Hi Leesters! Paexcite na nang paexcite ang bawat chapter. I hope you fell the same, too.
SAGLIT na katahimikan ang namayani sa pagitan nila ni Dwight. Kapwa nagpapakiramdaman at nag-iisip ng paraan kung paano sila makakaalis sa lugar na iyon. Habang palinga-linga siya sa paligid. Nagbabakasakaling may paparating na sasakyan o kaya taong naglalakad. Pero wala pa rin. She took a deep sighed. "Hindi mo ba kabisado ang daan na ito? Diba taga-rito ka?" mayamaya'y basag ni Dwight sa katahimikan. Kahit hindi niya nakikita ang pagmumukha nito, alam niyang sambakol na naman ang mukha nito. "Hindi. At teka nga, hindi ba't ikaw 'tong nagmamagaling na dumaan dito? Di dapat alam mo 'tong daan na 'to!" pagsusuplada niya. Humarap ito sa kanya na salubong ang mga kilay. Even in his tiger look, there's no doubt that this jerk is ruggedly handsome! "Sige sisihin mo pa ako. Kapag ako hindi nakapagpigil sa kabubunganga mo, baka kung ano magawa ko sa'yo!" anito. "At hindi ba puwedeng kahit ngayon lang ay maki-cooperate ka naman. Im
UMAANDAR na ang kotse na minamaneho ni Tyrone nang mag-umpisa itong mag-usisa. Hindi na nag-abala si Ehra na magpaalam kay Dwight kanina. "Bakit ka pala pinuntahan ni Dwight sa inyo? Tinanong niya sa akin kung saan ka tumutuloy," anito. Napalunok siya. Kung ganoon, ito pala ang nagturo kay Dwight sa Mansiyon nila tito Manuel. Tama ang hinala niya. "M-May problema ba?" untag ni Tyrone nang mapansin ang pananahimik niya. Naghahagilap siya ng matinong isasagot rito. Paano kung aminin na lang niya rito ang totoo? Isa pa, malalaman at malalaman din nito na ex niya si Dwight. Bumuntong-hininga siya. "W-Wala, Tyrone," sagot niya, saka ito binalingan. "May i-ipagtatapat ako sa'yo..." "Ano 'yun?" kumunot ang noo nito. "E-Ex boyfriend ko si...D-Dwight..." Sa wakas ay pagtatapat niya. Tinignan niya ang reaksiyon ni Tyrone, pero kalmado pa rin ito na nagmamaneho. "Talaga? Small world, huh?" anito. "Oo nga, e. Of all place
DINALA si Ehra ng kanyang mga paa malapit sa may bundok na kilala sa pangalan na Bantay Abot. Medyo malayo-layo na rin ito sa beach at isa rin sa mga tourist spot dito sa Ilocos Sur. Napakatahimik ng paligid na tanging ang pagaspas ng mga dahon ng mga puno sa paligid ang maririnig. Luntian din ang kapaligiran na nakakaayang pagmasdan. At presko. Lumabas siya sa kotse. At pagkuwa'y sumandal siya sa tapat ng driver's seat habang tuloy pa rin ang pag-agos ng luha sa kanyang mga mata. Bakit ba masyado siyang nagpapaapekto sa mga sinabi ni Dwight kanina? Ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit umaakto siya ng ganito? She was so affected yet, gusto niyang magalit sa sarili. Dahil all these years, nasasaktan pa rin siya sa tuwing nauungkat ang nakaraan. Ipinikit niya ang mga mata. At mula sa kung saan, muling dumaloy sa alaala niya ang tagpong iyon na halos magpaguho sa mundo niya five years ago.... EWAN kung bakit ang lakas ng kabog ng dibdib niya hab
"BESHY, bumangon ka r'yan at lumabas! Nasa labas si Dwight! Kanina ka pa niya hinahanap!" Pupungas-pungas na bumangon si Ehra sa higaan nang marinig ang sinabi ni Darla. Nakatulog agad siya pagkauwi ng Mansiyon kanina. Tumingin siya sa wall clock na nakasabit sa paanan ng kama. Alas-diyes na ng gabi. "S-Sigurado ka si Dwight 'yun?" kinabahan siya. "Oo nga! At lasing siya. Buti na lang at napakalma ko siya. Halos gibain na niya kanina ang gate. Diyos ko! 'Eto na nga bang sinasabi ko sa'yo, bruha ka!" tarantang saad nito. "Anong sabi nina tito at tita?" tumayo siya. Bahagya pa ring may kaba sa dibdib niya. "Wala naman. Ang sabi ko kasi kaibigan natin. Kaya hindi na sila nag-usisa pa. At buti na lang nasa study room sila kanina nang magsisisigaw si Dwight. Bumaba ka na r'yan at baka kung anong eskandalo pa ang gawin niya sa labas!" Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita si Darla. Nagmamadali siyang lumabas. Halos takbuhin na niya ang maluwa
"KANINA ka pa tanaw nang tanaw d'yan sa bintana, ha? May inaasahan ka bang bisita na darating?" untag ni Darla nang mapansin na hindi siya mapalagay. Paroo't parito siya sa may bintana ng kanyang silid. "Hindi ko ba nabanggit sa'yo kagabi na baka pumunta ulit si Dwight dito? Kinakabahan ako, Beshy," tugon niya. "Hindi ka nga matinong kausap kagabi, e. Basta ang naalala ko lang na sinabi mo ay hindi ka naman sinaktan ni Dwight. 'Yun lang." "Sinabi ko kasing haharapin ko ngayon si Felicity para sabihin sa kanya ang totoo." "Hala! Nasisiraan ka na ba? Bakit mo sinabi 'yon? Akala ko ba okay na ang lahat?" nanlaki ang mga mata nito. "Sinabi ko lang 'yon para tumigil na siya. Alam mo naman na lasing siya kagabi, diba? Isa pa, natakot din ako na baka kung anong gawin ni Dwight sa'kin." "Dahil sa kagagahan mo, problema tuloy ang inabot mo. Binalaan na kita noon pa man. So hayan, magdusa ka!" umirap ito. Nanghihinang napaupo siya sa gilid
"BESHY, ni minsan ba hindi ka man lang niyaya ni Tyrone na mag-date o kahit lumabas lang and go somewhere?" ani Darla habang nasa veranda sila na nagpapahangin nang gabing iyon. "Hindi. Saka, busy 'yung tao. Bakit mo natanong?" "I'm just wondering if paano kaya kung manligaw siya sa'yo? I mean, Tyrone is a nice person. Guwapo, edukado at magaling na architect. Bagay kayo." "Hay! Here we go again," She rolled her eyes. "Alam mo beshy, kahit kailan ay hinding-hindi mangyayari 'yang iniisip mo sa'min ni Tyrone. You know why? Una, kliyente lang ang turing niya sa akin and friend at the same time. Pangalawa, mas uunahin nu'n ang trabaho kesa sa lovelife. At pangatlo..." she paused. "Ano 'yung pangatlo?" "Mahal pa rin ni Tyrone 'yung ex-girlfriend niya. At naniniwala akong umaasa pa rin siya na darating ang araw na muli silang magkakabalikan. Kaya imposibleng mag-aattempt man lang 'yun na ligawan ako. And to tell you frankly, Tyrone is not my type," esplika ni
NAKAKAILANG hakbang pa lamang si Ehra nang muli niyang marinig ang tinig ni Felicity. Sinundan pala siya ng bruha at mukhang ayaw siya nitong tantanan. Ayaw na niyang humaba pa ang usapan nilang iyon dahil baka mauwi lang sa iringan o hindi maganda. Kaya lang ayaw nitong paawat. And she was raising her voice this time na parang nagde-declare ng world war! "Don't act like an innocent slut, Ehra. At hindi porke kliyente ka ni Tyrone ay kakampihan ka niya sa kung anuman ang binabalak mo sa relasyon namin ni Dwight. He will never tolerate whatever your hidden agenda is!" pagalit na hayag nito. Doon tila nagpanting ang teynga niya. At ngayon lang niya nalaman na ganito pala ito karumi mag-isip. Ni sa hinagap ay hindi niya maiisip na gawan ito at si Dwight ng masama. At para idamay niya rito ang pangalan ni Tyrone ay ibang usapan na. Hinarap niya si Felicity; eye to eye. "I respect you and Dwight as well. Kung anuman 'yang naglalaro d'yan sa ku
NANG sumunod na mga araw, pagkatapos nang matamang pag-iisip ng magandang plano na gagawin para alamin ang totoo, ay nakahanap din si Ehra sa wakas ng tiyempo para sundan si Felicity. Nagbabakasakaling muli itong makikipagkita sa estrangherong lalaking iyon. Alam niyang delikado ang gagawin niya. But this is the only way she know to find the truth! Mayamaya'y mataman niyang pinagmamasdan mula sa di-kalayuan si Felicity habang nakakubli siya sa isang malaking puno. Animo'y isa siyang detective na nag-iimbestiga. Nasa isang kilalang bilihan ng antiques ito ngayon dito sa bayan ng Narvacan. Nalaman niya na magtutungong mag-isa roon ang dalaga mula kay Tyrone. Alam niyang sa kanya lang siya makakakuha ng ilang impormasyon dahil magkaibigan ito at si Felicity. At hindi naman siya nabigo dahil totoo nga ang sinabi ni Tyrone sa kanya na dito pupunta ngayon ang dalaga ng araw na iyon. Maliit lang ang bayan kaya hindi siya nahirapang makita agad ang bruha. "Are you stalking my gi