Share

Chapter 14

    May mga pangyayari, na bigla-bigla na lamang dumarating sa buhay natin, na kahit hindi natin gusto, kahit hindi naka plano. Bigla-bigla na lang itong bumubulaga, mga pangyayaring mas gugustohin na lang nating lamunin tayo ng lupa.

    At ito ang isa sa mga araw na iyon ng buhay ni ko.

    "Boss, naman. Ako na lang po ang mag liligpit nang mga iyan. Tama na po, nakikiusap ako, hindi mo naman kailangan pang gawin ito,"  hinging pakiusap ko sa binatang busy sa pag dadampot ng marurumi kung damit. Pa-ika-ika akong sumusunod sa bawat kilos nito. Kong tutuusin kaya ko namang gumalaw kahit papaano, hindi naman ako imbaledo. Pero hindi ako maka-kilos nang maayos dahil mabilis ang pag kilos ni Jonathan. At sa bawat dampot nito ay hinihila ko naman, nakikipag agawan ako rito. Kamuntik pang mapunit ang asul kung damit.

    "No. I'm your slave today remember? This is just easy task, Brittany. No sweat," maangas na sagot nito sa akin, "all I have to do is pick this!" sagot nito sa akin sabay kindat. At balewalang may bigla itong dinampot. Nanlaki ang aking mga mata, ng makita kung ano ang hinahawakan nitong kulay itim. "...this,"

    Ang mahiwaga niyang bra. Prenteng nakasampay ito sa sofa, at sa kasamaang palad ito ang nadampot ni Jonathan. Bago pa maka pag salita ang binata, ay maabilis kung hinablot ang hawak-hawak nito at itinago kaagad sa aking likuran. Ngunit may mga nagkalat pa pala. Ang asul kung bra na kakabili ko lang sa Avon noong isang araw, ay prenteng naka-higa sa sofa habang nakapatong naman ang kulay puti niyang push-up bra. Napagtanto kong walang kwenta ang pag tago ko sa kulay itim na bra, kung naka display naman ang iba.

    Bakit naman kasi naisipan kung ilabas kanina itong mga maruruming damit. Nakalimotan ko pang ligpitin muna bago umalis. Oh yeah, naalala kung mahilig pala ako sa salitang 'mamaya na 'yan, mamaya na lang ito' kaya ito napala niya. Damn! Pero hindi naman niya alam na may mangyayari palang ganito. Maktol ko sa aking isipan.

    "Nice," narinig kung wika ni Jonathan. Habang hawak-hawak ang dalawa ko pang bra, halos atakehin ako sa subrang kaba, ng makitang mas malapit sa mukha ni Jonathan ang puti kung push-up bra.

    "Give me that!" Natatarantang pilit kung inaabot sa lalaki ang hawak-hawak nitong bra. Sumasayaw sa ere ang puti at asul niyang panloob. Dahil sa katangkaran ng boss niya,  hindi ko maabot-abot ang kawawang mga bra. Hangang baba lang siya ng binata. Gifted naman ako sa height na 5'8 pero mas subrang gifted pala 'tong Boss kung 6 flat.

    Na demonyo na! Hiyaw ng aking isipan.

    "Hey. Matatagalan tayo lalo nito, kung ganyan na nakikipag-agawan ka pa sa akin. Let me do my job, okay? I want peace, and this is my space," wika nito habang nakataas-baba ang kaliwa nitong kamay kung saan naroroon ang aking bra na pilit ko namang inaabot, "go to the other side of the room. Sit down and behave." Pagpapaintindi nito. Habang pilit pa rin na nilalayo sa akin ang aking mga bra.

    "Boss, ginawa mo pa akong aso. Tsaka, hindi mo kasi naintindahan. Naman eh!" Maktol ko. Nahampas ko pa ang balikat nito sa subrang inis. "Akin na kasi 'yan! K-kahit 'yang hawak mo na lang! Sige na, boss." nauutal na pagmamarkulyo ko. Abot hangang universe na yata ang hiya ko dahil sa pinag-gagawa nitong boss ko.

Napansin ko ang pilyong ngiti mula sa mga labi ng aking Boss, habang ito'y nakatingin sa mga kawawa kung bra.

    Kasing pula na ng kamatis ang buo kung mukha.

    "Ano'ng nginingiti-ngiti mo riyan?" Nakangusong tanong ko sa binata.

Naliliitan ba ito sa bra niya? Oo na! Ako na ang hindi gifted! Pakialam ba nitong Boss niya!Naalala ko bigla ang babaeng ka blind date nito sana na si Hannah, medyo malaki nga ang dyoga nito. E, bakit ba? Ano ngayon kung hindi mayaman itong dalawa kung bundo! Hindi ba pwedeng shy mountain sila. At least may makakapa pa rin kahit papaano! Subra namang judgemental nito si Boss Jonathan!

    "Palibhasa kasi, kayong mga lalaki mahihilig sa malalaki ang bundok!" bulong ko.

    "Are you saying something?" Nakangisi pa rin ang binata. "By the way Cup C is my Ideal size."

    Napahagalpak ng tawa ang lalaking guwapo sana kaso, may hawak-hawak itong mga kawawa bra. At ano daw iyon, Ideal size? Napa-simangot ako. Hustisya naman kasi mas lalo na naman itong gumagwapo sa paningin ko.

    Bigla kaya kitang halikan diyan, tingnan lang natin kung hindi ka matigil diyan kakatawa. Akala niyo kayo lang mga lalaki ang mahilig mag patahimik kami rin naman ah! Anong silbi nitong labi namin? Pang halik din ito sa mga lalaking maiingay. Piping usal ko sa sarili.

    "Akin na kasi iyan, Boss. Wala akong pakialam sa ideal size mo. Basta akin na 'yan!"  namumula ang mukhang pakiusap ko rito. Nagpipilit pa rin akong abotin ang mga kawawang bra. Ngunit pilit din naman nitong nilalayo sa kanya. Gusto ko itong singhalan, naiinis na talaga siya sa ginagawa nito. Pakiramdam niya mas natutuwa ito lalo na at nakikita nitong nahihirapan na siya.

    Humakbang si Jonathan pa atras para ilayo lalo sa akin ang hawak nitong mga bra, ngunit hindi ko napansin ang isang pentel pen na nasa sahig. Naapakan ko ito at nadulas dahil nasa harapan ko lang ang lalaki, ang malalapad nitong dibdib ang sumalo sa bigat ko. At dahil na rin sa gulat maagap naman akong nasalo ni Jonthan, at dahil na rin sa gulat naitulak ko binata. Kaya dalawa silang sabay na bumagsak sa sahig. Ako ang nasa itaas habang nasa ilalim naman ang lalaking nahihirapan sa pag-hinga, sinalo nitong lahat ang bigat niya.

    Panginoon ko. Makinis naman pwet ko wala naman akong balat, pero bakit ganito ang nangyayari sa akin. Lord, isang araw lang naman pero siksik liglig at umaapaw na siya sa kamalasan.

    Pero imbes mainis lalo sa sitwasyon hindi ko na napigilan ang sarili, napahagikgik na lamang ako. Natawa rin si Jonathan, maya-maya pa ay namimilipit na kaming dalawa sa kakatawa. Una akong nakatayo at maingat na inalalayan ang binatang boss at sabay kaming pagal na napaupo sa sofa.

    "Hindi ko alam na ma-e-enjoy akong linisin 'tong apartment mo, Miss De Salve." nakangising sabi ni Jonathan.

    "Sasusunod talaga maglilinis muna ako bago kita ayaing pumasok dito sa bahay ko Mr. Montejo."

    "I like it. Ikaw na ang nag sabi welcome ako dito sa apartment mo anytime," nakakaloko na itinaas baba pa nito ang makakapal na kilay.

    "Nabagok yata nang malakas ulo mo, Boss. Nabibingi ka na kasi. Ang sabi ko hindi ka na pala welcome dito sa bahay ko." natatawang turan ko dito.

    "Hindi ako nabagok kaya malabong mabingi ako, humanda ka makikita muna ako lage dito," he said and laugh nonchalantly. "Akin na nga 'yang paa mo, baka lumala lalo 'yang pilay mo." wika nito sabay kuha sa dalawang paa ko. I was shook and speechless when he put it on his lap.

    "Hindi naman lumala itong kanang paa ko. Kaliwang paa ko ang nakaapak doon sa pentel pen. 'Yan kasi sa subrang kalikotan mo, Boss," may halong pagsisi sa boses ko.

    Nakakaramdam ako ng malamig na may halong mainit-init na-nanonoot sa aking kanang paa. Na agarang nagbigay sa akin ng labis na kaginhawaan. Ginamit pala nito ang liniment oil na ibigay ni Nanay Susan kanina. At dahil na rin sa magaang pagmamasahe nito sa kanan at kaliwang paa ko. Parang biglang bumigat ang tulikap ng aking mga mata, gusto kung ipikit ang mga ito, at hayaang dalhin ako sa mundo ng mga panaginip. 

    "Hindi ko alam na part timer masahesta ka rin pala, Boss." Dahan-dahan kung ini-unat ang aking mga paa, at wala sa sariling nahiga sa sofa. Laking pasalamat ko at nasa dulong bahagi ang lalaki kaya malaya akong nakahiga ng maayos sa sofa.

    Thank goodness at naisipan ko na bumili ng mahabang sofa.

    "When I was young I always do this to Mom. She loves massage lalo na kapag inaatake siya ng migraine, she said that it helps her go to sleep. So yeah, you could say that I'm good at this." Nakangiting wika ni Jonathan and a satisfaction smile was visible on his face.

    "Yeah, Indeed. You are really good at this." Sang ayon ko, at dahil sa kapaguran, at maagang pag-gising kaninang madaling araw.  Hindi ko masisi ang aking sarili kung makaramdam ako ng antok. Hinayaan ko na ang aking sarili na iduyan sa masarap na pakiramdam at ipinikit ang aking mga mata.

    Nakakatawa man isipin na halos inulan ako ng malas sa araw na ito. Ngunit, isa ito sa mga bagay na malaki ang pasasalamat ko sa maykapal. Ang magkaroon ng mabait at maalagang Boss, kahit hindi ko man aminin ay unti-unting nahuhulog na ako sa kamandag ng aking Boss. 

    I always believe that every misery there's always something good happened at the end of the day.

    "Sleep tight, Sunshine."

    And something magical...

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Myrna Sarmiento Molina
bunos pala
goodnovel comment avatar
Myrna Sarmiento Molina
Ang gulo Naman Ng mga chapters.....bat napasok itong chapter na to eh matagal na ito
goodnovel comment avatar
Bing Bing Bulatao
Anyare te?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status