Share

Kabanata 14

KUMUYOM ang mga kamao ni Trojan nang tuluyang sumara ang pinto ng bagong bahay na tinuluyan nila. Nanghihinayang siya sa mansyon sa Astoria, ngunit dahil natunton sila ng mga taong pinagtataguan, kinailangan nilang lisanin ang lugar na iyon. Naiinis siya dahil mukhang kahit saan talaga siya magtago, hindi siya patatahimikin ng mga ito.

He sighed and rubbed his palm on his face. Nadidinig pa rin niya ang hikbi ng kanyang anak dahil sa pagkamatay ng tauhan niyang si Floyd. Alam niya kung gaano kagiliw si Bucky kay Floyd. Kahit hindi ito marunong magtagalog, gumagamit si Floyd ng translator para lang makilala at makakwentuhan ang kanyang anak.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status