Share

Chapter 4

"Saan nanggaling ang bruha?" agad akong napatalon nang iyan agad ang bumungad pagkapasok na pagkapasok ko sa hotel.

"Alam ko namang alam mo, nasa bar ka din kagabi" ani ko sabay tanggal nang heels ko.

"Yeah naabutan ko pa naman ang ganap nyo bago umalis"

Tinaasan ko ito nang kilay nang nakatingin ito sa akin habang may nakakalokong ngiti. "Akala ko yung lalaking katabi muna makaka one night stand mo"

"Wait...alam mo?" kaya pala hindi na ito lumapit sa akin kagabi.

"Syempre ako paba diba sabi ko sayo sisiguraduhin kong gwapo ang makaka one night stand mo. Pero sobrang swerte mo naman ata at ang Hayes Triplets pa ang nabingwit mo. Sayang din yung iniwan mo doong lalaki kagabi, feeling ko mayaman yun"

"What the heck Juvie ,meron akong sariling pera may I remind you I'm the highest paid model!" asik ko dito at hinubad ang suot kong blazer.

"That's not what you wear last night" she stated kaya naman napahinto ako doon. Fuck, ngayon kulang naalala na kay Apollo nga pala itong blazer since sinira nila yung blazer dress ko. "Masyado kang pahalata pati yang labi mo may sugat" sabay tawa nito.

Inihanda ko ang mga dadalhin kong gamit at ang susuotin papuntang event, isang fitted yellow dress na papartneran ng silver high heels ang pinili ko"Epal ka talaga, ikaw nga feeling ko may nilandi ka kagabi" akusa ko dito.

"Hindi lang dapat ikaw ang magsuko ng bataan dapat ako rin" may pagka proud pang sabi nito.

"Baliw hindi ko naman sinuko kagabi, tukaan lang ang ganap na may konting himas. Teka naisuko muna yung sayo?" hindi makapaniwalang saad ko dito. Alam ko naman kasing masyado lang itong bulgar kung magsalita ngunit takot na takot ito sa sex. Sabi pa nga nya sobrang sakit daw, hindi kulang alam kung ganun lang ba kasakit nung pinasok ni Apollo yung daliri nya sakin or may isasakit pa doon.

"Secret no clue" sabay ngisi nito sa akin.

"Yawa ka ang daya mo naman, lagi kong sinasabi sayo yung akin pero kapag ikaw hmp" nagtatampong sambit ko dito.

"Gaga oo na, naisuko na. At kung sino? Syaka kuna sayo sasabihin" tumango nalang ako dito at hindi na pinilit pa ito. Nauna na akong maligo kaysa dito dahil mag aayos pa daw sya nang gamit nya, nakalimutan nya daw kanina gawin.

"Ela and Juvie kayo ang pang finale, as always partner kayo ulit. Itong mga dress white ang outfit nyo, kayo na ang bahala alam ko rin namang hindi nyo bibiguin ang event na to. Namiss ko tuloy yung pagrampa ng triple threat, kung sana kumpleto kayo" may nababakas na panghihinayang sa boses nito na tanging simpleng ngiti lang ang iginawad namin ni Juvie.

Two years na ang nakakalipas at hindi parin nagpaparamdam ang isang kaibigan namin, kaming tatlo nila Juvie at Aleah ang tinatawag na triple threat. Pinuntahan din namin ang mga magulang nito ngunit hindi rin nila sa amin sinasabi, alam naming may kinalaman na naman ito sa pagtatago ni Aleah.

"No updates about her?" tanong sakin ni Juvie, sa reflection ng vanity mirror na lamang kami nag titigan para hindi na mahirapan ang nag aayos sa amin.

"Yeah, hayaan mo magdadagdag pa ako ng tauhan para mas mapabilis natin ang paghahanap"

"It's okay baka ayaw nya lang talagang magpakita" ani nito at pinikit na ang mata tanda kung saan ayaw nya nang pagusapan pa about kay Aleah.

Napabuntong hininga nalang ako at tumitig sa kawalan. Nakakamiss din ang isang yun, kahit na madalas itong hindi magsalita. Napakatahimik na tao, bumagay din ang pagmomodelo sakanya dahil sa resting bitch face nito. Kami noon ni Juvie ilang beses kaming napapagalitan dahil pagmasdan lang namin ang isa't isa matatawa na kami.

"Okay na El, magbihis ka nalang" sambit nang make up artist kaya naman nagising ako sa pagmumuni muni ko. "Thanks"

Sumilip ako sa gilid ng stage as expected sobrang dami na naman ang dumalo sa event na ito. May bago na naman kasing inilabas for spring clothes ang isang sikat na fashion designer na si Xyriel. Name din nito ang ginamit sa brand na always out of stock once na nailabas na. Swerte din ito sa asawa dahil suportadong suportado ito. Iyan ang mga iilan na naririnig naming chismis mula sa mga madadaldal naming co model.

Habang nililibot ko ang tingin ko napahinto ito sa mga kalalakihang nasa unahang upuan. They're here, lilingon na sana sa bandang ito si Zeus nang bumalik na ako sa upuan na inassigned sa amin habang naghihintay.

"Hayes brothers are here"

Napatigil ito sa pag scroll ng phone at agad agad napalingon sa akin. "Di nga?"

"Yeah, tignan mo pa" lumapit ito sa gilid sabay silip doon. "Shit totoo nga"

Hindi na ito mapakali na tila ba kinakabahan para sa magaganap mamaya. Something's fishy. I divert my attention sa unahan namin at kami na ang susunod kaya naman naghanda na kami.

"Kung ano man iyang ikinakabahala mo mamaya mo nalang ituloy, let's show them what the duo threat can do" tumango ito sa akin at huminga nang malalim. Ramdam ko naman na parang nag iba ang awra nito, that's great. Our Juvie is back.

Sabay kaming lumabas at naglakad, kitang kita ko kung paano humanga ang mga taong narito. Ngunit hindi roon nakafocus ang aking atensyon kundi sa tatlong nasa gilid na madadaanan na namin. I'm trying my best para hindi masira ang posture ko.

At laking pasasalamat ko nang malagpasan namin ang mga ito.

"Bat parang ikaw ata ang mas kinabahan sa atin" saad ni Juvie at nakipag kamay sa mga kilalang umattend.

"Hindi pa siguro ako sanay" pagdadahilan ko rito sabay ngiti.

"Duda ako jan"

"Hindi lang ako sanay na nanonood ang mga yun, nahihiya ako. Basta" lalakad na sana kami nang may humarang sa dinaraanan namin. Damn, the triplets. Mabilis din akong iniwan ni Juvie sa tatlo habang nakapaskil ang ngisi sa mukha nito, tinignan ko ito ng masama ngunit hindi effective sa kaniya. Bruha talaga!

"Congrats" ani ni Zeus sabay lahad ng kamay. "Thanks"

"Sa amin kana sumabay mag lunch" pag aaya ni Apollo, aayaw na sana ako ngunit may bago na namang dumating.

"Congrats Ela, you did great as expected from the triple threat" ani ni maam Xyriel.

"Same to you maam"

Napunta ang atensyon nito sa tatlo at bakas sa mukha nito ang pagtataka kung bakit nasa harapan ko ang triplets "Boys what are you doing here?"

"Mom sya yung kinwento namin sayo" Hermes at pinalibot ang kamay sa bewang ko.

"Oh, good choice sons. Let's go" at nauna nang maglakad.

Lito naman akong bumaling kay Hermes "Where are we going?"

"Lunch princess"

Kung kinabahan ako kanina sa pagrampa, feeling ko mas lalo pa akong kinabahan dahil makakasama ko ang boss ko. "W-with your mom?" I whispered.

"Yes princess, why? Ayaw mo ba, gusto mo sa iba nalang tayo kumain?"

Agaran naman akong umayaw dahil mas nakakahiya yun sa mommy nila. Sana hindi sya yung magulang na magbabayad ng million para layuan ang mga anak, well binabayaran naman ako nito ngunit dahil iyon sa trabaho ko. Damn, I'm cool.

Ako lang to si Ela Eshe Solace, the highest paid model.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status