ALAM ni Yesha na gustong-gusto magtanong kaniyang ina pero hindi naman siya kumikibo. Kaagad niyang inililihis ng pasimple ang usapam dahil alam naman niyang uungkatin nito ang pinagmulan ng tampo niya. At dahil siya naman ang nagtatampo, siya ang kailangan na mag-adjust at paniguradong sasabihin pa ng kaniyang ina na intindihin na lang dahil trabaho pa rin iyon. Trabaho pa rin amg dahilan kung bakit himdi siya magawang replyan ng lalaki.
Pagkauwi nila ay ipinagluto niya ang ina. Kapag magkasama silamg dalawa, gusto niyang pagsilbihan ito dahil bihira lang naman niya ito makasama.
"Ma, kakain na po," aya niya sa ina na abala pa rin sa binabasa. Naupo na lang tuloy siya mag-isa at nilagyan ng pagkain ang ponggan nito. Matapos ang ilang minuto ay kaagad na pumwesto ang ina ni Yesha. Tahimik lang sila muli kumakain.
"Kamusta ang pag-aaral mo?" biglang tanong nito. Ngumiti naman siya bilang tugon. Mabuti na lamang at n
SOBRANG higpit ng pagsara ng kamao ni Yesha habang tinatahak ang patungo sa kabilang departamento. Buong buhay niya ngayon lang siya na-insecure sa isang tao. Oo nga at gusto niyang yumaman pero hindi naman siya kailanman na-insecure sa ganda dahil sapat na sa kaniya ang kaniyang hitsura. Pero totoo pala na kapag da iba na tumingin ang taong mahal mo, mapapatanong ka na lang kung sapat ka pa ba. "Huwag ka kabahan, nandito lang ako," bulong ni Erika. Kahit na gustuhin niya na kumalma, ngayon pa lang nanginginig na ang kalamnan niya sa galit. Gustong-gusto niyang sampalin si Shawn at nangangti ang kamay niyang tanggalan ng buhok ang babae. "Galit na galit ako ngayon, Erika." iyon lang ang bagay na narardaman niya sa mga oras nito. Ang galit, at pandidiri sa dalawa. Hindi pa ba nakontento si Shawn? O talagang masyado lang niya itong pinagkatiwalaan na hindi siya kailanman lolokohin
WALA sa sariling pumasok si Yesha sa university nila. Hindi na nga niya halos naramdaman at napansin na tapos na ang klase kaya hila-hila na naman siya ni Erika. Mas dumoble ang pagiging tahimik niya. Kaya nagpapasalamat siya kahit papaano na alam niyang may isang tao pa ring kumakausap sa kaniya kahit na nasaskatan siya."Nakausap mo na ba ang boyfriend mo?" naiintriga na tanong nito sa kaniya. Hindi niaya alam kung bakit kailangan pa niyang masaktan ng ganito. Pwede naman sanang ibang relasyon na lang ang nagkaganito dahil hindi naman siya malakas para harapin ito."Hindi pa, hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin na alam ko na. O hahayaan ko na lang na malaman niyang alam ko na. Hihintayin ko na lang siguro ang araw na hihiwalayan niya ako dahil kung ako ang tanungin, nahihirapan ako." may butil ng luhang nakatakas sa mata niya pero wala pa iyon sa gusto niyang iluha.Kung alam lang niya na ganito
KAHIT na umiikot na ang paningin niya, hindi siya nagpatinag. Sinikap niyang laklakin ang lahat ng alak. Si Erika naman ay napansin niyang kanina pa huminto sa pag-inom dahil naalalay ito sa kaniya. Gusto niyang uminom hanggang sa makalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman. Gusto niyang lumapit sa ina para magsumbong pero hindi naman niya magawa. Ayaw niyang mag-isip din ito at baka mas lalo lang lumala ang nangyayari. Wala siyang rason na maisip para magawa siyang lokohin ni Shawn. "Am I not pretty enough?" pagsisimula na naman niya pero dahil sa kalasingan, hindi na niya alam kung anu-ano ang kaniyang mga binibitawang salita. "Girl, wala tayo sa movie. Kaya please, huwag masyado mag-isip ng kung anu-ano. Maganda ka, okay?" Muli na naman siyang lumagok. Wala na nga siyang pakielam kahit pa na ngayon na mismo masira ang kaniyang atay o 'di kaya ay masunod ito. "Pwede ba yosi dito?" bulong niya ka
MASYADONG masakit ang buong linggo at kahit na anong iwas niya, hindi pa rin niya maiwasan ang masaktan Lalo na sa t'wing magpapaalam sa kaniya si Shawn na may kakausapin Lang daw ito at talagang lumalayo pa ang lalaki sa kaniya, kung alam lang din Sana nito na hindi na niya kailangang magtago dahil alam na alam naman na niya kung sino ang tatawagan ng nobyo. Nitong mga nakapag-isip isip naman siya kahit na papaano. Kahit masakit, kahit minsan hindi na talaga kaya. Kahit na minsan, sobrang nakakasuko na. She decided to continue her studies not for Shawn. But for her own dreams and for her mother dreams. Balak na rin niyang ayusin ang lahat ng perang ibinigay Kay Shawn, dahil once na makompleto ulit niya ang kulang sa limang milyon, ibabalik na niya ito sa lalaki at magsisimula kahit masakit. Mahirap at parang hindi na kaya. "Hindi ka sasama sa office ngayon?" tanong ni Shawn sa kaniya. Pansin niya ang pangingitim ng Mata nito at paglubog. Kahit na ganoon, wala naman
KAHIT na papaano ay naibsan ang mga alalahanin niya. May isa na siyang makukuhanang source of income. Ang Kailangan lang niya ay makaipon Para mabuong muli ang limang milyon. Mabuti na lamang pala at gastos lang sa bahay ang ginawa nila sa Pera hindi kung saan-saan. Kung sakali man na hindi pa niya buo ang limang milyon ta hindi na niya kayanin kasama si Shawn, Baka I-surrender na lamang niya sa lalaki ang bahay. "Okay ka na ba ngayon?" tanong ni Erika habang sumisimsim ng kape. Tipid lamang ang naging pagtango niya. "Medyo, kahit na papaano ay magiging abala ako. Pero hindi pa rin sapat. Mag-apply kaya akong factory worker? Or mananahi?" suhestiyon niya na Para bang hinihingi niya ang opinyon ni Erika. "Yesha, balak mo bang lunurin ang sarili mo sa trabaho?" Walang pag-aalinlangan siyang tumango. Iyon ang Plano niya, ang malunod sa trabaho nang sa gano'n, wala siyang oras Para isipin ang mga bagay na nakapanakit sa kaniya.&n
PAGOD na pinunasan ni Yesha ang kaniya ng noo. Oo nga at lumaki siya sa kahirapan, pero hindi naman niya naisip kailanman na darting siya sa puntong puro na siya gabok, sobrang dumi ng kaniya ng katawan dahil sa alikabok at higit sa lahat, nangangamoy pawis na siya at parang bibigay na ang kaniya ng tuhod sa pagod. Kahit na gustong-gusto niyang magreklamo, mas pipiliin na lamang niya ang ganito kaysa ang umiyak nang umiyak magdamag at tanungin kung ano ang mali sa kaniya. Mas maganda na ang may pinapagkaabalahan kaysa naman sa magmukmok sa isang tabi. Atlis sa pagkakataong ito, nagagawa pa niyang kumita. "Tubig?" alok sa kaniya ng isang babae na kasama niya sa pabrika. Napagpasyahan kasi niyang magtrabaho sa school supplies store sa Umaga hanggang sa tanghali tapos papasok siya at pagka-uwi didretso siya sa pabrika ng mga shorts nma pinapasukan niya. Kahit na gustuhin man niyang mag-overtime, hindi naman pwede dahil kailanman niyang umuwi Para ipagluto an
NAIYUKOM ni Yesha ang kamao nang marinig ang announcement ng kaniyang professor. "Sir, bawal ba kami sa ibang department?" nag-aalalang tanong ni Erika. Alam niyang alam ni Erika kung ano ang iniisip niya ngayon."Bawal, as of now, ang BSA lang ang may maluwag na schedule." Nawawalan ng pag-asa siyang nag-iwas ng tingin. Mukhang mapipilitan nga sila."It's okay, Yesha. Pwede naman na iba ang kuhanin natin, 'di ba? Tsaka hindi naman tayo sigurado na tayo ang pipiliin no'n na mag-interview sa kaniya, 'di ba?"Malalim siyang bumuntong-hininga. Tama si Erika. Pwede namang may ibang lumapit sa kanila o 'di kaya naman ay sila na lang ang lalapit sa isang student kung pwedeng ma-interview."Ang pangit naman ng project ni Sir. Sana sinabi na lang niya na mag-interview ng tanong sobrang busy sa buhay tapos alamin kung paano nila naha-handle ang mental health nila. Edi sana hindi na tayo nahihirapan, ikaw na ang kukunin ko." natawa na rin siya sa sinabi nito. Maski naman siya baka
"WHAT happened?" tanong ni Yesha nang makarating sa pagawaan ng mga shorts na pinapasukan niya. May mga umiiyak kasi at may mga galit naman. Kahit naguguluhan ay hindi na niya tinangkang pumasok sa loob. "Yesha," tawag sa kaniya ng babaeng unang nakasundo niya. Lumapit ito habang nanunubig ang mga mata dahilan para makaramdam siya ng awa. "Ano pong nangyayari?" "Isasara na raw ang factory kaya nga nagkakagulo kasi hindi man lang nagbigay ng abiso." bakas ang lungkot sa mga tinig nito. "N-no, kailangan ko po itong trabaho na 'to." naluluhang ani rin ni Yesha. Wala namang naying problema pero bigla na lang nagkaganito. Gusto niyang tanungin ang mismong may-ari dahil maayos naman ito kausap. Hindi niya alam kung bakit bigka na lamang magsasara. Wala naman kasing naging problema. "Umalis na kayo, hindi na ulit magbubukas ito." anunsyo ng may-ari sa mababang boses. Bakas sa mukha nito ang lungkot dahilan para umatras ang mga bagay na gustong itanong ni Yes