“Papasok ka? Nakakalimutan mo ba yung ginawa sa iyo ng mga kaklase mo? Pinahiya ka ni Chelsea sa kanila.”Nag-iba ang reaksiyon ng mukha ko nang sabihin iyon ni Cosmo dahil walang alam si John sa nangyari. Hindi niya nga rin alam na umalis ako.“Anong nangyari? Bakit, Cosmo?”Nagtanong na nga si John sa anak niya. Napairap tuloy ako. Bakas kay John ang pagtataka at si Cosmo naman ay parang wala lang sa kaniya, napaka-kalmado niyang unggoy.“Iyang bata kasi na iyan ay dumalo sa isang birthday party-”“Hindi ako bata,”“Bata ka pa rin dahil wala ka pang eighteen.”“Matino akong mag-isip kaya hindi na ako bata, wala man ako sa tamang edad.”“Ah, matinong mag-isip? Kaya pala hinayaan mo lang na pagtawanan ka ng lahat dahil sa hitsura mo kahapon? Para kang nareject na red velvet cupcake.” pang-aasar pa niya sa akin.“Tumahimik kayong dalawa. Ikaw naman, Andrea? Bakit hindi ko alam na may dinaluhan kang handaan? Nakita mo na ang nangyari sa iyo?” si John.“Hindi lang nakita, John. Pinagtawa
Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog pero nagmulat agad ako ng aking mga mata nang magkaroon ako ng malay. Sariwa pa rin sa akin ang mga nangyari kanina at ramdam ko pa rin ang sakit sa noo ko, maging sa balakang ko ay may naramdaman akong parang naipit roon. Ang bigat ng pabangong binato sa akin ni Chelsea at parang nasa noo ko pa rin."Buti gsing ka na,"Napatingin ako sa lugar kung nasaan ako ngayon. Nasa school clinic ako. Dito ako dinala ng taong bumuhat sa akin. I need to thank whoever that is."I'm sorry,"Nilipat ko ang tingin ko kay Sir Perez na nakaupo sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga. Teka, nandito siya? Akala ko ba ay may pinuntahan siya?"Sir??"Bigla kong naisip kung sino ang bumuhat sa akin. Siya ang bumuhat sa akin? Ano kayang nangyari kay Chelsea?"Ah!"Napangiwi ako nang makaramdam ako ng kirot sa noo ko. Buwiset. Bakit sa noo pa ako tinamaan?"Ano na'ng pakiramdam mo?"Muli kong nilingon si Sir Perez na nag-aalala. Kaming dalawa lang ang nandito sa lo
Imbes na sa kantina ako pupunta ay hindi. Pinatawag na naman ako ni Sir Perez sa opisina niya, hindi sa faculty room dahil may mga teacher doon. May posisyon siya rito sa school kaya may office siya hindi ko lang maalala kung ano yon. Hindi ko alam kung anong ganap at pinatawag na naman niya ako. Isang beses lang akong kumatok sa pinto bago ko iyon buksan para makita siya sa loob na may kausap.“Here she is,” ani Sir saka naman humarap sa akin ang mga kausap niya.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Chelsea kasama ang ama niya siguro. May hawak na pipa ang ama niya at humihit roon.Hindi pa ako nakakahuma simula nang makita ko sila pero lumapit na ako sa kanila. May benda pa rin ang noo ko, narito pa rin ang bakas na galing kay Chelsea.“Sir,” usal ko bago ako naupo sa isa pang visitor’s chair. “Pinatawag niyo ho ako?”“Yeah. Regarding dun sa nangyari sa inyo ni Ms. Chelsea Duncan. Nandito ang kaniyang ama na si Mister Rafael Duncan para makausap ka maging ako na rin.”Kumunot a
Kasama ko ngayon sina William, Edzell, at ang ilan pa sa mga kaklase ko. Hindi naman kami ganoon karami, halos lagpas lang kami ng sampu. Hindi ko alam kung bakit kami pinatawag at in-excuse pa sa ilang mga teacher namin.May hawak na yellowpad si Sir Perez, doon ako nakatingin dahil parang naiilang na akong tumingin sa mukha ni Sir simula nang may ipagtapat si William. Hindi ko pa rin alam kung totoo iyon.“Isasali ko kayong lahat sa mga contest na magaganap sa Hip-hop contest. Only one week for your practice,” ani Sir bago ilapag sa mesa ang papel. "Gusto ko na makasali kayo sa mga magaganap sa event na ito. This will help you for your grades, don't worry..”“Pero, Sir?”Umangat ang kilay ko pero hindi ako napamaang sa sinabi ni Sir.“Sana wala kayong problema,”Akma na sanang aalis si Sir Perez pero pinigilan siya ni William Domingo, “How about me? What is my contribution in this meeting, anyway, Sir?”Napalunok ako. Iba kasi ang tono niya nang magtanong siya, parang nakakabastos.N
"Balita ko magreresign na raw si Si Andrew.""Sinong Andrew?"Uwian na kaya itong mga estudyanteng babae ay nagkukwentuhan na. Ang iba kasi sa kanila ay crush ang ibang male teachers."Si Sir Perez,""Saan mo naman napulot iyan?""Kay Sir Aaron..." sagot naman ng isang babae. "Magpapakasal na raw siya eh.""Huh?! Paano siya ikakasal, eh wala naman siyang girlfriend?"Kahit ako ay naiintriga na sa usapan nila. Parang gusto ko na lang na makisali sa kanila at makitsismis."Hindi ko rin alam basta ikakasal siya."Kung ikakasal na pala si Sir Perez, ibig sabihin mali si William sa mga haka-haka niya tungkol kay Sir na may gusto sa akin. That would be good.I've never been a fan of that love team."Kanina pa ako naghihintay sa iyo na makauwi,"Sinalubong ako ni John nang makauwi ako. Nagmano ako saka naoalingon sa paligid ng bahay. "Bakit nag-iba ang ayos ng bahay? Anong nangyari?"Ngumiti siya at sumenyas na maglakad pasunod sa kaniya, "pinaayos ko para maiba naman sa paningin natin."Nak
All the stares that were given to me is nothing compare to my willingness to prove the wrong I did not do. Some of them were laughing, some of them were serious, some of them were whispering, talking bad about me, and others were waiting.I'm sitting here up on the stage. Alone. While everyone are on their seat looking at me, waiting for the principal to talk.Signal if I should start. Take the exam alone.Nangako si Sir Perez na gagawan niya ng paraan ang gulo na ito. Hindi niya ako hinayaang masunog sa apoy. Kinausap niya ang principal.If I fail these exams, I'd be gone and suspended."Answer all of the four subject," anang principal na hawak ang mikropono. "Kapag naipasa mo iyan nang walang kodigo, hindi matutuloy ang parusa. Pero, kung nabagsak mo kahit isa lang na subject, the goodbye. Start now."They gave me an hour to finish the four subjects whose answer key's were stolen. Hindi ko naman talaga ginawa iyon. At kung sino man ang maysala ay dapat managot.Narito sila para pan
“Linggo na bukas tapos Monday, wala pa tayong nakukumpletong sayaw, mga hinayupak kayo.”Napailing ako nang magsalita na si Edzell. Yung lider namin ay walang gaanong ginagawa. Water break daw muna kahit wala pa kaming nasisimulan. Naaawa na ako sa mga kagrupo ko dahil ang dami namin. Bente kami sa grupong ito.Hinagis ni Edzell ang upos ng sigarilyo na hawak niya saka siya nagsindi ng isa pa. Nandito kami ngayon sa malawak na bakanteng lote malapit sa bahay ng leader namin. Ang sabi niya, marunong siyang sumayaw kaya siya ang sinundan namin.“Hoy, Andres!”Napalingon ako kay Edzell nang isigaw niya ang pangalan ko. Lumapit siya sa akin saka siya bumulong.“Gumalaw ka naman.” aniya.Natawa ako nang bahagya saka ko siya tinanguan. Kinuha ko ang cellphone ko para mai-text si Cosmo. Sigurado akong may kilala siyang magaling magturo na choreographer.Nang matapos ko ang pagtipa sa cellphone ko ay tinago ko na iyon. Hindi naman magre-reply si Cosmo dahil sigurado ako may ginagawa iyon. Kap
I look at John while he's talking on his phone. He's still preparing for my coming birthday next year. Kahit sinabi kong simple lang ay hindi siya nakinig."Mabuti, mabuti kung ganoon. Napakagandang balita na wala kang masyadong gagawin sa araw na iyon." He's glad and I have no idea why.Is that about the marriage? Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na hindi ko gustong madaliin ang bagay na iyon. Maraming bagay ang gusto kong maranasan pag tapos ng school. After this act."Andrea," he called me.I'm almost finish eating dinner. "What?" Kailangan kong kumain ngayon dahil sa nangyari sa akin noong nakaraan. "Great news," he said while he's bringing his self to the chair next to me. "Hazi just confirmed the meet up of you two this coming Thursday.""What?!" Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. "John, I already told you to not rush things up. I don't even know if that man is trustworthy.""Do not worry. Malapit sa akin ang binatang ito. Halos anak na rin ang turing ko rito noong kabat