Share

Kabanata 44

Dahil sa gulat, hindi na nagawang pihitin ni Myra ang doorknob, habang ako, umawang naman ang labi. Parang may bumara sa lalamunan ko at nahihirapan din akong lumunok.

“My nerd…”

Saka lang ako parang nahimasmasan nang marinig ulit ang boses ni Justin.

Dismaya ko siyang hinarap. “Imposible ka, Justin. Sa kabila ng mga nangyayari ngayon, nakuha mo pa talagang magbiro? Tigilan mo na ako, Justin, please. Umabot na si Shaira sa pananakit, hindi ka pa rin ba nadala? Hihintayin n’yo pa ba na mas malala pa ang gawin niya sa susunod bago n’yo ako tantanan?” Napahawak ako sa batok at sandaling napakit. “Ang gusto ko lang naman ay makapagtapos ng pag-aaral. Wala akong panahon sa mga kalokohan mo—sa mga kalokohan n’yo."

“My nerd, hindi ako nagbibiro at lalong hindi kita niloloko. Pero hindi naman kita masisisi kung ayaw mong maniwala—"

“Tama na nga sabi e! Alam mong hindi rin kalokohan ang nangyari sa akin, Justin. Pati nga si Reynald, napahamak na ‘di ba? Itong ginagawa n’yo sa akin—nila Shai
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status