Share

18. TRAPPED SERIES#3

[Samantha]

Hindi mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Zandro sa kanya. Bakit kung magsalita ito ay parang may ibig itong sabihin? Bumuntong hininga na lamang siya. Bakit ba iniisip pa niya ang tungkol sa lalaking ‘yon. Ang dapat niyang isipin ngayon ay kung paano siya makakahanap ng ebidensya laban dito.

Sumulyap siya sa pagkain na nasa mesa. Masyado itong marami para sa kanya. Kung hindi niya sisimulan ang plano niya ngayon ay kailan pa?

Nagdesisyon na siya. Hindi pwedeng umatras pa siya ngayon sa gagawin niya. Muli siyang bumuga ng hangin sa tapat ng apartment ni Zandro bago kumatok.

Kunot ang noo nito ng mapagbuksan siya ng pinto. Halatang hindi nito inaasahan na kakatok siya, pero pagkaraan ng ilang sandali ay gumuhit din ang ngiti nito sa labi. “Sam, may kailangan ka?”

Iniwas niya ang tingin rito. Hindi man lang ito nag abala na magsuot ng damit bago magbukas ng pinto. Mukhang katatapos lang nito maligo dahil basa pa ang buhok nito habang tumutulo pa ang tubig dito, wala ri
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status