Share

Chapter 11

KABANATA 11

••••••

Ouen POV

Bumaba na kaming lahat at pumila ng maayos sa gymnasium. 

"Good day, students! Sport Festival na sa susunod na buwan. Kailangan sa sport ang mga may talentadong kagaya ninyo. Here are the list ng mga nasamang sports ngayong taon. Basketball, table tennis, swimming, volleyball, chess, bowling, taekwando, billiards, soccer and archery. Kapag may napili na kayo ay mag register na agad kayo at mag try out. Exempted sa lahat ng quizzes and activities ang mga mag eensayo sa darating na sport fest. "

Saan kaya ako sasali? Mukhang exciting ang isang 'to. 

Bowling.. 

Hindi pala ako marunong mag bowling. Hindi nalang ako sasali. 

Umalis nalang ako sa gym at pumuntang likod ng school para matulog. 

Koshiro POV

"Wait, what's this? kasali ba talaga 'to?" tanong ng speaker sa president. Napakunot naman ang noo ko at lumapit sa kanila. Nasa stage rin ako dahil ako ang apo ng may ari ng Leiven na kasalukuyang principal na dahil tinanggal niya na sa trabaho ang matandang hukluban dahil hindi ginagawa ng maayos ang trabaho.

"Mr. and Ms. Sports fest?" tanong ko sa kanila pagkatapos kong makita ang nakasulat sa script niya. "Akala ko ba boys school lang din ang makakalaban natin?" dugtong ko. 

"Yes, Mr. Koshiro. Ito ang binigay sa amin ng principal. Wala na kaming magagawa" bulong niya, bumalik nalang ako sa upuan ko. Anong trip ni lolo? 

"Okay, back to the topic. May bagong nadagdag sa mangyayari sa Sport fest. Magkakaroon tayo ng Mr. and Ms. Sports Fest" nagbulungan naman ang estudyante dahil sa sinabi niya. 

"Basically, magdadamit na babae ang ilalaban sa Ms. Sport Fest" 

"Si Dandy nalang! Bakla naman ang tatay niya, magpaturo nalang siya sa tatay niya, HAHAHAA" sigaw ng isang estudyante na dahilan ng pagtawa ng mga estudyante. 

Bwisit. 

Tumingin ako kay lolo na nasa tabi ko na tumatawa dahil sa sinabi ng isang estudyante. Tumayo siya at siya ang nagsalita sa harap. 

"Silence" malalim na boses na pagkakasabi ni lolo. 

"Alam kong walang magbabalak sa inyong sumali sa Mr. and Ms. Sports Fest at magdamit ng babae. The prize will be 100,000 dollars plus free vacation in your chosen country" napatayo naman ako dahil sa prize na sinabi ni lolo. 

Pero, kung kahihiyan ang magiging kapalit 'wag nalang. Bumalik na ako sa pagkakaupo at nakita kong wala pa ring balak ang mga estudyante na sumali. 

"Then, pipili nalang ako. Sa totoo lang mayroon na akong naisip na babagay sa Ms. Sports fest natin" ngumiti ng matamis si lolo at inilibot ang paningin. 

"Where's Mr. Callanta?" 

Wait? 

What?! 

"I like him to play the role of Ms. Sports Fest and his partner will be..." tumingin siya sa baba at ngumiti ulit. 

"Mr. Leiyh Hoo." 

Bakit hindi ako ang pinili niya? 

Bakit si Leiyh pa? 

Ouen POV

Nagising na ako sa pagkakatulog ng kagatin ako ng mga lamok at kung ano anong insekto. Madilim na ng magising ako kaya mas pinili ko nalang na pumunta sa dorm nila Koshiro para mas malapit. 

"Ey, zup" bungad ko sa kanila habang kinakamot ang batok ko dahil makati. 

"Ouen, saan ka ba nagpunta?" tanong ni Leiyh

"Diyan lang" sabi ko at umupo sa tabi niya. 

"Kuya Ouen, ikaw ang napiling maging Ms. Sports fest" sabi ni Jaleb habang nagbabasa ng magazine.

"What? Ano ba yun?" 

"Yung rarampa ka sa stage ta's magdadamit na babae" sagot ni Ryan habang nakatingin sa salamin. 

"A-ano?!" inakbayan naman ako ni Leiyh at ngumisi habang nakatingin sa akin. 

"That's an order from our principal. Kung ayaw mo akong maging ka partner, sabihin mo nalang sa akin. Ikaw pa naman sana ang magiging ka partner ko" bulong niya sa akin, lumingon ako sa kanya at nabigla dahil sobrang lapit ng mukha namin. 

"Tsk" singhal ni Koshiro habang nagdadabog papuntang kwarto niya. Tinanggal na ni Leiyh ang pagkakaakbay sa akin at iniwas ang tingin. 

Ano 'tong nararamdaman ko. 

Ganito ba yung feeling na magkaroon ng crush na naririnig ko? 

Bakit sobrang lapit ng mukha namin kanina? 

Crush ko ba siya? 

"Kain ka nalang dyan, Ouen. Kumain na kami kanina" sabi ni Ryan habang nagbibihis ng pang alis. Tumayo ako para sana matulog na at hindi na kumain. 

"Huwag n-----"

"Actually, hindi pa ako kumakain. Sabay na tayo" nakangiting pag aya ni Leiyh at hinanda na ang kakainin namin. 

"S-sure" umupo na ako sa upuan at sinimulang kainin ang hinandang pagkain niya para sa akin.

"Matutulog na ako mga kuya" antok na pagkakasabi ni Jaleb at pumasok sa kwarto niya. 

"May pupuntahan lang ako" pagpapaalam ni Ryan habang nakangiting malaki. 

"Tayo nalang dalawa ang gising" he chuckled and pinch my cheeks. 

"16 ka palang Ouen?" 

"Oo" 

"Kailan ka mag 17?" 

"Next month, secret na kung anong araw" 

"Bakit isisikreto mo pa? Hahaha" 

"Ang ingay!" sigaw ni Koshiro sa kwarto niya. Napatawa nalang si Leiyh at tumingin sa akin. 

"Malakas kamandag mo." seryosong pagkakasabi niya sa akin at may binulong. 

"Ha?" 

"Wala, ang sabi ko kung naging babae ka lang sana, edi sana girlfriend na kita ngayon" nabilaukan ako sa sinabi niya kaya uminom kaagad ako ng tubig. Ramdam kong nag init ang pisngi ko sa sinabi niya. 

"Joke, HAHAHA" 

"Leiyh, pasensya na kung tatanungin ko 'to. Pero bisexual ba kayo?" napatigil si Leiyh sa pagtawa at tumingin sa akin. 

"Hindi" sabi niya at bumulong ulit. 

"Ha?" nagkunwari nalang akong hindi narinig. 

"Wala, may practice pala tayo bukas para sa Sports Fest" 

"Bakit ako ng pinili ng principal? Lalaking lalaki ako, kaya bakit ako ang pinili" sabi ko at nagbuntong hininga. 

"Hindi ko alam, ang akala ko nga ang pipiliin ng bagong principal ay si Marshall o ibang estudyante, Si Marshall medyo matangkad at lalaking lalaki ang katawan baka kaya hindi siya pinili, uhmm, siguro dahil transferee ka"

"L-leiyh, inaantok na ako. Matutulog na ako" pagpapaalam ko at tumakbo sa kwarto namin ni Ryan. 

____

Nagising ako sa lakas ng hilik ni Ryan habang nakanguso. Sino naman kaya hinahalikan ng isang 'to sa panaginip niya. Baka yung pinuntahan niya kagabi, nabanggit kasi sa akin ni Ryan na mag pinopormahan siya ngayon.

Tumayo na ako sa pagkakahiga at nag inat inat. Pagkalabas ko sa kwarto ay nabigla ako ng makitang nakatapis lang ng tuwalya sa bewang si Leiyh. 

"Good morning, Ouen" bati ni Leiyh habang nagpupunas ng buhok. Napatingin ako sa tyan niya na may anim na abs. Iniwas ko ang tingin ko at namula dahil sa nakita ko. 

"G-good morning, too" sabi ko at umupo sa upuan sa sala. 

Simula noong nalaman kong babae ako, pansin kong madalas na akong humanga sa mga lalaki. 

Lalo na ngayon kay Leiyh. 

"Ah!" sigaw ko sa pagkagulat ng paglingon ko sa tabi ko ay si Leiyh ang bumungad sa akin. 

"Muntikan na akong magulat sa sigaw mo, hahaha. Kinuha ko lang 'tong damit ko sa tabi mo" nakangiting pagkakasabi niya at sinuot sa harap ko ang damit niya, mabuti nalang talaga at naka short na siya. 

Nabaling ang atensyon naming dalawa kay Koshiro na padabog na naglalakad at tinulak si Leiyh para tumabi sa akin. 

"Lagi ko kayong nahuhuling magkasama, kayo na ba ah?" mahinahon niyang tanong sa akin habang masama ang tingin. 

"Ano bang pake mo kung lagi kaming magkasama?!" sigaw ko pabalik sa kanya. 

"Bakit ka ba sumisigaw?!" 

"Sumisigaw ka rin e' ?!" 

"Hey, ano ba yan ang ingay ingay naman. Malapit ko nang makita ang mukha ng babaeng nasa panaginip ko" sabi ni Jaleb habang nagtatanggal ng muta.

"Ano na naman ba pinag awayan niyo ah?" sabi ni Ryan pagkalabas habang nag humihikab. 

"Sigaw kasi nang sigaw si Koshiro, parang tanga" 

"Kasi ganito yan, may niluluto ka na ba Leiyh?" napatingin kami sa pintuan, nandoon si Marshall na nakabihis na at tumatawa. 

"Ha?" 

"I had a hard time practicing tagalog and noww, I'm freee. Slight fluent na ako sa tagalog and from now on, maririnig niyong puro tagalog na ang words na sasabihin ko" kahit na nagtatagalog siya, may accent sa kaniya na hindi mawawala kaya meduo mahirap pa rin intindihin. 

"Nakaluto na ako. Pumunta na tayong kusina." sabi ni Leiyh at nauna na akong pumunta sa kusina. 

__

"Good morning, ako pala si Eric, pero pwede niyo naman ako tawaging Ericka" pagpapakilala niya sa sarili niya at nag flip hair. "Ako ang magtuturo sa inyong dalawa kung paano rumampa at tumindig ng maayos, gets?" dugtong niya. 

"Okay/Hmm" 

"My name's Leiyh Hoo, I am one of the representative of Leiven in our Mr. Sports Fest" pagpakilala ni Leiyh at nakipagkamay kay Ericka. 

"Hi, my name is Ouen Callanta. I'm the representative in our Ms. Sports Fest" pagpapakilala ko at nakipagkamay din sa kanya. 

"Bagay na bagay kayong dalawa. Choss, mas bagay kami ni Leiyh" napatawa kaming dalawa ni Leiyh sa sinabi ni Ericka. 

"Oops, my best friend is here. I forgot na siya pala ang magtuturo sa iyo, Leiyh" 

"Let's go, Ouen" sabi niya at naglakad habang kumikendeng. Nasa gilid kami ng stage at sila Leiyh naman ay nasa kabila. 

"Gayahin mo ako pagkatapos ko, okayy??" tumango tango ako. Nagsimula siyang rumampa sa magkabilang gilid, umikot at nag pose siya, pagkatapos ay bumalik na siya sa tabi ko. 

"Gano'n, mag pose ka rin" 

Ginaya ko naman ang ginawa niya, pumunya ako sa magkabilang gilid, pumunta sa gitna at umikot. Tumigil ako sa gitna at sinuklayan ang buhok ko gamit ang kamay para magpagwapo, pagkatapos ay bumalik na ako sa tabi ni Ericka. 

May narinig naman akong tumawa sa baba at nakita ko si Jaleb at ibang barkada namin na tumatawa habang tinuturo ako. 

"Okay ba?" masayang tanong ko kay Ericka, alam kong maganda ang naging pagrampa ko. Umiling iling siya at napapalo sa noo niya 

"As you've said earlier, ikaw ang ipanglalaban sa MS. Sports Fest kaya bakit ka nag pagwapo? Okay yung rampa mo, PERO sa lalaki yang rampang ganyan. Hawakan mo ang bewang mo sa magkabilang gilid, chin up and breast out. Lambutan mo rin ang pagrampa mo." pagpapaalala niya sa akin. Tumango ako at nagrampa ulit. 

"Again" 

"Again" 

"Nah" 

"Again" 

"Again" 

"Energy!" 

"Hinhinan mo ang paglalakad mo" 

"Again" 

"Good job, that's perfect!" napahiga ako sa stage dahil sa pagod. 

"10 minutes break!" 

"Kinuhaan kita ng tubig, halatang pagod na pagod ka na" umupo ako at kinuha ang tubig na hawak ni Leiyh para inumin. 

"Pwede kang mag back out kapag sa tingin mo hindi mo kaya" nag aalalang sabi sa akin ni Leiyh. 

"No, it's okay"

"Ano palang prize kapag tayo ang nanalo?" tanong ko sa kanya. 

"100,000 dollars" nanlaki ang mata ko sa naging prize ng contest na ito. 

"Kapag icoconvert sa Philippine peso, 5 million din yun. Ang laki naman" namamanghang pagkakasabi ko sa kanya. 

"Yes, kaya masaya ako dahil ako ang pinili ng principal para makasali dito. Gagamitin ko ang pera sa operasyon ng kapatid kong babae" tinignan ko siya, malayo ang tingin niya at parang iniisip ang kapatid niya. 

"Hindi ako kagaya nila Koshiro na tagapagmana ng ari arian ng mga magulang nila. Mahirap ang pamilya namin, si papa nalang at ang ate ko ang nag aalaga sa tatlo ko pang kapatid." sabi niya at nagbuntong hininga. 

"Huwag kang mag alala. Mananalo tayo, okayy?" nakangiting pagkakasabi ko sa kanya. Napangiti naman siya at ginulo ang buhok ko. 

"Ikaw ba? Kung sakaling manalo tayo, saan mo gagamitin ang pera?" tanong niya, napatingin ako sa malayo at napabuntong hininga. 

"Practice na!" sigaw ng mga nagtuturo sa amin. 

Nakinig na ako ng mabuti sa tinuturo ni Ericka, kailangan naming manalo. 

__

"Ouen, pinapabigay pala ni Leiyh. Ulam daw natin mamaya" sabi ni Ryan. 

"Lapag mo lang dyan" sabi ko habang binabasa ang pinapabasa ni Ericka. 

"Kumusta pala yung practice niyo para sa Sports Fest?" 

"Okay naman, nakakapagod. May sinalihan ka bang sports?" tanong ko sa kanya habang kinukuha ang mga libro na ilalagay sa ulo ko para ibalance. 

"Wala, mag aaral nalang ako. Basta balatuhan mo ako kapag nanalo kayo" nilagay ko na ang libro sa ulo ko at inayos ng mabuti para hindi mahulog.

"Of course, nga pala, tuwing gabi palagi ka nalang lumalabas ta's nakapag alis ka pa. Tunatakas ka ba?" 

"Hindi, dito lang ako sa Leiven. May nililigawan kasi ako, kaso mukhang walang pag asa. Pero kahit na gano'n, hindi ako susuko. Kaya nga ako nanliligaw para magustuhan niya rin ako" 

"Mabuti yan, 'wag kang susuko sa panliligaw. Maganda ang mindset mo" 

"Ikaw, pansin ko na kapag lalapit sa iyo si Leiyh lagi kang namumula. Crush mo siya 'no?" nawala ang focus ko sa mga libro ko sa ulo ko kaya nahulog dahil sa naging tanong niya. 

"H-he's not my crush." 

"Ouen, alam mo naman siguro kung saan tayo nag aaral. Natatakot akong malaman nila na babae ka, kung bumalik nalang kaya tayo sa pinanggalingan natin?" 

"Araw araw din akong kinakabahan na baka malaman nila. Diba may nililigawan ka?" 

"May cellphone naman ako para matawagan siya. Mas mahalaga sa akin na maging ligtas ka, yun ang pinangako ko kay lolo" 

"Kumakalat na rin ang balitang may babae sa Leiven, may nakita akong naglilibot noong nakaraan hinahanap ang nagkukunwaring lalaki" 

"Hays, pagkatapos ng Sports Fest." sabay kaming napalingon ni Ryan sa bolang gumugulong papunta sa direksyon namin. Tinignan ko kung sino ang may ari ng bola and I saw Koshiro who's only blank emotion written on his face.

"K-koshiro"

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status