"MAHAL ko, kumusta ang pakiramdam mo? Maayos na ba?" masuyong tanong ni Kiah sa asawa habang marahan niya itong hinahaplos sa buhok.
Nasa ospital sila ngayon sa kabayanan dahil bigla na lamang natumba si Carlos habang nagtatrabaho sa bukid. Ayaw na sana niya itong payagan pang magtrabaho subalit mapilit ang asawa niya. Lalo raw siyang magkakasakit kapag naglagi raw siya sa bahay. Kung kaya't wala na siyang magawa kung 'di pabayaan ito. Subalit hindi naman niya akalain na ganoon ang aabutin ni Carlos. Tuloy ay sising-sisi siya.
Ginagap ni Carlos ang kamay ng asawa na humahagod sa kaniyang buhok saka iyon dinala sa mga labi. Pagkatapos ay ngumiti siya rito. "'Wag ka nang mag-alala, mahal ko. Maaayos na ang pakiramdam ko. Siguro ay napagod lang ako sa pag-gapas ng palay."
Ngunit alam ni Carlos na kasinungalingan lamang iyon. Alam
"HERE'S your order, Sir. One brandy on the rocks.""Gracias," nakansakaang turan ni Akihiro sa bartender saka dinampot ang baso na may lamang alak.Pangatlong araw na niyang nagsu-surveillance sa El Casa Montenegro ng gabing iyon. Patuloy pa rin ang pangangalap niya ng mga ebidensya na magdidiin sa nasabing club. May mga ilang impormasyon na rin naman siyang nakukuha, pero sa tingin niya ay kulang pa rin iyon kaya naman mas pinaghuhusayan pa niya ang pagmamanman.Gamit ang kaniyang hidden camera na kasing liit ng butones ay kinukuhanan niya ang lahat ng mga kaganapan sa loob. Hindi rin nakaligtas sa camera niya ang mga kabataan na lantarang nag-po-pot session. At dahil doon, napatunayan ni Aki na drug den nga ang lugar at front lamang ang nightclub.
"Just wait for my signal Agent Tetsuya, bago ka kumilos. And make sure na secure ang loob bago kami pumasok!"Pasimpleng inayos ni Akihiro ang earpiece niya nang marinig iyon saka kunwaring may inayos sa kwelyo bago sumagot. "Copy."Malikot ang mata niya ng mga sandaling iyon at mas tinalasan pa ang pakiramdam. Ngayong gabi nila sasalakayin ang nightclub. Naroon na rin siya sa loob at nagpapanggap pa rin bilang isang customer. Sa labas ay nakapwesto na ang PDEA, NBI at Quezon City Police Dis
HALOS tatlong araw ang itinagal ng biyahe ni Kiah bago siya makarating sa pier ng Maynila. Sa isang transportasyon na kung tawagin ay roro siya sumakay na kung saan, ang bus na sinakyan niya paalis sa kanilang probinsya ay isinasakay sa isang barko. Noong una kasi siyang umuwi sa probinsya, ay sa eroplano siya pinasakay ni Akihiro kung kaya't halos isang oras lang ang itinagal noon.Naku! Paano ba 'yan? Hindi ko alam kung paano pumunta sa Makati! Namomroblemang inililibot ni Hezekiah ang paningin sa pier. Hindi kasi niya kabisado ang Maynila kaya hindi niya alam kung paano makakapunta sa Makati, kung saan naroon ang condo unit ng amo."
Humahangos na dumating si Aki sa Metro Manila Police District station 11. Pagpasok niya sa presinto ay hinahanap agad ng mata niya si Kiah. At hindi nga siya nabigo, nakita niya ang babaeng nakayupyop sa isang tabi at tila basang sisiw. Umiling-iling pa muna siya bago niya ito mabilis na nilapitan."Kiah, what happen?" pakli niya rito saka umupo sa bakanteng upuan katabi nito. Nang makita siya ng babae ay biglang itong bumulalas ng iyak pagkatapos ay walang anu-anong yumapos sa kan'ya."Sir Aki, maraming salamat po at dumating kayo!" humahagulhol na wika ng dalaga sa kan'ya. Bakas sa mukha nito ang relief nang makita siya.Nabigla man si Akihiro sa pagyakap ng babae ay hinayaan lang niya ito. Besides, parang hinaplos ang puso niya dahil sa yakap na 'yon. Feeling kasi niya, ay kailangang-kailangan siya ni Kiah nang mga oras na iyon.
"BUT Kiah, 'di mo ba naiisip na lalaki ako?" pigil ang inis na tanong ni Akihiro sa babae na noon ay inosenteng nakatingin lang sa kan'ya. Goddammit! Mare-rape ka na, wala ka pa ring kaalam-alam! frustrated n'yang wika sa isipan habang pinagmamasdan ang kabuohan nito.Tumungo ang dalaga dahil sa sinabi niya. "E, Sir Aki. . . may tiwala naman po ako sa inyo," sagot nitong hindi pa rin makatingin sa kan'ya."My God Kiah! Kaya ka naloloko kasi mabilis kang magtiwala!" inis niyang saad habang masama ang mukha na nakatingin dito. "'Di lahat ng kaharap mo ay mapagkakatiwalaan mo, okay? Matuto kang makiramdam!""P-pero sir, kayo naman po iyan. Alam ko pong mapagkakat
ABALA si Kiah sa pagwawalis ng marmol na sahig nang sandali siyang matigilan. Naalala kasi niya ang naging usapan nila ni Aki kanina lamang tungkol kay Carlos at sa pagpayag ng asawang mamasukan siyang muli.Ang totoo ay hindi rin niya alam kung bakit hindi niya masabi na wala na ang asawa. Ayaw man niyang magsinungaling sa amo, pero aywan niya sa sarili kung bakit hindi niya inamin ang katotohanan. Bigla ay nakaramdam tuloy siya nang konsensya, lalo pa't napakalaki na ng utang na loob niya sa amo. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung papaano makababayad. Ngunit ipinangako rin niya sa sariling gagawin ang lahat upang makabayad sa kabutihan nito."Naku! Ang kalat-kalat naman ng silid ni Sir Aki. Hindi ba s'ya nakakapaglinis?" kunot-noong bulalas ni Kiah sa sarili habang pinasasadahan ng tingin ang nagkalat na pinagbihisan sa sahig.
"GOD! Bakit ko ba nagawa 'yon?" frustrated na saad in Aki sa sarili habang nakahiga sa kama at nakatingala sa kisame. "Bakit kasi may pa-haplos haplos pa akong nalalaman?! Baka bigyan n'ya pa 'yon ng kahulugan. E, naaawa lang naman ako sa kan'ya," kausap pa ni Aki sa sarili habang hindi maalis-alis sa isipan ang ginawa kani-kanina lang.Aywan rin niya alam kung bakit wirdo ang naging epekto sa kan'ya nang makitang may tinamong bukol ang dalaga. Bigla-bigla nakaramdam siya ng matinding pag-aalala. Kaya naman pakiramdam niya sa sarili kanina ay para siyang ibang tao."Shit! Nakainom lang ako kaya gan'on! No way! Naawa lang talaga ko sa kan'ya!" giit pa niya sa sarili habang panay ang iling.Totoong nakaramdam siya ng awa matapos makita ang bukol sa noo ni Kiah. Ang buong akala niya, hindi ito
"SIR, ito na po ang info about sa member ng Budol-budol Gang na ipinahahanap n'yo."Inabot ni Aki ang itim na folder na ibinigay ni Maggie, ang researcher sa DISG saka pinasadahan iyon ng basa."Nakalagay po sa info na 'yan kung saan makikita si Rosalia Marquez a.k.a Lucita Dimayuga, maging ang mga address ng mga kasamahan niya. Ayon din po sa surveillance team, ang Star Creator Agency ang ginagamit ng gang na 'yan para makapanloko. Malamang po ay nar'yan ang iba pang member ng gang na wala sa watch list. At ayon rin sa mga otoridad, mailap ang mga 'yan. Sa tingin nila ay may malaking tao ang nasa likod ng grupong 'yan," tuloy-tuloy na paliwanag pa nito sa kan'ya."Okay. Thanks Maggie. Ako na ang bahala rito," ani Akihiro saka tumango rito.