Share

HT - 12

"Xerxes, dalian mo ang kilos. Mahuhuli tayo sa pagsundo kay Tiny. Aawayin tayo nu'n!" sigaw ko sa kanya.

Paano kasi ang bagal niyang kumilos para siyang pagong. Kung 'di pa ako pumunta sa bahay nila, naghihilik pa siya dahil sa kalasingan. Buti na lang 'di siya pinagalitan ni tita Mia maging si kuya Zachary din kasi lasing.

Nanalo sila kagabi sa game nila kontra Maravilla University, iyon din kasi ang pangalan ng team nila. Pinangalan nila ang campus nila.

Sobrang daming tao sa bahay nila Xerxes kagabi, pumunta rin kasi ang mga teammates ni kuya Zachary kaya sobrang gulo at ang ingay ng buong paligid kagabi.

Hindi ko na nga napagilan si Xerxes na huwag uminom, paano naman kasi tinawag ako ni mommy tapos pagbalik ko ayon nasa table na ng mga player si Xerxes, nakiki-inom na rin.

"Ayan kasi uminom ka kagabi. Sinabihan na kitang susunduin natin si Tiny sa airport. Ikaw talaga, Xerxes. Pasaway ka kahit kailan, 'di ka naman marunong uminom, e." sermon na sabi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status