Chapter 15
Helena Kelandra's POV
...continuation
"Helena, mag usap tayo." Dinig kong samo niya sa akin.
"Okay. Pero d'yan ka lang, dito lang ako," saad ko sa kaniya. Sumagi sa isip ko ang sinabi nito kanina habang ipinapakilala niya ako sa kaniyang ama. Nauna akong magtanong.
"Hoy? Ano 'yong sabi mo kanina? Gf mo 'ko?" reklamo ko.
"Oo, sa ngayon," casual na saad ni Michael.
"Ah, gano'n?" panunuyang himig ko rito.
"Oo, you know what I mean, Helena. No attachment, right?" mahinang boses na saad ni Michael sa akin. Ilang minuto akong tumahimik.
"Yes, of course," mapait na tonong response ko sa kaniya. Narinig kong papaalis na siya sa pinto, papalayo nang papalayo. Napasandal ang noo ko sa pinto.
Napakarupok ko! At napaka pa-fall mo. Ito at nahuhulog na yata ako sa 'yo!
Napaka OA ko na, halos totohanan na kasi, eh. Ang dami kong problema ngayon dumagdag pa 'to, mas miserable 'pag nagkagano'n. K
CHAPTER 16 Michael's POVNagising ako sa mga yabag ng malalaking hakbang ng kung sinong paparating. Napabalikwas ako nang makita ko si Helena, umiiyak ito at katatapos lang maligo. Nakaupo ito sa sahig malapit sa pintuan at parang may kung anong bagay itong isinasara. Ang maleta nito. Saan ito pupunta ngayong dis oras ng gabi? Bumangon ako at binuksan ang ilaw."Oh? Saan ka pupunta?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya."Uuwi na ako sa Manila, Michael. Ayaw ko nang magtrabaho sa 'yo," sambit niya sa akin na tila nagpamanhid sa aking katawan.Anong problema nito?Kapansin-pansin na kanina pa ito balisa at hindi maintindihan kung anong masakit o ano bang nangyayari."Ha? Wait, sa linggo pa tayo uuwi, 'di ba?" pagkaklaro ko sa kaniya.Tiningnan lang ako ng kaniyang maamong mga mata pero batid ko sa mga oras na 'yon na ibang-iba ang awra nito na nagsasabing kaya niy
CHAPER 17 Helena Kelandra's POVNang makababa kami ay isang pamilyar na tanawin ang aking nakita, ang bukang liwayway ng umaga. Napakapresko ng hangin, napakapayapa ng paligid, at wala gaanong mga bahay. Mag-aalas sais na ng umaga nang marating namin ang San Luis.Marami na rin ang mga taong nakikita namin na abala sa iba't ibang gawain sa daan, tila nagbabayanihan ang mga ito o general cleaning. Nakita ko ang paradahan ng mga pedicab sa bandang kaliwa ng arko ng San Luis. Inaya ko si Michael na magtungo roon. Bitbit niya pa rin aming mga bagahe. Nang may isang lalaki ang kumaway sa akin at hindi mawala ang pagngiti. Lumapit at sinalubong niya kami. Nang makita ko siya nang malapitan ay nakilala ko na kung sino ito.Si Ronie, ang kababata at kinakapatid ko. Ninang ko si aling Betty na mismong nanay nito. Nakasuot ito ng pangbyaheng kamiseta na nakasulat ang pangalan ng grupong pampasada roon. Mga motorsiklong may side car ang kadalasang gamit doon na transportasyon kapag papasok o
CHAPTER 18 Helena Kelandra's POVNasa salas sina Michael at Ronie at nag-uusap. Tanaw ko ang mga ito na tila nagkakasundo na rin. Sinipat ako ni Michael. Makahulugan pa rin ang sinabi ni tiyang Lourdes. Dapat bang magparito kami o hindi? Masama ang kutob ko, lalo pa't pansin ko ang pagiging tahimik ni Michael.Nilapitan ko ang mga ito. Tumatawa si Ronie habang abala sa paglalagay ng mga basket na dala namin, nagdala kami ng nga prutas at gulay. Bago kami nakarating ay namili muna kami nila Ronie at Michael sa malapit na merkado at bumili ng kakailanganin namin sa aming pamamamalagi."Sige, Kelly, mauna na ako, ha," paalam ni Ronie na todo ngiti pa rin sa amin. "Ron, ikamusta mo ako kay ninang Betty, ah," pahabol na sambit ko habang tanaw ko ang pagpapaandar ni Ronnie sa kaniyang pedicab. Kumaway lang ito at nag thumbs up sign. Napakamasayahin talaga ng kinakapatid ko. Tumingin ako kay Michael, tahimik pa rin ito at nakatitig sa mga larawan naming magkakapamilya na nakasabit sa ami
CHAPTER 19 Helena Kelandra's POV"Ha? Ano?" sambit ko kay Michael habang tanaw ko ang mga luhang nagbabadyang mahulog sa kaniyang mga mata. Niyakap ko lang siya nang mahigpit nang may biglang dumating. Sina Eshaan, Hanna, at Yuki na nakasuot ng sumbrero na gawa sa banig at long sleeves na tila galing ang mga ito sa pagbabayanihan."Ate Kelly!" bungad ni Hanna sa akin at agad akong niyapos, gayon din sina Yuki at Eshan. Umayos ang mukha ni Michael at pinunasan ang mga mata. Nakatingin ang mga ito kay Michael na nasa aking tabi."Ah. Nga pala, si Michael, amo ko," simpleng saad ko sa binata't dalagitang mga pinsan ko. Ngumiti lang si Michael sa mga ito."Ay, akala ko boypren!" isnab na satsat ni Hanna. Si Yuki naman ay tila nagpapa-tweetums kay Michael. May pagkamalambot ito."Hello po, welcome po sa aming munting tahanan," pormal namang sambit ng bunso nilang si Eshaan. Kung tutuusin ay mas panganay pa ito kung kumilos kaysa kay Yuki at Hanna. Tantya ko ay nasa edad desasais na si
CHAPTER 20 Third Person's POVNakatanaw sa isang sulok si Aling Lourdes. Tanaw niya ang nag-uusap na sina Kelly at Michael. Naghahalong emosyon ang nararamdaman niya lalo pa't bumabalik nanaman ang nakaraan nila—ang nakaraan sa pagitan ng ama nitong si Damian.Tiya Lourdes' POVDiyos ko, patawarin mo po ako sa lahat ng ginawa ko noon. Alam ko na hinding hindi ako mapapatawad ni Kelly kapag nalaman na niya ang katotohanan. A
CHAPTER 21Helena Kelandra's POVPasado alas singko a kinse na nang marating namin ang lugar kung saan gaganapin ang pageant ng Ms. BukangLiwayway contest ng mga ka-federasyon ni Yuki. Marami ang nakaabang at aligaga sa pagpapaganda ng kani-kanilang kandidata. Bumaba kami sa pedicab ni Ronnie. Nakitulong ito na ibaba ang mga dala naming gamit na isinilid namin sa malaking bayong."Oh, s'ya. Aalis na ako, Kelly, Michael, ah," paalam ni Ronnie sa amin. Ngumiti ako at tinapik ito."Maraming salamat, Ron, ha. Kung hindi ka dumating, baka late na kami nakapunta rito," saad ko. Sila Yuki at Hanna ay aligaga sa paghanap ng pwesto kung saan pwedeng malatag ang mga gamit namin at mag-umpisang magpaganda.Nagsitilian ang mga kaibigan ni Yuki nang magkita-kita ang mga ito. Tanaw ko ang kanilang beso-beso na tila praktisadong para lang sa kanilang grupo. Papalapit kami ni Michael sa gawi nila nang biglang nagsitinginan ito sa
CHAPTER 22 Helena Kelandra's POV "Teka lang, Michael! Ginawa mo? Ipinasok mo?" Nag-ayos kami at tinatahak ang daan papunta sa gymnasium. Ngiting aso lang ang ipinukol niya sa akin, habang ako'y hindi maintindihan ang sarili. Fertile pa naman ako ngayon. Paano kaya kapag— "Don't worry, ano mang mangyari, pananagutan ko 'yan," saad nito sa akin habang nakahawak sa kamay ko. Tama ba ang naririnig ko? Pananagutan? Bakit, kami na ba officially? Para namang ewan 'to si Michael, eh. Ang labo. I thought we gonna have just sex, alam kong alam nito ang ibig naming mangyari. He will leave me soon. Hindi magiging kami. Babalik siya sa Amerika, habang maiiwan ako rito sa Pinas. No commitment at all. Narating na namin ang program hall. Napakaraming tao. Nakahanda na lahat at tyempong nag-i-intro na ang emcee sa harap. Natanaw namin si Yuki na ready na sa pagrampa. Candidate no. 8 ito, ang huling kalahok. Dinig namin ang tilian at pagche-cheer ng bulwagan sa kani-kanilang mga manok. Nakatayo
CHAPTER 23 Aling Lourdes' POVTanaw ko ang aking pamangking si Kelly na nakikipaghalikan kay Michael. Hindi ko maintindihan dahil parang may bangungot sa aking nakaraan ang tila bumabalik.Ang pag-iibigan ni Delfino at ni Vera, ang aking kapatid. Si Delfino ang masugid na manliligaw noon ni Vera, taliwas sa kaalaman ni Vera ay may lihim din akong pagtingin para sa binata. Dalawang taon lang ang agwat namin ni Vera pero dahil sa mas matingkad at mayumi nitong personalidad kaysa sa akin ay mas marami ang nanliligaw dito.Dese otso ako noon habang si Vera naman ay desesais. Mahirap lang kaming mag-anak na nagmula sa probinsya ng Bohol. Lumuwas kami sa kamaynilaan sa kadahilanang nakapagtrabaho si itay sa pamilyang Bienvenido. Hanggang napadpad kami sa Pampanga na orihinal na lugar ng aming ina. Pumanaw ang aming itay sa sakit dahil sa pagsubsob sa trabaho.Naiwan kami ni Vera at a