Share

Chapter 35

Pagka-upo nila nagsimula na silang um-order at nag-usap. Ilang oras ang pag-uusap at pag-iinom ng tatlong lalaking kasama nila na sina Isidro, Alberto at ni Inigo nakaramdam na sila ng pagkalasing. Tumayo si Isidro at lumapit sa gitna nila Isabel at Falisa na nag-uusap din. Nakatingin lang sa kanila si Anna na nababagot sa nangyayari. Iniisip kung ano ang ginagawa ngayon ni Esteban habang wala siya at saan ito pumunta.

"Bakit, Kuya?" tanong ni Isabel sa nakakatandang kapatid. Nagkatinginan muna ang mag-asawa na sina Falisa at Isidro bago magsalita muli si Isidro.

"Kilala mo naman ako, hindi ba? At alam kong gagawin mo rin ang lahat para matulongan ako, Isabel." Narinig iyon ni Anna kaya napatingin ito sa mga matatanda.

"Ano iyon, Kuya Isidro?" tanong ni Isabel. Ngumiti si Isidro sa kapatid.

"Uutang sana kami sa inyo." Hindi na nagulat si Anna sa narinig dahil alam niya simula pa lang kung bakit ito biglaang bumisita. 

"Para saan Kuya at b

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Abu Nabilla Macabago Bangon
Ang Ganda ng kwento na ito pero mas maganda sana kung Tagalog lahat Ang kwento n ito..??
goodnovel comment avatar
Ma Teress Osias Delpilar
next episode pls
goodnovel comment avatar
Rufo Calisang Gesalan
ayaw pang magpakilala ni Esteban at ng matauhan na ang mga mapanghamak na kamag anak ng asawa nya.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status