Share

Chapter 39

Chapter 39

Natapos ng maayos ni Cris ang session niya kahapon at masaya ang dalaga sa inanunsyo ng psychiatrist niya. Nakikita raw nito ang mabilis na paggaling ng dalaga. Kaya naman ang kilig na naramdaman noong isang araw lang ay mas nadagdagan dahil sa balita na iyon.

Sa wakas ay makakausap at makakasama na niya ng maayos ang dalaga, ng walang problema at walang inaalala na makakasakit. Ang ngiti na suot-suot niya ay unti-unting nawala at ang masayang awra niya ay nawala.

Napalitan iyon ng napakaraming tanong at halo-halong ideya tungkol sa ama niya. Una na roon ang tanong kung bakit ganoon na lang ang trato nito kay Cris.

Hindi niya alam kung may nagawa ba itong mali sa ama niya pero alam niya ay iyon pa lang ang pangalawang pagkakataon na nagkita ang dalawa. Ramdam niya ang galit at sarkasmo sa boses ng ama.

Tambak ang mga papeles na nasa harapan niya at kailangan niyang tapusin ang mga iyon. Hindi niya pwedeng pabayaan ang mga papeles na dapa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status