“Sige! Subukan niyong magpaputok at unang mawawala si Devina! Tutal dugo lang naman niya ang kailangan ko hindi na mahalaga kung buhay siya!” Napatigil sila Valentine sa pagkalabit sa kanilang mga baril dahil sa sinigay ni Amanda. “Don’t shoot her!” sigaw niya sa mga kaibigan kung kaya wala silang nagawa kundi ang ibaba ang baril. “Cornor! Kunin mo ang anak ko at ilayo sa kanila!” utos ni Amanda na ikinatango naman ni Cornor at kinuha si Saint na nanghihina pa dahil sa tagal ng kaniyang pagkakahimlay. “D-daddy…” mahinang bulong ni Jeydon at Thomas ng makita ang ama. Hindi na nila napigilan ang mapaiyak, buong akala nila ay hindi na nila ito makikita ng buhay ngunit ngayon ay dilat na dilat na ito at humihinga. “David!” tumakbo nalamang si Valentine sa kaniyang anak at inalalayan ito. Sumunod sa kaniya sila Travis at Vincent upang ipagtanggol ang dalawa. Kapwa nakatutok ang kanilang baril kila Amanda kung sakaling may gawin ito kay Valentine at David. “D-daddy…” napaiyak nalang s
MATAPOS ang nangyaring pagtalo nila kay Amanda ay agad itong inasikaso ni Valentine upang deretsyo itong mapunta sa kulungan. Mas pinahigpitan niya ang bantay kay Amanda lalo na’t nawawala si Cornor. Ayon kay Jeydon, si Cornor ang siyang kanang kamay ni Amanda kaya hindi malabo na balikan nito ang amo at palayain. Dinala sa ospital si David at Saint para masiguro kung ayos na ba ang lagay ng mga ito. Nalaman nila sa mga doctor na hindi simpleng lason ang ginamit sa mga ito at ginusto nilang alamin at kunin iyon para pag experimentuhan pero hindi natuwa si Jeydon sa kaniyang nalaman. Sa sobrang galit niya ay pinagbantaan niya ang mga ito na pababagsakin ang ospital kaya natahimik ang mga ito at sumunod sa gusto nila. Si Devina ay hindi makapaniwala na nagawang magpakamatay ni Kristin at kahit sa huling hininga nito ay naniniwala siya na masama siyang tao. Ang gusto lang naman ni Devina ay marealize ‘din ng babae na mabuti siya at hindi purong masama. Alam niya na walang kapatawaran
“PINAPATAWAN si Amanda Cullen ng habang buhay na pagkakakuling dahil sa kasong murder and attempted murder of her own blood line!” Napatayo sila Devina ng matapos ipataw ng judge ang kaparusahan ni Amanda at napayakap sa isat-isa. Kapwa may mga ngiti sa labi at masaya sa naging resulta. “Finally,” bulong ni Jeydon kay Devina nang yakapin niya ito. Humiwalay si Devina sa kaniya at nakita niyang umiiyak ito. “Sorry sa lahat ng nangyari sa’yo tito, ngayon na maayos na ang lahat hindi na mauulit ‘yun at magiging masaya na tayong lahat,” “Ano ka ba kapag seryoso ka tito ang tawag mo saakin, ‘wag ka nga Devina, alam kong alam mo na wala kang dapat ikahingi ng tawad dahil tapos na iyon,” Natawa sila sa isat-isa dahil doon at binati na ‘din ang iba nilang kasama. Present ‘din si Thomas doon, ang magulang ni Valentine, ang mga lolo nila at kaibigan pwera sa mga bata na naiwan sa bahay at maging si Saint. Napatingin pa sila kay Amanda ng dumaan ito sa kanilang gawi, hindi tulad noong hulin
“MOMMY,” Tawag ni Arabelle kay Devina at humarang sa harapan nito na naging dahilan kung bakit napunta sa kaniya ang atensyon ng ina. “Mommy, you haven’t eaten yet. Pareho kayo nila tito Jeydon, tito Thomas, at tita Adeline. Alam po namin na nasasaktan kayo sa nangyari pero matutuwa po ba si lolo kung magiging ganito kayo?” Napatitig si Devina sa kaniyang anak. Dalawang araw na mula ng magkaroon ng secret burial ang ama ni Jeydon at Thomas sa bahay ng mga ito. Mayroon silang bisita ngunit mga close na business partners lang na mapapagkatiwaalan nila. Nagulat pa nga sila na buhay pa pala si Saint, pinalabas nalang nila na itinago nila ito at ngayon lang nawalan ng buhay dahil na ‘rin wala na itong ibang records simula ng pumalpak ang experiment ng kaniyang ina. “Arabelle, sabihin mo nga kay mommy kung paano mo nakayanan noong akala mo wala na si Bettany?” Napakurap si Arabelle dahil sa tanong ni Devina ngunit agad ‘din namang umiling si Devina dahil natauhan siya sa mga tinatanong
MATAPOS makita na wala nang buhay si Amanda ay agad itong dinala sa ospital para tignan kung anong ikinamatay nito. Katulad ng inaasahan ni Devina ay dahil iyon sa syringe na nakita niya sa tabi nito, iyon ay ang lason na ginamit nito kila David at Kristin na segundo lang ang pagitan at malalagutan ka na ng hininga. Mayroon palang naitago niyon si Amanda at iyon ang ginamit nito. Nang malaman ni Jeydon ang nangyari sa lola niya ay hindi pa ‘rin nito maiwasan na maiyak, malungkot siya at the same time nanghihinayang. Hindi naman niya nabago ang ugali ng lola niya pero naging totoo ang pinaparamdam niya dito, kahit na ang tingin lang sa kaniya nito ay isang gamit para sa mithiin niya ay hindi magbabago na minahal niya ito. Mabilis na kumalat sa social media ang nangyari, pati ang bali-balita na kaya ito nagpakamatay ay dahil sa pagkawala ng anak nito na si Saint. Hindi iyon lingid sa kaalaman nila Devina, sa katunayan ay iyon talaga ang iniisip nilang dahilan lalo na’t nakita nila ang
MATAPOS ang pag-uusap nila kasama ang dalawa nilang lolo ay umakyat na sila sa taas at pinuntahan ang kwarto ng kanilang mga anak. Naroon pa ‘rin sila sa bahay nila Valentine habang sila Jeydon at Thomas naman ang siyang tumutuloy na sa kanilang bahay. Si Adeline ay kasama pa ‘rin nila sa bahay nila Valentine at ang kambal na mga ate nito ay tuluyan nang umuwi sa ibang bansa. Katulad ng sabi ni Valerie at Valeria ay babalik ‘din sila agad kaya inaasahan na nila ang pagbabalik ng mga ito sakto para sa kanilang kasal. Nag decide sila ni Devina na gawin ang kasal sa lalong madaling panahon dahil hindi nila alam kung hanggang kailan nalang ang kanilang mga lolo. Kalaunan ay natanggap na ‘din nila ang katotohanan na iyon, tama nga si Lenard keysa magulat nalang sila na wala na ang mga ito mas okay na ‘yung alam nila ang totoo. “Daddy! Mommy! Iniintay po talaga namin kayo, look! Marunong na po ako mag hack ng CCTV!” Masayang bati sa kanila ni Arabelle ng makita silang papasok sa loob. Lu
Bumwelo ang dalawa at sabay na hinagis ang USB sa gitna ng dagat. “Wow! Mas malayo ang kay daddy!” biglang sabi ni Jenjen habang nakatanaw sa pinagbatuhan ng mga ito. “No! Mas malayo ang kay tito Thomas!” sabat ‘din ni Arabelle at nagkatinginan ang dalawa dahil doon. “Hindi si daddy!” pangongontra ni Jenjen. “No! Si tito Thomas!” Natawa sila sa dalawa dahil sa kakulitan ng mga ito at sumingit nalang bigla si David na ikinahinto ng mga ito. “Nag-aayaw ba kayo?” taas kilay na tanong ni David at kita nila na seryoso ito na ikinatayo ng deretsyo ng dalawa at agad na niyakap ang isa’t-isa. “Hindi ah! Bati kaya kami ni belle!” “Tama si Jenejen, bati kami kuya!” Alanganin na sabi ng dalawa na ikinangiti ni David at tumango. Nagkatinginan nalang sila dahil sa mga bata at sabay-sabay na natawa. Inenjoy nalang nila ang byahe papunta sa private island hanggang sa makarating na sila doon. Tumuloy nalang sila sa isang rest house na naroroon para magkakasama na silang lahat. Pagkarating a
NANG dahil sa masasyang balita na buntis si Adeline at Sheila ay nagkaroon sila nang salo-salo nang gabing iyon. At dahil na ‘rin tuwang-tuwa ang mga bata na magkakaroon nang baby sa kanila ay hindi lumayo ang mga ito sa dalawa at pilit na kinakausap ang tiyan ng mga ito na akala mo’y naririnig na sila nito kahit pa na isang buwan palang ang nasa tiyan nila. Natatawa nalang sila sa tatalo at hinahayaan habang sila naman ay nag-iinom at kumakanta sa karaoke na naroroon. Syempre pwera sa mga buntis, at dahil nga sa party na iyon ay late na silang nakatulog at kapwa mga puyat ngunit nagising sila ng bigla nalang mayroon sunod-sunod na kumatok sa pinto ni Devina at Valentine. “Husband may tao,” antok na sabi ni Devina habang niyuyogyog ito. Nagising naman si Valentine dahil doon at hinanap ang kaniyang damit at nagbihis. “What is it, Travis? Madaling araw palang oh,” kunot noong tanong ni Valentine. “May problema tayo Val!” Dahil doon ay napaseryoso si Valentine at tumayo ng maayos.