Share

THE OWNER

Nanlalaki ang mga mata ni Mhia habang titig na titig sa kaharap. Halos hindi rin siya huminga.

“Mama. . . Mama. . .”

Ang tinig na iyon ni Kaia ang nagpabalik sa kaniyang wisyo.

“Huh?” Nilingon niya ang anak na nakatingala sa kaniya.

“’Kay lang po ’kaw, Mama?” tanong nito.

Natampal niya ang noo. “Yes, baby. Mama is fine,” sagot niya sabay lingon sa nakabangga sa kaniya. Ito naman ngayon ang titig na titig na sa kaniya.

Mabilis siyang tumalikod at itinulak ang stroller. Gusto na niya kaagad na makalayo sa lugar na iyon.

“Who’s that?” tanong ng kaniyang Lola Gloria nang makalapit sa kanila ni Kaia.

Nagkibit siya ng mga balikat. “I don’t know. Let’s go?” yaya niya rito.

Tumango ito at kumapit sa braso niya. Kinuha naman niya ang mga pinamili nito at inilagay sa handle ng stroller, saka sila marahang naglakad pauwi. Pagtawid nila sa kabilang lane ay nilingon niyang muli ang lalaking nakabangga. Naroroon pa rin ito at sinusundan sila ng tingin.

Mabilis niyang binawi ang mga mata rito.

There
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status