Share

Chapter 21

Ngayong araw na gaganapin ang pageant na sinalihan namin nila Zale at Harris. Hindi naman ako kinakabahan dahil hindi ko rin namang gustong manalo sa paligsahan na ito. 

Sumali lang ako dahil kay Vie. Ngunit ang inaalala ko ay ang muling pagkikita namin ni Misty. Matagal tagal na rin mula ng nagkaroon kami ng interaksyon sa isa't isa. Ang palagi niya lang kasama ay si Zale sa tuwing nag-eensayo sila at pagkatapos naman ng klase ay agad na itong uuwi.

Tungkol naman sa amin ni Zale ay parang normal lang ang lahat. Siguro nga ay hindi niya napansin ang naging pag-uusap namin ni Harris nung nakaraang gabi. Nag-aalala naman ako dahil hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na si Harris ang tinitibok ng puso ko. Hindi ko rin alam ang magiging reaksyon ni Harris sa oras na malaman niyang magkakaroon ako ng date kasama si Zale sa katapusan ng school year.

Natigil naman ako sa pagbibihis dahil nakatanggap ako ng me

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status