Share

38. TRAPPED SERIES#3

[Samantha]

Totoo pala na hindi lahat ng tao sa paligid mo ay tama ang pagkakakilala mo.

Isa 'yon sa napatunayan niya ngayon. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya na isang lider ng sindikato si Jc, hindi lang lider, kundi isa rin itong napakasamang tao.

Pinahid niya ang luha sa pisngi habang nakatingin sa karagagan. Narito siya ngayon sa tabi ng dagat, gusto niyang mapag isa.

Hindi niya lubos akalain na ang lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya ay siyang magdadala sana sa kanya sa kapahamakan. Gano'n ba siya kamangmang para hindi mapansin 'yon? Mahal lang ba talaga niya ito kaya nabulag siya? O talagang magaling lang ito magtago?

Kung gano'n ito ang tinutukoy ng mga taong nagtangkang dumukot sa kanya. Hindi si Zandro ang binalak na kidnapin siya kundi si Jc mismo!

Parang bata na sinubsob niya ang mukha sa kamay at saka impit na umiyak. Mabuti na lang pala at ginawa ni Zandro ang lahat upang iligtas siya sa kamay ni Jc. Paano kung naikasal siya rito at nagtagumpay ito? Oo
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status