Share

Chapter Three: Recommendation

XYLONA, IHA KUMUSTA NA ANG INA MO." tanong ni Manang aling sa kanya nang madaanan niya ito sa pwesto-sa palengke.

May suki kasi ang kanyang ina na bumili sa kanila ng beko kaya siya napadpad sa lugar na iyon. Sakto namang pauwi na siya nang madaanan niya ang tindahan ni Manang aling.

Nginitian niya lang ang ginang. "Hindi pa rin okay Manang aling. Kailangan ko pang kumayod para ma-operahan si nanay." wika niya sa ginang.

"Magdasal lang tayo na nasa itaas, iha. Malay mo bukas may himala na mangyayari sa iyong ina." sabi sa kanya ni Manang aling. Alam niyang pinatatag nang ginang ang kanyang loob. Sinuklian niya ito ng isang matamis na ngiti at nagpaalam na.

Habang sinubaybayan ni Xylona ang daan patungo sa kanilang bahay may nakita siyang mamang na nagtitinda ng mga kuwentas. Nilapitan niya ang mamang at bumili siya ng isa para sa kanyang ina.

Pagkarating niya sa bahay nila biglang kumunot ang kanyang noo nang may nakita siyang sasakyan sa tapat ng kanilang bahay. Tingin niya palang dito sa sasakyan mukha ng mamahalin. 

Mayaman siguro may-ari nito? Sino naman kaya ang nandito? 

Hindi niya masasagot ang sariling tanong kung hindi siya papasok sa kabahayan. Pagpasok niya sa kabahayan nakita niya ang kanyang ina na may kausap na lalaki. May edad na din ang lalaki pero halata sa kanyang tayo na mayaman talaga ito.

"Nay." tawag pansin niya sa kanyang ina. Binalingan siya ng kanyang ina na may ngiti sa mga labi. Tumingin din ang lalaking katabi ni nanay sa akin.

"Ito naba ang kaisa-isa mong anak, Kristine. Napakaganda niya, nakuha niya talaga ang taglay mong kagandahan." hangang sabi ng ginong sa kanya.

Hindi alam ni Xylona kung paano mag-react. Sa halip nilapitan niya ang kanyang ina at sinuot dito ang binili niyang kuwentas.

"Ang ganda mo nanay." nginitian lang siya ng ina saka niyakap at hinalikan sa tuktuk ng ulo.

"Anak, ito pala ang kaibigan ko noon at hanggang ngayon. Siya si Alexander Luna." pagpapakilala ng ina niya sa ginoong kaharap niya.

"Magandang hapon po, Sir Alexander." magalang na bati ni Xylona sa lalaki. 

"Drop the Sir, iha. Just call me Tito Alexander." ani ng ginong sabay ngiti sa kanya.

Nagpaalam muna si Xylona sa dalawa-binibigyang privacy ang pag-uusap ng mag-kaibigan na mahigit taon nang hindi nagkikita. Dumeretso siya sa kanyang silid at nagpalit ng pambahay na damit.

Pagkatapos niyang magpalit inilagay niya ang kanyang mga pinamimili sa kusina. Nasa kalagitnaan siya nang pag-aayos ng mga pinamimili na biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at nang makita niya sa caller screen ang pangalan ng kanyang kaibigang si Zoee, sinagot agad niya ito.

"Anong ang kailangan mo?" tanong niya sa kaibigan habang pinagpatuloy ang pag-aayos ng mga pinamimili.

"Alam kong wala ka pang nakitang trabaho. But, I have something to recommend you. Alam kong ayaw mo sa mga ganito pero ito nalang talaga ang paraan para kumita ka at mapagamot ang nanay mo." wika sa kanya ng kanyang kaibigan na ipinagtataka niya. 

Anong klaseng recommendation kaya ito at hindi ko daw magugustuhan?

Nagtataka man pinatay nalang niya ang tawag dahil alam niyang may ginagawa pa ito. Pagkatapos, niyang mag-ayos ng mga pinamimili pinuntahan niya ang kanyang ina na nasa sala. Ganun, na lamang ang kanyang pagtataka ng madatnan niya ang kanyang ina na nag-iisa na lamang habang malayo ang paningin nito. 

Nilapitan niya ang kanyang ina saka nag-uusap sila. A mother and a daughter talk.

"AKALA KO TALAGA HINDI KA NA DADATING." bungad sa kanyang kaibigan habang umiinom ito ng beer sa bar counter.

Sinenyasan ni Haydyn ang bartender ng isang bottle of beer.

"Kailangan ko nang pampainit ngayon."ani niya sa kanyang kaibigan.

Nakadalawang shot palang ang mag-kakaibigan na may lumapit sa kanilang babae. A two girls trying to seduce them. Ang babaeng nasa harap ni Haydyn ay halos lumuwal na ang dibdib nito. Napailing nalang si Haydyn kung paano mang-aakit ang mga babae sa sampaguita resto bar. A girl trying to reach his lips but Haydyn turn his head to the right. And, in a blink of an eye, Haydyn saw a beautiful girl standing in the entrance of the bar.

May kasama itong babae na tiyak niyang kaibigan nito. Parang hindi maipinta ang magandang mukha ng dalaga ng tuluyan na siyang maka-apak sa resto bar.

May sumalubong sa kanila na bakla. Nang makalapit ito sa kanila, masaya at parang weni-welcome sila sa loob ng bar. Hindi niya alam kung bakit sinundan niya ito ng tingin hanggang pumasok na ito sa pribadong silid.

"Babe, c'mon. My body starting heat now and also I need your manhood entered mine." ani ng babaeng sa kanya na sinusubukang hulihin ang kanyang labi. 

"I'm not in the mood, b*tch." wika niya sa walang ganang tono. Umalis siya sa kanyang kinauupuan at narinig pa rin niya ang tawag sa kanya ng babae. 

I don't want other girls for now. I want the girl, I saw lately. I want her!

Kumuha siya ng maiinom ng may dumaan na waiter sa kanyang harap. And, when he turned left he saw the girl again-wearing the waitress uniform. Smile appeared on her lips- that something inside to her mind. 

Nang may dumaan na waitress sa kanyang gilid kinalabit niya ito.

"Yes, Sir? Do you need anything?" tanong ng waitress sa kanya.

"May, I know the name of that girl?" wika niya sabay turo kay Xylona.

"That's our new waitress for the whole week, Sir. Her name is Xylona Zabie Ford. Do you want that she will be accompanying you?" tanong ulit ng waitress sa kanya.

"No, thanks. I'm just asking her name. She's pretty at hindi nababagay ang kanyang kagandahan dito." komento niya pa.

Nagkibit-balikat lang ang waitress saka umalis na. Minamasdan niyang maigi ang galaw ni Xylona pati na rin kung paano ito magsalita at ngumiti sa mga costumers. And, something inside him that will pissed off.

Xylona Zabie Ford. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
nagkita na ang dalawa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status