Share

Chapter 53

Crisanta Alvaro

Bumalik na siya sa condo niya at kanina lang umaga ipinadala ang mga gamit niya. Iniutos siguro ni Daniel na ibalik na sa kanya lahat. Akala niya ay kukunin sa kanya ni Daniel ang projector nito pero hindi.

Tinignan niya ang kabuuan ng kwarto niya. Ang mga post it notes, packaging, freebies at ang iba pang gamit niya sa negosyo. Ang mga damit niya na nasa maleta na nakita niya sa bodega ng condo. Iyon ata ang ginagamit ng binata tuwing aalis ng bansa.

Natigilan siya ng maalala ang mga nakita niya sa kwarto ng binata. Hindi pa ito bumibisita simula nang bumalik siya sa condo nito. Ibinaba niya muna ang alaga at napagdesisyunan na puntahan ang kwarto nito.

Nasa harap na siya ng pinto nito at dahil ang alam niya ay hindi ito nakasarado pero pagpihit niya ay naka-lock na. Nag-vibrate ang cellphone niya na nasa bulsa. Nakahawak pa siya sa sedura ng pinto nang tignan niya kung ano at sino ang nagpadala ng mensahe.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status