Share

CHAPTER 4

"Where are you going?"mariing tanong ni Yuan ang pumigil kay Alyanna na pumunta sa kwarto ng pinsan nila.

"I want to surprise him."tukoy niya sa pinsan nila.

"Who?"kunot-noong tanong nito.

"Si Bryan malamang."irap niya dito at pilit na bumitaw sa hawak ng kapatid. Masyadong mahigpit ang hawak nito sa pulso niya, nakakainis."Bitaw nga diyan."nguso niya sa kamay niyang hawak nito.

"Tss, you should be back here for lunch. Malipasan ka ng gutom, baka kargo ko naman."sabi nito sabay bitaw sa kanya.

Binelatan at inirapan lang niya ang kapatid sabay takbo papunta sa hagdanan. Rinig pa niya ang tawag ng kapatid pero hindi na niya ito pinansin. Excited na siya para iprank ang pinakaclose niyang pinsan.

"Jejemon talaga nito."komento niya nang mabasa ang karatulang nakapaskil sa pintuan ng kwarto ni Bryan."Parang eskwelahan lang."naiiling na bulong niya.

Kumatok siya ng ilang beses pero walang sumasagot kaya dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob pabukas. Bumungad sa kanya ang madilim na kwarto ng pinsan. Binuksan niya ang ilaw at natawa ng makita ang mahimbing na tulog ng pinsan.

"Matripan ka nga."mahinang bulong niya at ngisi-ngising lumapit sa kama sabay maingat na sumampa.

"Tulong!!!Tulong!!! May sunog!!! Sunog guys!!!"malakas na sigaw niya habang nagtatalon sa kama. Malakas siyang natawa ng makita ang biglang pagbangon ng pinsan at handa ng tumakbo palabas ng makita siya nito.

"What the heck Lein!!!"malutong nitong mura sabay bato nito ng unan sa kanya.

Tumatawang sinalo niya lang iyon sabay damba ng yakap sa pinsan,"I missed you couz. Ba't di ka bumisita sa hacienda huh? Nangako ka pa naman."maktol niya sabay batok dito.

"Paano ako makakapunta don kung maski sa restaurant ay wala na akong pahinga? Ikaw nga tong puro rampa nalang sa runway ang trabaho."mahinang asik nito sa kanya habang yakap-yakap din siya.

"Biro lang eh. Maniningil ako sa carbonara at barbeque na pinangako mo. Bangon ka na diyan."natatawang sabi niya at bumitaw dito.

Ginugulo nito ang buhok nang bumaba siya sa kama sabay hatak nito.

"Pwedeng mamaya na?Maliligo muna ako Alya."ungot nito sa kanya.

"Di pwede. Ngayon mo ko gawan para mamasyal nako sa libreng oras nga."nguso niya.

"Hindi nga ako sumundo para makaiwas sa bunganga mo pero heto ka na naman tss."reklamo nito.

Napasulyap siya sa karatula nang nasa bungad na sila ng pinto. Agad niyang kinuha ang papel at nilamukos sabay bato sa pinsan,"Yang karatula parang ang jeje lang. No entry, No ID ka pa talagang nalalaman. Kajejehan mo eh."pang-aasar niya dito.

"Boang jud ka Alya. Pinaghirapan ko yung lettering non."maktol nito habang hila-hila niya.

"Lettering mo mukha mo."pambabara niya.

Nakababa sila sa hagdan ng puro bangayan at asaran. Hindi nila namalayan na nakarating na sila sa dining at naabutan ang kapatid niya at ang magulang ng pinsan.

"Ba't ka bumaba ng ganyan Bry? Di ka man lang naligo."kunot-noong komento ng Tita Rhian sa ayos ng anak.

"Tss, matakaw yang pamangkin mo eh. Nagpapaluto ng kung ano Ma."parang nagsusumbong na sabi nito sa ina.

"Sa kitchen lang po kami Tita."nagmamadaling paalam niya at hinatak ang pinsan na panay reklamo. Hindi na niya napansin ang salubong na kilay ng kapatid sa hapag.

"Tita Leah told us that your brother is planning on settling down with his long time girlfriend. And you're not okay with it."pagsisimula ng mapag-usapan ng pinsan niya habang nilalantakan niya ang carbonara.

"I don't like her."diretsang pagbibigay ng rason niya.

"Lein, hindi naman ikaw ang magpapakasal eh. Hindi ikaw ang mapapangasawa kaya okay lang yun."

Tinigil ni Alya ang kinakain at diretsong tumitig sa pinsan."I know that Bry but still,I don't like her. Kuya Yuan deserve to be happy but as her sister, I'm so sure that Angela can't give that happiness."seryoso niyang saad.

"At sa tingin mo, magiging masaya si Yuan without Angela beside him? We all know Yuan is madly in love with her couz."

"At hindi din ako magiging masaya kung pumayag ako Bry. Alam mo yun."makahulugang sabi niya.

"Alyanna please."problemadong sambit ng pinsan niya.

Umiwas siya ng tingin at ilang beses na lumunok,"End of discussion Bry. Hindi ako papayag."pagtatapos niya at iponukos nalang ang atensyon sa pagkaing nasa counter.

Matapos nilang mag-usap sa kusina ay dumulog na sila sa dining. Kinamusta siya ng asawa ng Tita Rhian niya pati na ang buhay modelo niya. Siyempre, hindi kompleto ang araw niya ng di naiinis ang kapatid kaya panay utos niya dito sa lamesa. Pati pagpasyal nila sa maliit na farm ng Tita Rhian niya ay panay utos siya ng kung ano. Maski pag-akyat sa manga ay ipinagawa niya kaya nang mag gabi ay pagod ang Kuya niya. At mas papagurin at kukulitin niya pa bukas. Ewan niya pero masaya kapag nakikita ang pikon na nitong mukha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status