HMH - 55Isinuksok ni Yanna ang kanyang baril sa likuran bago lumabas sa kanyang sasakyan. Tahimik ang paligid dahil bihira na ang dumadaang sasakyan kapag alanganing oras na ng gabi. Wala rin CCTV sa lugar kaya malakas ang loob ng mga ito ang mag-ambush at magbantay doon. "Hmm, so she's Ms. Cordoja?" Tumatango at nakangising sabi ng isang matangkad na lalaking may kaitiman. Nakasabit ang baril nito sa hintuturo habang nilalaro iyon paikot-ikot sa daliri."She look so hot, huh?" sabi naman ng isa pang balbasan ang mukha at tila nanghuhubad kung maka-titig kay Yanna."Sayang naman kung hindi natin matitikman ang alindog na 'yan. Bakit hindi na lang muna natin alborin kay bosing?" nakangising sabi ng isang lalaking may kaliitan ngunit malaki ang katawan. Nagtawanan ang grupo at lumapit ang isa na tila lider ng mga ito kay Yanna. Huminto ito sa harapan ni Yanna nang may dalawang metro ang layo at sinipat siya mula ulo hanggang paa na may nakakalokong ngiti. "Wow! Sino ba naman ang mag
HMH-56DITO muling nabaling ang kanyang pansin. Pormal itong nakatayo at nakasandal sa kotse n'ya. Hawak pa rin nito ang baril. "Ikaw pala. Salamat sa tulong mo. Anyway, bakit ka nga pala narito?" Tanong niya habang papalapit sa taong tumulong sa kanya na walang iba kundi si Xander."Gusto lang sana kitang makausap. Lately, kasi parang napapansin ko na umiiwas ka sa 'kin. May problema ba tayo?" Pormal na tanong nito at itinago ang baril sa likuran nito. "Saka sino ang mga taong 'to? Kilala mo ba sila?" Baling nito sa mga nakalatag na bangkay sa harapan nila."Hindi ko rin sila kilala at hindi ko alam kung ano ang pakay nila sa akin. Pero salamat pa rin na dumating ka.""Yeah, mabuti na lang talaga. Dahil kung hindi, hindi rin natin alam ang nangyari sa dami ba naman nila at nag-iisa ka lang," anito na nanatiling nakatitig sa kanya. "Baka may naging atraso ka sa kanila? Anyway, mayamaya lang narito na ang mga pulis para mag-imbestiga," "Wala naman akong kilala na posibleng naging kaa
HMH - 57MAAGA pa lamang nakahanda na si Yanna para sa pagsundo ni Xander. Hindi rin niya maintindihan ang kanyang sarili kung bakit labis siyang kinakabahan. Kagabi pa kasi siya nag-iisip kung ano ang nais tukuyin ni Xander ngunit wala siyang mahanap na dahilan. Hndi mapakaling pabalik-balik siya ng lakad sa kabuuan ng sala habang wala pa ito. Bahagya pa siyang nagulat ng mag-ring ang phone niya. "Are you ready?" tinig ni Xander ang nasa kabilang linya."Yes!" "Okay, I'll pick you up," "No need! I'll go down, just wait me outside," "Okay!" Ilang minuto lang at nasa harapan na s'ya ng kotse ni Xander. Ipinagbukas siya nito ng pinto at inalalayan habang papasok."You look beautiful," anas nito."Thank you," hindi naiwasang pamulahan ng mukha si Yanna sa papuri nito. "Anyway, sino na nga ba ang taong kakatagpuin natin ngayon?" panimula ni Yanna matapos mailang sa ilang sandaling katahimikan sa pagitan nila ni Xander."Isa sa pinagkakatiwalaang abogado ni Dad. Si Atty. Ruel Cueva
HMH - 58"SHIT!" mura ni Xander nang biglang humarang ang isang itim na close van sa kanilang harapan paglabas pa lamang nila ng basement. "Down! Cover yourself!" malakas na utos nito kay Yanna na muling pina-atras ang sasakyan papasok sa basement. Mabuti na lamang at nagkataong wala silang kasunod na ibang sasakyan. Kasabay nito ay pinaulanan sila ng bala nang grupo. Hindi naman makaganti ng putok sina Yanna sapagkat parehong hindi nila inasahan ang nangyari. Tumama sa kung saan-saang parte ng sasakyan ni Xander ang mga bala ng mga ito at nabasag din ang front mirror. Mabilis naman na nakatago at nakahingi ng back-up ang isang security ng gusali na nakasaksi sa naganap, habang ang isa ay natamaan dahil sa pakikipagpalitan ng putok sa grupo. Ilang minuto lang at nag-si-datingan naman ang tatlong grupo ng mga pulis at naglabasan din ang ilang security na nasa loob ng gusali. Mabilis na sinundan ng mga ito ang papalayong itim na van. "Are you guys okay?" Nag-aalalang tanong ni Atty
HMH - 59HALOS hindi dalawin ng antok si Yanna habang nakahiga. Late na rin silang nahiga dahil sa rami ng kanilang inayos na nakakalat na gamit. Wala rin siyang nagawa sa pasya ni Xander na mag-stay sa unit niya ng gabing iyon. Pansamantala nitong inokupa ang sala. Mahaba naman ang sopa roon bagama't medyo kinapos sa haba sa sobrang tangkad nito. Hindi rin naman niya ito mapilit na umuwi na lamang. Panay ang biling niya sa higaan. Kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata ay hindi ume-epekto. Gusto sana niyang lumabas para magtimpla ng gatas ngunit alam niya na naroon si Xander. Pasado alas dos na nang gabi at mulagat na mulagat pa rin ang mga mata ni Yanna. Nagpasya siyang bumangon para tunguhin ang kanyang secret room. Naka-connect naman ang secret door nito sa mismong kwarto niya kaya malaya siyang makakapasok na hindi makikita ni Xander. Kaagad niyang binuksan ang kanyang mini ref doon at naglabas ng maliit na alak at diretsong ininom. Humarap siya sa kanyang personal lap
HMH-60MAGKASAMA sina Xander at Yanna sa sasakyan habang nasa gitna ng convoy. At ang dalawang convoy nila ay nasa harapan at likuran."Sigurado ka ba talaga na mapagkakatiwalaan natin sila? Baka mamaya patibong lang lahat nang ito?" ani Yanna kay Xander habang tutok lang ang pansin nito sa pagmamaneho."Mas mabuti na harapin natin sila kaysa naman hindi natin alam kung ano ang pinagmumulan nito. Mas mabuti na rin na makilala natin kung sino ang sinasabi nilang pinuno nila. Baka sakali na mas marami siyang maitulong para tuluyan nating malaman kung sino ang nasa likod ng mga pagtatangka sa 'yo." "Pero parang iba kasi ang kutob ko. At isa pa, mukhang hindi biro ang layo ng pupuntahan natin. Hindi mo ba napapansin, kanina pa tayo halos isang oras na sa daan pero hindi pa rin natin nararating ang sinasabi nilang safehouse. Mukhang patungo pa yata tayo nito ng Rizal?" Angal ni Yanna sabay kinuha ang kanyang phone. In-on niya ang kanyang location at hindi nga siya nagkamali ng hinala. Han
HMH-61"MAGANDANG araw po sa inyo, senyor," bati ng katiwala rito ng pumasok. Tumango lang ang may edad na lalaki na nakangiti bago umikot ang paningin sa paligid. Muli, mas lalong lumawak ang pagkakangiti nito nang makita sina Xander at Yanna na nakatayo sa may puno ng hagdanan. Ang medyo may kasingkitang mga mata nito ay tila mas lalong nag-isang linya. Inangat nito ang palad na tila pinalalapit sila. Muling nagkatinginan ang dalawa na parehong natigilan lalo na si Xander na mas lalong lumalim ang pagkaka-kunotnoo. "May problema ba?" mahina at halos pabulong na tanong ni Yanna kay Xander nang mapansin niya ang gulat sa mukha nito. May pakiramdam siya na kilala nito ang sinasabi nilang senyor. "I can't believe it!" halos pabulong din na sagot ni Xander, ngunit sapat lang para marinig ni Yanna, habang nakatitig sa may edad ng lalaki na tinawag nilang senyor. Sa tindig at ayos nito makikitang malakas at malusog pa ito. Nagmamayabang sa tikas ang tindig nito. At mukhang kahit may e
HMH-62"TESSA is no other than Lady Queen. Siya ang nagpapatakbo ngayon ng kilalang red pentagon. Nagsimula siya sa paunti-unti mula nang ipagkatiwala ko sa kanyang ipahawak ang ilan sa mga hawak ko sa ilalim. She used her body to catch mostly of my trustees. But not all she could get. Until I discovered what was she doing behind my back. She used my money to gain more power. And if she get's more what she want, she will going to be more powerful. But I won't let that happen. Before, she was trying to kill me slowly by mixing poison in my food that's why I always feel irritated. My business partners saying that I am not capable to hold my position because of my unwell condition. And Tessa grab that opportunity to be in my back and later, she's making her own hole inside my own.I first met her in a pageant. I just made her my mistress but after a month, she declared that she was pregnant. I am surprised as I know that she is using contraceptive and I too, but she threatened me to ki