. K-Kumuha ako ng pera sa puwesto niya. Bago pa siya magkasakit, kaya wala siyang nagamit sa hospital," nahihiyang sambit ni Hannah.

"Ano? Bakit? Para saan?" Pigil-galit na tanong ni Hexy at napakuyom ang kaniyang mga palad.

"Naghanap ako ng trabaho. K-Kaso hindi rin naman ako nakuha kahit madami na akong gastos, tsaka binayaran ko ang mga utang ko," sagot ng kaniyang ate saka napatingin sa kaniya.

Bumuntong-hininga naman si Hexy.

"Nahihiya kasi ako sa'yo," dagdag pa ni Hannah.

Nagbago naman ang ekspresyon ni Hexy sa kaniyang mukha.

"Baliw! Sa'
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status