Share

CHAPTER 84

Nanlaki ang mga mata ni Hexy at napatakip sa kaniyang bibig.

Hindi niya mapagtanto kung ano ang kaniyang mararamdaman. Kung masaya ba siyang buhay ito, o natatakot siya.

Umiling-iling siya at nanuyo ang kaniyang lalamunan habang nakatingin kay Vanessa na nakatutok pa rin ang baril kay Maverick.

"B-Bakit...Paanong buhay ka? P-Paano..."

Hindi alam ni Hexy ang sasabihin.

Napangisi naman si Vanessa saka hinatak si Maverick papunta sa gilid habang nakatutok pa rin sa kaniya ang baril.

"Ano, Hexy? Natakot ka ba?" Sambit ni Vanessa.

Napansin ni Hexy na may sugat ang kalahati ng mukha nito, pati na rin ang kaniyang kanang braso.

Hindi siya nakaimik at nabibingi siya sa lakas ng tibok ng kaniyang puso.

Ibinaling naman ni Vanessa ang kaniyang paningin kay Brix na nasa tabi ni Hexy at nakaharang ang kaliwang kamay nito kay Hexy upang protektahan ito.

"How are you, my brother?" Nakangising tanong ni Vanessa. Biglang nagbago ang ekspresyon nito sa kaniyang mukha. Bigla itong sumeryoso na siyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status