Share

47. TRAPPED SERIES#3

[Samantha]

“Samantha, totoo ba ang balita na nagdi-date kayo ni Peter?”

Natigil siya sa pagtipa sa kanyang laptop at nilingon ang kapwa niya guro na si Mila. “Saan mo naman nalaman ang balitang ‘yan?” Kunot ang noo na tanong niya.

“May nakakita kasi sa inyo na magkasama sa isang Coffe Shop.” Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng nagdududang tingin. “So, kayo na nga?”

Umiling siya bago muling ibinalik ang mata sa ginagawa. “No, we’re just friends. Napadaan lang ‘yong tao ‘date’ agad?” Ang bilis talaga kumalat ng tsismis. Minsan parang gusto niya ng maniwala na may pakpak talaga ang balita.

“So, may pag asa na si Troy?” Toto-ngiti na tanong nito. Pinsan nito si Troy. Nakilala niya ang binata ng imbitahan siya ni Mila na dumalo sa birthday celebration nito sa bahay nito.

Hindi na lang siya nagsalita at mahinang napatawa na lang. kinuha niya ang tumbler at saka uminom ng lemon juice ng magsalita ito.

“Bagay na bagay kayo nang pinsan ko, Samantha. Teacher ka, pulis naman siya—“
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Armando Depasupil
Ganda tlga ............exted na Po aq sa susunud............more pa po
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status