Share

chapter 2

“Ate, Vee!” Tawag ng bunso kung kapatid na si Agatha.

“Bakit? Tanong ko naman ng hindi tumitingin rito dahil busy ako sa pag aayos ko ng aking mga paninda ukay, nasa ukayan kami magkapatid ngayon. Isinama ko ito para may katuwang ako sa pagtitinda. Habang wala pa ito pasok sa school.

“Ate sa sunod na linggo po pala bayarran na ng tuition fee ko!” Nahihiya pa nito wika sa akin.

Nasa 4th year collage na ang kapatid niya at nursing ang kinukuha nito. Tatlo lamang sila mag kakapatid ang pangalawa niya kapatid ay may asawa na nauhan pa nga siyang mag asawa.

“Kapag daw hindi ako makapag bayad ate, hindi daw ako makakuha ng exam.” Malungkot na saad pa ng aking kapatid.

Napabuntong-hininga na lamang ako at marahan tumingin sa aking kapatid.

“Sige sa pag pasok mo magbayad kana may naipon naman ako para makapag bayad kana sa kulang mo sa school.” Nakangiti kong saad rito.

“Eh, ate diba tinatago mo ‘yun para sa gamot ni Tatay!?” Sagot naman nito.

“Nako, ako na bahala sa gamot ni Tatay ang importante ay makapag bayad ka sa kukang mo para kapag exam ka na. May mga racket pa naman ako pupuntahan makakaipon pa ako ng pambili gamot ni Tatay. Kaya huwag kanang mag alala ‘ah!” Sambit ko pa rito sabay gulo sa buhok ng aking kapatid.

Bigla naman siyang niyakap ng kapatid “the best ka talagang ate, kaya mahal na mahal kita ate ko.” Pag bubula pa nito sa akin.

“Kaya mga pinagdarasal ko na sana'y, mapansin ka na rin ng mahal mo si Kuya Dylan.” Usal pa nito sa kaniya na aking naman tinawanan.

“Marinig ka sana ni kupido?” Natatawa kong biro pa kay Agatha.

“Oo, ate para naman hindi kana malungkot at maging masaya man lang ang buhay pag ibig mo para hindi palagi ampalaya ang ulan natin kasi napaka bitter muna!” Nakanguso turan pa nito.

“Au grave siya oh? Ano magagawa natin kung doon lang sa ampalaya kasya ang pang bili natin ulam kailangan nating mag tipid hayaan mo kapag malaki ang bayad sa akin sa raket kong pag mamake up. Ay bibili ako ng lechon manok. Para may masarap tayong ulam.” Pangako ko sa aking kapatid.

Kung minsan kasi ng make up siya sa mga ikakasal, birthday kung minsan ay sa mga artista pa. Ito ang mga raket na ginagawa ko para kumita ng extra pera. Kailangan ko kasing mag tripling kayod para sa mga gastusin sa araw-araw kuryente tubig, pagkain baon pa ni Agatha at bayad sa bahay at mga gamot pa ng aking ama may sakit.

Kung titigil ako paano kami ang pangalawa kapatid ko naman na lalaki ay may sarili pamilya na at kung minsan ay sa kanya pa tumatakbo kapag kulang ang pangbili gatas nito sa anak.

Ang ina ko naman ay matagal ng patay dahil sa sakit nito sa puso ay maaga kinuha ni san Pedro.

Kaya tanging ako na lamang ang inaasahan ng pamilya ko.

“Sige na ayusin mo na ang mga yan.” Turo ko sa aking kapatid sa mga damit na ilive nito sa social media na ibinebenta.

Medyo malaki rin ang aming kita kapag nakapag live kami ng mga tinitinda naming ukay.

“Okay ate!” Sagot nito.

“At ikaw na lang muna ang mag live, ah! Dahil may raket ako mamayang gabi sa bar ni Mamita. Kakanta ako doon.” Wika ko pa.

Isa rin sa raket ko ang pagkanta sa bar ng aking kaibigan. Malaki tulong rin ito dalawa o isang beses lang ako kumakanta rito kahit paano malaki rin ang binibigay na tip ng mga customer sa akin kapag nagustuhan nila ang pagkanta ko. Pandagdag sa gastos sa bahay.

“Ate, hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo, bukod kasi dito sa pagtitinda ng ukay na mga damit marami ka pang pinapasukan na mga trabaho?” Tanong pa nito.

“Napapagod,” tipid kong sagot sa akin kapatid.

“Pero kapag nagpahinga ako,mas mapapagod ako dahil iisipin ko kung saan ko kukunin ang pang baon, pagkain, bayad sa kuryente, tubig at sa bahay tapos gamot pa ni Tatay. Kaya kahit pagod at gusto ko nang sumuko. Ay hindi pwede sa taas ng kilo nang bigas ngayon. Ay kailangan nating mag double o higit pang kayod kaya ikaw, huwag na huwag ka muna mag boyfriend ah magtapos ka muna ng pag aaral mo?” Dahil sa hirap ng buhay ngayon dapat matalino ka.” Usal ko pa sa aking kapatid.

“Opo, Ate!” Sagot na lamang nito.

Pasadong 6:00 pm ay umalis na ako sa bahay para pumunta sa resto bar ng aking kaibigan para kumanta.

Agad ako sumakay ng jeep, dahil kung mag taxi pa ako ay mapapamahal ako ng pamasahe. Maglalakad na lamang ako papunta sa bar, malapit na lang naman kapag bumababa ako sa jeep isang kanto na ay mararating ko na ang resto bar ng aking kaibigan.

“Ohh, Vee!” Masayang Bati ni Mamita sa akin ng makita ako nito papasok sa loob ng resto bar.

“Mamita!” Nakangiti kong saad dito sabay yakap ng mahigpit.

“Akala ko hindi ka darating, eh!” Wika pa nito sa akin.

Natawa naman ako sa sinabi nito. “Pwede ba ‘yun. Basta pagkakaperahan pupunta ako. Mukha akong pera.” Pagbibiro ko pa rito na kinatawa naman ng aking kaibigan.

“Ikaw talaga!” Napapailing na sagot nito sa akin.

“Sige na, mag ready kana ikaw na ang susunod na kakanta.” Wika pa nito sa akin.

Tumango na lamang ako sa aking kaibigan. Pumasok muna ako sa loob ng dressing room. Para kahit papaano ay makapag makeup pa ako sa aking sarili.

“Vee!” Tawag sa akin ni Louise isa sa mga kaibigan kong waitress dito sa bar.

“Ikaw na raw ang susunod!” Nakangiti wika nito sa akin.

Tumango lamang ako. At tumayo na rin para sumunod kay Louise.

“Sana makarami tayo ngayon gabi ng tip, dahil ang dami ngayon tao friday kasi tapos tinapat pang sahuran ngayon. Araw ng mga tao.” Pagdaldal pa nito habang papunta na sa stage kung saan doon ako kakanta.

“Kaya nga sana may galanteng Customer ang magbigay sa atin.” Masaya tugon ko naman rito.

“Oh sige na mamaya. Na lang ulit tayo mag kwentuhan, pagkatapos kong kumanta.” Saad ko pa rito.

“Okay, galingan mo ah!” Wika pa nito.

Nag taas pa ito ng kamay para i cheer siya.

Natawa na lang ako sa kakulitan din nito.

“Oo nga pala, hindi nga pala tayo”

Hanggan dito lang, ako ngangarap na mapasa’yo.

Sa aking pagkanta at nakaharap sa mga customer ay ganoon na lang ang aking pagkagulat ng makita ko si Dylan na nakatitig sa akin at kahit medyo madilim ang pwesto nito kita ko ang madilim na mukha ng lalaki nakatingin sa akin. Habang kumakanta ako ng pinakasikat na kanta migraine. Umiwas ako ng tingin rito at pinagpatuloy ko ang aking pagkanta kahit sobra akong kinakabahan at gusto ng puso kong lumabas mismo sa loob ng aking dibdib.

Hindi sinasadya na

Hanapin pa ang lugar ko.

Nandiyan pa sayo….

Ang huling kanta niya. Sabay muli siyang nakatingin sa binata.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Vee Sajonia
Trying hard Vee, pakipot lng yan c baby dylan
goodnovel comment avatar
Riri Dela Merced
Mahal mo talaga si Dylan kaso mukhang mahihirapan ka Vee dahil may nagmamay-ari na sa puso nito.
goodnovel comment avatar
Riri Dela Merced
Thank you sa update Ms. A ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status