Share

Kabanata 3

Hindi agad ako nakapagsasalita. I merely gazed at Myra before slowly resting my head.

Ni minsan, hindi pumasok sa utak ko na gumanti, against those who bullied and humiliated me. Mas magiging magulo lang ang buhay ko kapag ginawa ko 'yon.

"Don't you want our classmates to treat you differently, Erica?" seryosong tanong ni Myra. "Are you just going to let them bully you for as long as they want?"

Hindi pa rin ako sumagot, pero sandali naman akong sumulyap sa kanya.

"Kasama mo na ako, Erica. May kaibigan ka na tutulong sa'yo kapag may umapi sa'yo," pangungumbinsi pa rin niya.

"Alam mo, Myra, masaya ako dahil gusto mo na maging kaibigan ako sa kabila ng pagiging ako. Pero ni minsan, hindi ko naisip na gumanti. Kung gagawin ko kasi ‘yon, wala na rin akong pinagkaiba sa mga taong kinaiinisan ko."

"Okay, fine, I won't make you take revenge. Pero pwede ka naman sigurong lumaban? Ang ibig kong sabihin, if they throw a rock at you, batuhin mo rin sila ng mas malaking bato!" maangas nitong sabi.

Hindi na naman ako nakapagsalita. Gumanti o lumaban, sa tingin ko ay wala pa ring pinagkaiba. Gulo pa rin ang kahihinatnan. At iyon ang pinaka-ayaw ko.

"Ewan, sanay na ako na ganito, Myra. Kung lumaban ako, gulo pa rin ang kahihinatnan. Ayaw ko nga ng dagdag gulo sa buhay ko."

"Do you think your life isn't chaotic yet? Lagi ka nga nilang pinagtitripan at hinahayaan mo lang," sabi niya na umiling-iling pa.

"Kaya ko namang magtiis. Kaya kong tiisin lahat, hindi lang mas magiging magulo o komplikado ang buhay ko."

"Bahala ka nga. Ang tigas ng ulo mo, alam mo ba 'yon? Pero sige, kung 'yan ang gusto mo, then go. Hayaan mo lang sila na pagtawanan ka."

Nagtaas ng mga kamay si Myra, tanda na suko na siya, at hindi na ipipilit ang gusto niya na maghiganti.

"But I am telling you, Erica, do not expect me to keep quiet when they bully you."

"But Myra–"

"No buts, Erica. Para saan at naging kaibigan mo ako kung mananahimik lang din ako gaya mo? Besides, no friend can stand by and watch their friend be bullied by others. Kahit mga poging demonyo pa sila, hindi ko sila aatrasan."

Napapailing at bahagyang natawa na lamang ako. Hindi na rin ako kumontra sa sinabi niya. Kung mayro'n man kaming pagkakapareho nitong si Myra, 'yon ay parehong matigas ang mga ulo namin.

"Speaking of poging demonyo, paparating na ang isa."

Kaagad akong huminto sa paglalakad at lilihis sana ng daan, maiwasan lang ang demonyong si Justin. Pero huli na, wala na naman akong kawala.

"The Nerd, iiwas ka?" ayon na naman ang mapang-asar nitong boses na nakakarindi na pakinggan. "Akala mo, hahayaan kita na umuwi na hindi nagpapaalam sa akin?" Hinarang niya ang daanan namin. Kita ko kasi ang mga paa niya na ang sarap apakan. Ang sarap patayin ang mga kuko.

"What is it now, Justin? Hindi ka ba makatulog kapag wala kang ginawang kademonyohan sa kaibigan ko?" matapang na sagot ni Myra.

Mala-demonyong tawa naman ang lumabas mula sa bunganga ni Justin, kasabay ang malakas na pagtakip sa balikat ko. Sa lakas, yumanig ang buong katawan ko.

"Kaibigan mo? Ito, kaibigan mo? Kailan pa nagkaroon ng kaibigan ang isang ‘to?" Justin points his finger at me. Kita ko kasi ang daliri niya. 'Yong turo niya pa parang laruan ang tinuro at hindi tao. Ang sarap baliin ng daliri niya.

"Oo, kaibigan ko siya. Bakit may angal ka? Hindi ba kapani-paniwala, that the Nerd you bullied now has a friend who can defend her? At saka, pwede ba, stop pointing at her; bago ko baliin ang daliri mo."

Nakakalokong tumawa si Justin, pero hindi rin nagpatalo si Myra na tinampal pa ang daliri nito.

"Aww..." maarte nitong sabi, sabay pagpag sa daliri niya, pero hindi naman matigil ang tawa.

"Not bad for a friend. I’m so happy for you, The Nerd. Nakahanap ka rin ng kakampi.”

"Seriously? Masaya ka, Justin?” iritang tanong ni Myra.

Bahagya akong nag-angat ng tingin. Feel ko na kasi ang tension sa pagitan ng dalawa. Nakapamaywang na hinarap ni Myra si Justin. Akala mo, ang laki ng katawan at kayang pakipagbasagan ng mukha sa demonyong kaharap niya.

“Pakialam mo ba kung masaya ako? At hindi ko rin sinabi na may angal ako?”

“ ‘Yon naman pala, wala kang angal, so umalis ka na bago pa kita masampal!”

Pambihirang babae. Hindi man lang marunong magpreno. Walang katakot-takot sa boses nito sa tuwing sinasagot-sagot niya ang demonyong si Justin.

“Ako pa talaga ang tinakot mo? Hindi ka nakakatakot—” gigil na sabi ni Justin.

Si Myra ang kaaway niya pero ako ang nanginginig sa takot. Pero muli akong nag-angat ng tingin nang marinig ko ang pahapyaw na tawa ni Myra.

“Talaga Justin? Aren’t you afraid, na sa tuwing pagtripan niyo si Erica, may kakampi na siya at may lalaban na para sa kanya?"

Justin laughed devilishly once again. Heto ako, nakayuko lang, I didn't even move when Justin pulled my bag. Ako 'yong takot na takot dahil sa bangayan nilang dalawa.

"Ako matatakot sa’yo? Sino ka ba para katakutan ko? Babae ka lang. But wait, how did you know my name? Hindi kita kilala at ngayon lang kita nakita. Gano’n ba talaga ako kasikat, that a nobody like you, ay kilala kaagad ako? Bagong salta ka lang dito, you should know your place!"

Tumawa ng malakas si Myra, na nagpa-angat uli ng ulo ko. I saw Justin's brow furrowed and his jaw clenched.

Hindi na maipagkakaila ang galit niya. Hindi rin yata siya makapaniwala na may naglakas-loob na kalabanin siya. Babae pa pero walang takot na barahin siya.

"Babae lang ako? Oo nga naman, babae lang ako. Ikaw, anong tawag mo sa sarili mo? Lalaki din ba? A man without balls, na ang kaya lang ay mga babae na hindi kayang lumaban?"

Wala na akong narinig mula kay Justin. Sa unang pagkakataon ay nawalan siya ng sasabihin. Nakahanap din siya ng katapat, babae pa.

"Ngayon na tameme ka. Wala ka nang masabi? Nakakawalang lalaki ba ang mabara ng isang babae?" Mahinang tawa ang kasabay ng sinabi ni Myra. "Perhaps you already understand what I mean. I am not like my friend, who would remain silent and crouch down whenever she gets bullied. ‘Tsaka tama ka, hindi kita kilala, at hindi mo rin ako kilala kaya amanos lang tayo!"

Hinila na ako ni Myra, matapos makipagbangayan kay Justin. Pambihira, ngayon pa lang kami naging magkaibigan ganito na kagulo ang mga nangyayari. Paano na kaya sa mga susunod na araw?

"Justin, ang tapang ng bago nating kaklase, hindi ba?"

Sabay kaming napalingon ni Myra nang marinig ang boses na 'yon, pero kaagad din akong yumuko nang makita ang pagmumukha ni Reynald. Kailan ba ako patatahimikin ng magpinsang demonyo na ‘to? Bakit ba ako na lang ang lagi nilang nakikita?

"Ano ba 'yan, humabol pa ang isang demonyo," dismayang sabi ni Myra.

I don't want the situation to get worse; ang gusto ko ay kaagad makalayo sa mga demonyong kaklase.

"Myra, 'wag mo na lang pansinin, umalis na lang tayo. Dali na–" I pulled Myra's sleeve, para mas mapabilis pa ang paglalakad namin, but Reynald blocked our path.

"Erica, sandali lang naman," mahinahon nitong sabi. "Sanay na sanay ka talagang umiwas ‘no?"

I could not believe what I was hearing. Reynald has called my name for the first time. It seemed strange to me. Hindi ako masaya sa narinig.

"Myra, tara na," hinila ko ulit si Myra, at lilihis na naman sana kami ng daan, pero talagang papansin si Reynald. Hinarang na naman niya ang daanan namin.

"Erica, ‘wag ka naman munang umalis, please. I want to talk to you for a moment,” pakiusap nito, as he reached my hand, but Myra stepped in and pushed him away.

"Don't dare touch her!" Duro ni Myra si Reynald.

He tightened his fist before he grinned and lifted his hands.

"I'm sorry, hindi ko na hahawakan si Erica.” Nakataas pa rin ang mga kamay niya. “Pero talagang gusto ko lang makausap si Erica, hindi ako naparito to cause trouble," paliwanag nito.

"Hindi ka manggugulo? Sigurado ka? Bakit, may iba pa ba kayong alam gawin, aside sa panggugulo at pambu-bully?" iritang tanong ni Myra.

"Myra, tara na, 'wag mo na lang patulan. Ayoko ng gulo. Umuwi na lang tayo, pwede ba?" pabulong kong pakiusap at pilit na hinihila siya na wala na namang plano na magpatalo.

"Erica, naman, sandali lang. Hindi nga ako manggugulo. I've come to apologize to you and your friend," mahinahong sabi nito.

Myra laughed. Gulat naman akong napasulyap kay Reynald. Now I am certain, may binabalak nga ito. Reynald Punzalan will never apologize to a woman like me. Siya iyong tao na hindi marunong magparaya.

I tightened my grip on Myra's sleeve. I wanted to drag her, palayo sa mga lalaki na walang takot niyang kinakalaban. Pero nagmamatigas siya at hindi pa rin tumigil sa katatawa. Kailangan na naming umalis. Ayoko na lalong mainis ang dalawa at hindi na kami lubayan.

"Ano nga 'yon uli? Gusto mong mag-apologize? Seriously, Reynald?"

"I know it's hard to believe, but because of our earlier encounter, I realized na mali ako. Na hindi tama ang ginagawa ko kay Erica, at nagsisisi ako—"

"Reynald, just shut up. Do you know why? Tama ka, ang hirap paniwalaan, that a man like you would change in an instant."

Hindi na naman nakapagsalita si Reynald. Akala yata niya ay uto-uto itong si Myra. Ako nga na nerd, hindi nila mauto. Si Myra pa kaya na bully rin katulad nila.

"Hindi kami tanga, Reynald. Oo nga at tinatawag ninyong nerd si Erica, but she's not crazy enough to believe what you say."

Katulad ni Justin, tuluyan nang hindi nakapagsalita si Reynald. Gusto ko pa nga sanang makita ang mukha niya. Gusto kong makita ang hitsura ng lalaking demonyo na napapahiya dahil binara ng isang babae. Pero ayoko na magkaroon siya ng dahilan na magpatuloy sa trip niya.

"Tumabi ka nga!"

Binangga ni Myra ang balikat ni Reynald nang hindi ito gumalaw sa kinatatayuan niya. Saka ako naman ang hinila niya palayo sa mga lalaki na asal demonyo.

"It's okay, kung hindi kayo naniniwala na sincere ang paghingi ko ng sorry," pasigaw nitong sabi. "Pero hindi ako titigil, I will do anything to win your heart, Erica!”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status