Share

CHAPTER TWENTY-FOUR

Kasalukuyan akong naglalakad sa pasilyo ng aming base nang makasalubong ko si Dana na halatang inaabangan na ang pagdating ko.

"Bakit ganiyan suot mo? Hindi ka man lang nagpalit, ang nipis ng sando mo tapos ay naka-cycling shorts?" puna nito ngunit dire-diretso na 'ko sa opisina ko.

Yes, may sarili kaming opisinang mga Agent, para may privacy at nakakapag-discuss kami nang tungkol sa mga kanya-kanya naming trabaho.

"Wala na 'kong time na magpalit pa dahil sa dalawang ungas na 'yon," saad ko at inilagay ko ang bag ko sa may bakanteng sofa.

"Sinong tinitukoy mong dalawang ungas?" curious nitong tanong habang nakakunot ang noo.

"Edi, sino pa ba? Iyung magkapatid na Stefan at Harley, pumunta sila sa Oxeine Dance Pole Studio at doon ako binulahaw, ito pa ang siste, oras ko ng pahinga ang inabala nila! ME time ko," sumbong ko sa kanya na ikinaawang ng bibig niya.

"Sinundan ka nila ro'n?? Meaning, naka-monitor ka na kay Harley o kay Stefan?? Hindi 'to maganda, Ruby. Baka masundan ka nila kap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status