Share

CHAPTER 25

NAIILANG na naupo si Yesha sa tabi ni Shawn. Para naman kasing ewan ang lalaki. Malakas ang topak at hindi niya alam kung ano ang iaakto gayo'ng nasa iisang lamesa sila ng pamilya nito.

"So, kailan niyo balak magpakasal?" biglang tanong ng lola nito na ikinalaki ng kanyang mata kasabay ng pagtikhim ni Shawn. "Bago pa lang kami lola, at isa pa, ayaw ko hong madaliin si Yesha." sagot ni Shawn sa lola nito. Siya naman ay nakahinga nang maluwag. Kanina pa kasi sila pinagtitripan ng lola ni Shawn. Pero aminado siyang kahit na naiilang siya ay hindi pa rin niya maiwasang kiligin.

Pakiramdam kasi niya ay nagwagi siya. Kahit na nagpapanggap lang sila. Pakiramdam niya boto ito sa kanya.

"Ah gano'n ba? Pero apo, wala naman iyon sa tagal ng pinagsamahan." banat naman ng lola nito na ikinatawa ng kapatid ni Shawn. "Bro, baka mamaya... maagaw pa 'yan sa 'yo." anito. Alam naman niyang siya ang tinutukoy ng lalaki. Ang hindi lang niya alam ay kung sino ang tinutukoy nito na ba

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status