Share

Chapter 6

Pangalawang araw na simula ng lumiban sa klase ang aming guro at ako ang pansamantalang nagbabantay sa mga kaklase ko. 

Hindi naman naging mahirap sa akin iyon dahil sanay na ako sa mga ganitong bagay, at isa pa dahil kay Harris. Mas magaan sa pakiramdam ko ang pumasok sa eskwelahan at para bang mas masaya ako. 

Nakaupo na ang lahat sa loob ng klase, si Harris nalang ang wala. Mukhang hindi ata ito papasok, dahilan narin para malungkot ako. 

Patapos na ang klase ng science teacher namin ng hingal na hingal na pumasok si Harris. Pagod na pagod ito at may butil butil ng pawis sa kanyang noo, pababa sa leeg. Dahilan para mag mukha itong hot.

Sumaya agad si ako, agad na nagliwanag ang aking mukha. 

"Buti nakahabol ka," bulong ko sa aking sarili.

Napagalitan si Harris ng Science teacher namin, pagkaupong pagkaupo niya ay tinanong ko agad ang dahilan kung bakit siya nahuli. Gusto ko mang ilayo ng kaunti ang sarili ko mula sa lalaking ito,sadyang hindi ko mapigilan ang aking bibig. Para bang may sarili itong buhay at bigla bigla nalang nagsasalita.

"Wait a second Ava, let me breath first," hingal na sagot naman nito. Agad ko namang itinikom ang bibig at nanahimik. Inatake nanaman ako ng mood swings ko, kung kanina ay masaya ako sa pagdating ni Harris, ngayon ay naiinis ako ng konti, hindi ko rin alam kung bakit gusto ko itong kausap palagi. I always wanted to talk with Harris, and I felt sad when he tell me to shut my mouth.

Halos sampung minuto kaming tahimik ni Harris. Hindi kami nagkikibuan marahil ay hingal pa rin si Harris at nagtatampo naman si ako. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagtatampo.

"I was late because I have emergency meeting," pagbasag ng katahimikan ni Harris.

Nagtatalon naman ang puso ko, ngunit pinigilan ko ang sarili na bumigay.

"Please Ava,'wag marupok!" sabi ng maliit na boses sa utak ko. 

Hindi ako sumagot at nagkukunwaring naglilista ng attendance ng mga kaklase namin. 

"Hello?Ava,look at me," saad ni Harris habang nagpapa-cute at natatawa.Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa aking ginagawa.

Dahan dahan na lumapit si Harris sa may tenga ko at nagsalita muli.

"Hello? Come-on, look at me!" pangungulit niya na agad na kong kinainis.

"Shh, ingay mo," masungit na sabi ko. Patuloy pa rin si Harris sa kanyang ginagawa dahilan para lumingon ako sa kanya.Nawala sa isip ko na nasa bandang tainga ko nga pala siya nakasentro at nang lumingon ako ay nagharap ang aming mga mukha at muntik nang magkadikit ang aming mga labi. 

Nagkatitigan lang kami, ramdam na ramdam namin ang hininga ng bawat isa. Sa isang saglit para bang kaming dalawa lang ang tao. Para bang wala kaming paki sa iba pang taong nasa loob ng silid.

"Hoy Ava kaloka nawala lang ako saglit may kissing scene na?" maingay na sigaw at hirit ni Vie at dahil dito ay nakatingin na sa amin ni Harris ang mga kaklase namin. Agad akong bumitaw sa matagal naming tinginan at itinulak si Harris palayo.

Hindi naman kami nakaligtas sa panunukso ng mga kaklase namin. Sabi pa nga ngbmga ito ay ako ang Muse at si Harris ang Escort. 

Mas lalo naman akong nailang dahil sa nangyari. Hindi ko rin maipaliwanag ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Kinilig ako ng sobra at kinabahan. Ayaw kong palalimin ang nararamdaman ko para sa lalakeng iyon. 

Napaisip naman ako, ganoon din kaya ang nararamdaman ni Harris? Kinikilig din ba siya o kinabahan man lang? Kinakabahan ba si Harris sa tuwing magkasama kami katulad ng nararamdaman ko?Siguro hindi, maraming nagkakandarapa sa kanya, at siguro ay marami rin siyang babaeng pinaglalaruan. I wonder if he feels different for me, I don't want to be his toy.

Dumaan ang ilan pang oras at wala kaming kibuan dalawa, dahil kahit magtinginan lang kami ay laging nakatukso ang mga kaklase namin. 

Lunch Break na at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagpapansinan. Napagdesisyunan ko na pumunta sa canteen para makalayo kay Harris at kaya sumama ako sa mga kaibigan ko. 

Nasa tapat na ako ng tindera, ang mga kaibigan ko naman ay nasa lamesa na dahil nauna na ito, mga gutom din kasi.

Kinuha ko na ang pagkain at kukuhain ko na sana ang wallet ko ng wala akong makapa.

"Kung minamalas ka nga naman oh! Paano na? Nakakahiya naman ang haba ng pila tapos hindi ko bibilhin," bulong ko sa sarili haba ng nag-iisip ng sasabihin sa tindera. 

Napasabunot nalang ako sa aking sarili, nahihiya man ako pero hindi ko na lang ito bibilhin.

"A-ah Ate, ano k-kase yung pagkain—" naputol na lang ang sasabihin ko ng may sumingit sa pagsasalita ko. 

"Double the order miss," agad na nakilala ko kung sino ang nagsalita. 

"Harris!" saad habang pinipigilan mapasigaw.

"Ano ka ba? Wala na nga akong dalang pera dodoblehin mo pa?" sambit ko sa kanya r habang pilit na hinihinaan ang aking boses. Dahil baka marinig kami ng iba pang tao.

Tinignan lang ako nito ng seryoso at ibinaling ang tingin sa tindera, "Who said that you'll gonna pay?"

Agad naman akong tumingin sa tindera at nakitang inabot ni Harris ang pera. Buong isang libo ito na ikinakunot ng tindera dahil halagang isang daan lang naman ang binili namin, mamomroblema pa ito sa panukli.

Hindi pa naibibigay ng tindera ang sukli ng kinuha ni Harris ng pagkain at hinawakan ako palabas ng canteen. 

Dinala ako Harris si Ava sa upuan sa silong ng mga puno. Mahangin dito at tahimik, 'di gaya sa loob ng canteen na maraming tao at maingay.

Napabuntunghininga ako habang Inaayos ang uniporme ko. Naiinis na naman ako. Samantala, bumuntong hininga rin si Harris.

"Eat." tipid na sambit nito at sa malamig na tono pa.

"Ayaw ko nga, hindi pa nga kita nababayaran sa binili mo sa akin kahapon dumagdag pa yan," sambit ko, hindi ako nautal dahil purong inis ang nararamdaman ko. 

"Babayaran na lang kita pagdating natin sa room, naiwan ko kasi wallet ko," dagdag ko at tinarayan si Harris. 

"You mean this?" saad ni Harris sabay bunot sa bulsa nito. Agad na nanlaki ang mata ko at nakangisi naman si Harris.

"Paano napunta sa'yo 'yan? Magnanakaw ka no?" agad na sigaw ko at pilit na inagaw ang wallet ko.

"Tsk. I'm not a thief, naiwan mo sa lamesa mo kanina," sagot niya sa akin sa seryosong mukha at boses, "Eat first and I'll give it to you," dagdag niya at ngumiti ng nakakaloko.

"Bakit naman kita susundin?Eh wallet ko 'yan!Bakit ikaw ang masusunod?" sobrang taray na buga ng bibig ko. Naiinis na talaga ako. 

Tumawa naman si Harris, tumingin ito sa akin at nagbago ang mukha nito. Naging nakakatakot ito dahil sa sobrang pagka seryoso at bumulong sa akin, "Because that's what I said, and that's what I want."

Natakot naman ako sa mukha ni Harris, at dahil sa mga sinabi nito ay para bang nabuhayan ang puso ko dahil sa pagka sexy ng boses nito Harris at hiningang tumatama sa tainga ko.

Tumahimik lang si Ako at mayamaya ay kumain na rin.Wala naman akong magagawa,patuloy lang akong kukulitin ni Harris,at baka hindi niya pa ibigay ang wallet ko.

"Hindi naman kasi ito ang gusto kong kainin...gusto ko yung talong. 'Yung tortang talong," bulong ko sa utak ko at napangiti na lamang. 

Umakyat na kami sa silid namin, hindi ako kumibo sa lalaking iyon habang nasa hagdan kami kahit pa inaalalayan ako nitong umakyat.

Nauna akong umakyat at iniwan si Harris. Nainis nalang ako dahil tinatrato ako nitong parang bata na hindi marunong umakyat ng hagdan. Ewan ko ba, kahit napakaliit na dahilan ay naiinis ako kay Harris. 

"Bwisit,anong tingin niya sa akin? Bata na kailangan pa alalayan? Kung wala lang sa kanya ang wallet ko hindi naman ako sasabay sa kanya kumain.Bwisit talaga." Bulong na naman ng utak ko habang hinihintay si Harris para makuha ang wallet ko. 

Nasa pinto pa lamang ito ng lumakad agad ako papunta sa direksyon niya. Tumigil lang ako ng sobrang lapit na sa kanya. Tinitigan ko ang gulat na gulat na mukha niya at kinapa ang bulsa niya. Kinuha ko ang wallet ko habang nakatingin parin sa mga mata ni Harris. 

"Salamat sa pagkain, hindi na rin kita babayaran dahil sabi mo huwag na 'di ba?" tanong ko habang nagtataray. 

"W-wag na," sagot naman ni Harris na gulat na gulat parin. Umalis na ako sa harap niya at naglakad papunta sa upuan ko. 

Agad naman kaming inasar ng mga kaklase namin habang si Harris ay tulala pa rin dahil sa gulat. Why he's acting like that? As if other girls did not do it to Harris. Bakit gulat na gulat siya? 

Lumipas pa ang ibang subject at hindi ko ito pinansin. Hindi rin kumibo si Harris dahil nakikita kong nahihiya siya. Dahil doon ay mas lalo lang akong naguluhan.

Uwian na at hindi pa rin kami nagpapansinan, naramdaman ko si Harris na inaalalayan ako pababa ng hagdan pero binilisan ko ang pagbaba. 

Hanggang sa nakauwi na ako.Hanggang sa mga oras na iyon ay tinatanong ko ang sarili kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para lapitan si Harris ng ganoon kalapit. At kung bakit gulat na gulat at nahihiya ang reaksyon ni Harris. Nakatulog na lamang akong nag-iisip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status