PAGKARATING sa hospital, kaagad na nagpaalam ang dalawa kila Yesha. Sila naman ay dumiretso na sa kwarto ni Mr. Ortega. Naabutan nila itong naonood. Kumatok muna si Yesha bago sila pumasok dalawa ni Erika. Nanlaki naman ang mata ng lalaki.
"Miss Yesha!" Mabilis itong bumaba sa higaan saka yumakap sa kaniya. Nang maghiwalay ang kanilang katawan kaagad naman niyang ipinakilala si Erika. "This is Erika my best friend. Kumusta ka na?"
Ngumiti ito saka nakipagkamay kay Erika. Nagkatinginan naman sila ni Erika sabay ngiti. "Okay na ako Miss Yesha. Minsan natatakot ako pero kaya ko naman na labanan. Palagi ko kasing inaalala ang mga sinabi ninyo." Hindi niya lalo naiwasang mapangiti. Mabuti na lamang talaga at marunong ito sumunod sa mga sinasabi. Mayroon kasing mga pasyente na walang pakialam. Hindi marunong sumunod kaya mas lalong nagtatagal. "Mabuti 'yan, kahit nasa labas ka na huwag mo kakalimutan 'yong mga tinuro ko sa 'yo, ha?" paalala niya r
HALATANG walang nagawa si Erika kung 'di ang doon na lang makituloy sa bahay na Adrian. Pansin naman ni Yesha na may problema ang dalawa pero hindi na rin siya nagtangkang magtanong pa dahil hindi niya alam kung gaano iyon kababaw o kalalim man lang. Ayaw naman niyang manghimasok kahit na kaibigan niya ito. Panigurado namang may sariling pag-iisip ang dalawa. Hindi na nila kailangan pang pakialaman ng kahit na sino."Mauuna na ba kayo?" malungkot na tanong niya rito. Tumango naman sa kanila si Erika. "Gusto ko pa sanang bisitahin si tita pero saka na lang siguro. Kapag okay na ang lahat, mahirap din kasi magpanggap sa harap ng mama mo." Natawa siya sa sinabi ni kaibigan. Paniguradong mapipilitan itong sabihin kung ano ang nangyari dahil kilala niya ang mama niya, paniguradong mahahalata kaagad nito kung may problema ba ang isang tao."Basta ha, tumawag ka sa akin kapag nalulungkot ka o hindi mo na rin kaya, ha? Maging open ka dahil kakaltuka
NAGING abala si Yesha at Shawn sa loob ng dalawang linggo dahil sa bagong branch ng kompanya nitong itatayo sa Hongkong. Excited siya sa patuloy na paglago ng kompanya ni Shawn at hindi na niya alam kung paano ito i-c-congrats.Masaya siyang tumulong sa lalaki at masaya siyang makasama nito sa paglago. Palagi rin naman niyang sinasabi sa kaniyang ina kung gaano kagaling ang kaniyang nobyo at pareho silang hindi maiwasan na maging proud dito. Alam niyang magaling si Shawn at hindi lang hanggang dito ang lalaki. Alam niyang dadami pa ang branch nito sa iba't ibang sulok ng daigdig."Busy?" Nakangiting tanong niya pagpasok sa opisina ng lalaki. Sobrang seryoso kasi ng mukha nito at halatang abala sa kung ano mang ginagawa niya. Kakauwi lang din niya galing sa trabaho, tinapos na rin kaagad ni Yesha ang lahat ng kailangan niyang tapusin dahil alam niyang matatambakan siya kapag hinayaan pa niya. "Medyo, but this is the last folder i need to sign
NANG matapos ang kanilang dinner ay kaagad silang umuwi. Hanggang ngayon ay bakas pa rin sa mukha ni Shawn na hindi pa rin ito makapaniwala na medyo nagbago ang pakikitungo ng ama nito sa kaniya. Alam ni Yesha na malalim ang iniisip ng nobyo kaya naman hindi na rin muna niya ito inistorbo. Pero hindi pa nga nakakatapos ang ilang minuto naramdaman na kaagad niya ang paglalambing ng lalaki sa kaniya. Palihim naman siyang napangiti."Bakit gising ka pa?" mahinang tanong ng lalaki sa kaniya. Hindi naman mapigilan ni Yesha ang kiligin sa boses nito. "Kasi hindi pa ako antok?" pilosopo niyang tanong dito. Natawa naman ang lalaki sa kaniyang kalokohan. Mukhang dito na lang talaga sila lalong sumasaya."Psh, you okay?""Yes," pagsisinungaling niya kahit medyo hindi pa rin maalis sa kaniyang isipan ang sinabi ng ama nito na hindi niya alam kung totoo ba o hindi. "Wala ba talaga kayong napag-usapan ni dad?"Al
MALAKAS itong natawa sa mga pinagtatatanong niya. Mas lalo lamang tuloy na napasimangot si Yesha. Alam niya kasing mas lalo lamang siyang mapapahiya. Kung bakit ba naman kasi sobrang paborito niyang ipahiya ang sarili. "Wife, listen to me. You're noyt ugly. Nakikita mo ba 'yong mata nila kapag naglalakad ka? Palaging nakasunod sa 'yo kaya palagi ring nasisira ang araw ko." Natigilan siya sa sinabi ni Shawn. Hindi niya alam na ganito ito masyado ka-open sa kaniya. Alam na niya iyon matagal na pero heto na naman siya.Maganda siya at iyon ang isa sa mga katangiang meron siyang ipinagmamalaki niya. Pero hindi naman kasi palaging maganda ang pakiramdam niya sa sarili. Minsan naiisip din niyang nagbabago ang hitsura niya. Nawawala ang gandang pinagmamalaki niya. At higit sa lahat, minsan hindi na niya maisip na kung ano ang ganda niya noon ay iyon pa rin hanggang ngayon."Pero, Shawn...""Stop that pero, love. I told you, you
HALOS lumuwa ang mata ni Yesha sa naging sagot ng kaniyang marupok na kaibigan. Si Adrian ang boss nito ibig sabihin, katulad ng sa kanila ni Shawn, kung sino ang kasintahan nila, iyon ang boss nila. Gusto na lamang niyang sampalin ang kaniyang sarili."Hoy, seryoso ba? Si Adrian as in ang boyfriend mo?" Natawa ito na para bang nagbibiro siya s akaniyang mga tinatanong at sinasabi. "Gulat na gulat? Alangan kayo lang ni Shawn ang puwede." Nakangising sagot nito. Wala naman sa kaniya ang issue na 'yon, pero hindi niya alam kung bakit naguguluhan naman siya ngayon. Well, kaibigan lang naman niya ang may karapatang mag-decide sa lahat ng ginagawa nito."Loko, i mean. Hindi naman bias sa ibang katrabaho?" tanong niya habang nakangisi pa. Alam niyang bias dahil girlfried ito. Pero gusto pa rin niyang itanong. "Tinatanong pa ba 'yan? Malaman, oo." Malakas na natawa si Yesha."Sino ba naman ang may gusto ng same special treatmen
HALATANG ayaw ng mga lalaki na dumikit kay Yesha ang kanilang mga girlfriend pero wala namang magawa ang mga ito kung hindi ang maupo at panooring magtawanan ang mga ito. Si Yesha, isa isang sinumbong ang mga nobyo nito."Hindi ko nga alam bakit niyo nagustuhan ang mga tukmol na iyon, e." dagdag pa niya. Si Cassandra naman nasa tabi niya. Close na sila nito. "Actually, dati sobrang bwiset ako sa lalaking 'yan." Turo ng babaeng nagngangalang Ziah kay Ace. Muli silang natawa."Ang lakas kasi talaga niya mang-inis. At hindi lang 'yon, palagi niya akong ginagalit." Kaagad naman siyang sumang-ayon kahit ito ang pinakatahimik sa lahat. "Kumusta ka naman Cassandra? Ang iyo yata ang pinakamakulit sa lahat." Pagtatanong ni Yesha. Kaagad namang nasapo ng babae ang kaniyang noo."Sobra, sinabi mo pa. Hahaha, pero mahal ko 'yon." Napangiti siya. Wala naman siyang balak na siraan ang mga ito dahil mababait naman talaga. Gusto lang ni
NAPANGIWI siya sa mga banat nito. Napaka-corny talaga at kahit gwapo ito, nakabawas iyon. Itinulak niya ang mukha ng lalaki palayo sa kaniya. Tawa naman nang tawa ang kaniyang ina. Sayang saya na panoorin silang dalawa."Ilayo mo naman ang mukha mo sa akin. Pakiusap lang." Mas lalo itong nanadya. "Shawn namannn!""Kidding love." Inirapan niya ito. Sinamaan pa niya ng tingin pero mas lalo itong nang-asar. "Hindi nakakatawa Shawn." Nakangiti niyang sabi."Pero nakangiti ka." Sumimangot siya saka nagdadabog na pumasok sa kusina. Kumuha siya ng maiinom saka muling lumabas. "Ma, juice oh. Shawn tawagan na lang natin si lola baka mabawasan 'yang kaabnoyan mo." Natawa ito sa kaniya."Tigilan mo na pagtawa mo, hindi na ako natutuwa." Unti-unting nawala ang ngiti ng lalaki sa kaniya. "Tita?""Yes, anak?""Ayaw na ba sa akin ng anak ninyo?" Natampal ni Yesha ang kaniya
KAAGAD siyang nilapitan ng babae. Nagpapanggap itong walang kaalam-alam sa nangyayari. Alam niyang mahihirapan sila lalo ni Shawn kaya naman nagdesisyunan nilang gawin muna itong totoo habang nasa loob sila ng trabaho."Hey, puwede bang tabi tayo?" tanong nito na nagpakilalang Kristle. Kaagad namang lumapit sa kaniya si Shawn. "No, ako ang katabi niya." KItang-kita niya kung paano mapangisi si Kristle."Hindi na kailangan, Shawn. Siya na lang ang itatabi ko." Pasimple niya itong iniwasan. Natawa naman si Kristle sa nangyayari. Alam niyang hindi na ito makapagpigil na makita silang nagkakakganito kaya naman kaagad nila iyong ibibigay. Pasensiyahan na lang talaga. Ang akala nilang magiging mahihirap sa kanila nag lahat ay wala man lang nilang ka-effort effort na ginawa."Hindi ko alam na kaya mong magpaka-martyr." Bulong ni Kristle sa kaniya. Malungkot siyang napangiti. "Hindi ko alam kung bakit na narito pero gusto kong m