KARINAKakagising ko pa lamang at masamang balita na agad ang natangap ko mula kay Marla. Nasa opisina siya ngayon at nabalitaan niya ang tungkol sa pamamaril sa bahay nila Sergio at Catalina. Hindi rin daw niya sigurado kung may tama ito basta ang alam niya ay napuruhan daw si Catalina. Kaagad akong bumangon at tinawagan ko si Sergio. Nakailang missed call na ako sa kanya ngunit hindi pa rin niya sinasagot ang tanong tawag ko. Hindi ko maiwasan ang mag-alala ng husto. Sino kaya ang may gawa noon? At sino kaya ang puntirya ng bumaril sa kanila? Ano naman kaya ang kasalanan nila bakit ginawa yun sa kanila?Natangap ko ang message ni Marla kung saan sila dinala kaya nagbihis agad ako at nagmadaling umalis patungong hospital na sinabi ni Marla.“Miss? Saang room si Sergio Alvarez?” Kinakabahan na tanong ko front desk. Nagpaalam siya sandali sa akin pero nang mag-angat siya ng tingin ay umiling siya. "Wala po kaming patient na Sergio Alvarez. Asawa lang po niya nasa 3rd floor ICU pa po.
KARINA“Anong ginagawa mo dito?” maang na tanong ko kay Hugo nang sabihin sa akin na may dalaw daw ako at nag-aalalang mukha niya ang bumungad sa akin.“Nabalitaan ko kay Marla ang nangyari. Tumawag kasi ako sa kanya matapos kong marinig ang balita.” Paliwanag niya sa akin. “Umalis ka na Hugo, baka maabutan ka pa ni Sergio dito.” Wika ko sa kanya. Akmang tatalikuran ko siya ngunit pinigilan niya ako at nagsalita siyang muli.“Karina, hindi ka matutulungan ni Sergio sa mga oras na ito. Nagdadalamhati pa sila sa pagkamatay ni Catalina. Nakalimutan mo na bang asawa niya ito at may anak sila?” Giit niya sa akin. Nasaktan ako sa sinabi niya. Dahil ilang oras na akong nakakulong dito pero walang Sergio ang nagpakita sa akin. Kahit ang abugado na ina-antay ko ay hindi dumating.“K-Kahit pa, kukuha ako ng sarili kong abogado. Wala akong kasalanan Hugo. Kaya ipaglalaban ko ang karapatan ko.” Wika ko sa kanya. “Wala nga ba Karina? Diba ang maghiganti ang pakay mo kaya pumasok sa kompanya nila
KARINANagising ako nang may maramdaman akong gumagalaw sa bandang ulo ko. Pagmulat ng mata ko ay nakita ko ang nakakatakot na mukha ni Sisang. Akmang sisigaw na sana ako ngunit tinutukan niya ako ng patalim sa leeg. “Huwag kang mag-iingay! Pero mo lang ang kailangan ko!” May diin na sabi niya sa akin. Napangiwi ako nang maramdaman ang dulo ng patalim sa leeg ko. Kinakalkal niya pala ang bag ko.Gustuhin ko man kumilos hindi ko alam kung ano ang nasa isipan ng babaeng ito! Baka kapag hindi ko siya sinunod saksakin na lamang niya ako. “Mukhang mataba ang wallet mo at mamahalin akin na lang.” Nakangising sabi niya sa akin. “Huwag! Akin yan!” Nangingilid ang luhang sabi ko sa kanya. “Sige! Subukan mong gumawa ng ingay. Hindi ako magdadalawang isip na patayin ka! Sana’y akong tumira sa kulungan kaya di ako takot mabulok dito!” Banta niya sa akin. “K-kunin mo ang lahat ng kailangan mo..pero ibigay mo sa akin ang picture sa wallet ko.” Ang tinutukoy kong picture ay ang nag-iisang lara
SERGIOHalos hindi ko maihakbang ang mga paa ko habang palapit ako sa libingan ni Katherine. Nagpasama ako kay Marla dahil alam kong siya lamang ang nakaka-alam kung saan ko matatagpuang ang libingan niya. “Sir, okay lang po ba kayo?” Tumango ako sa kanya bilang pagsagot. Nang sabihin ni Karina sa akin ang lahat. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Nagtatalo ang isip at puso ko kung paniniwalaan ko ba siya. Ngunit nandito na ako sa sementeryo, at kailangan kong harapin ang katotohanan.“K-kath—”Halos ayaw bumuka ng mga labi ko. Hindi ko masambit ang pangalan niya. Yumuko ako at nakita ko ang nakasulat sa lapida. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Kung bangungot lang ang lahat ng ito ay gusto ko nang magising. Papaniwalain ang sarili na si Katherine ang nakasama ko nitong nakaraang buwan. Ngunit hindi…nandito siya nakahimlay at isang taon na siya dito sa ilalim ng lupa. “It was my fault, I’m sorry…Katherine…I’m really sorry…patawarin mo ako…kung alam ko lang na ganito ang dada
KARINA“Salamat Ash, sa lahat ng tulong mo.” Wika ko sa kanya dahil dinala niya ako dito sa apartment niya. Malawak naman dito at siya lamang ang nakatira. May dalawang kuwarto din ito. “Ano ka ba? Wala yun. Ginawa ko lang ang trabaho ko. At isa pa sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo.” Sincere na sagot niya sa akin. Kakalabas ko lang din ng hospital at derecho na kami dito pagkatapos kong makalaya dahil napatunayan na wala akong kasalanan. Pero hindi kami kumbinsido sa naging resulta ng imbistigasyon kaya nang sabihin sa akin ni Ash na dito muna ako pansamantala habang hindi pa namin napapatunayan kung sino talaga ang mastermind ay pumayag na ako nang sa ganun magkaroon kami ng maayos na pag-uusap at para na din sa kaligtasan ko. “Karina, magpahinga ka muna okay? Lalabas lang ako para bumili ng pagkain.” Paalam niya na ikinatango ko. Sinara ko din ang pinto dahil yun ang bilin niya sa ‘kin.Papahiga na ako sa kama nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito sa ibabaw ng table par
SERGIODalawang linggo na ang nakalipas mula nang ilibing si Catalina. Dalawang linggo na rin mula nang ipagluksa ko ang pagkamatay ni Katherine at ngayon hindi ko pa rin alam kung nasaan si Karina. May mga tao na akong inutusan na hanapin siya pero ni anino niya ay hindi namin makita. Para akong binagsakan ng langit at lupa dahil sa tatlong babae na sabay-sabay na nawala sa akin. Kaya kahit ang pumasok sa opisina ay hindi ko na magawa. “Anak, hangang kailan ka ba magiging ganito? Hangang kailan mo paparusahan ang sarili mo? Wala na tayong control sa nangyari noon kay Katherine at Catalina. Kailangan mo nang harapin ang katotohanan na wala na sila.” Paunawa ni Mommy sa akin. Kumatok kasi siya sa kuwarto ko at nakita pa niya ang nagkalat na basyo ng alak na ininom ko kagabi. Ito lang kasi ang tanging paraan para makalimutan ko ang sakit. “Naging mabuti akong anak sa inyo. Lahat ng gusto niyo ni Dad sinunod ko. Kahit ayokong mag-aral kung paano magpatakbo ng negosyo. Dahil hindi nama
THIRD PERSON'S POV"Ano nang plano mo? Mukhang magkakabalikan na silang dalawa." Tanong ni Marla kay Bernadette na kasalukuyang nagtatangal ng salamin sa mata at pekeng wig upang itago ang kanyang tunay na katauhan. Kakauwi lang nila sa condo at hinatid sila ni Hugo. "Bakit hindi na rin itumba si Karina? Total wala na rin naman siyang pakinabang. Imbis na paghihiganti mukhang nahulog na rin ang loob niya kay Sergio." Suhestion nito na ikinagulat ni Marla. "Kailangan mo ba talagang gawin yun? Akala ko ba kay Sergio at sa pamilya ka lang niya naghihiganti? Pero bakit si Karina idadamay natin?" Litanya ni Marla sa kanya. Nagsalin siya ng alak sa baso at naupo sa sofa. "Nakita mo ba kung paano tignan ni Sergio si Karina? Nakita mo ba kung paano magsukatan ng tingin si Hugo at si Sergio kanina? Mas mahal na ni Sergio si Karina kumpara kay Katherine kaya mas makakabuti kung si Karina naman ang patayin natin." Nakangising sambit nito. Umiling si Marla sa kanya. "Ayoko na Bernadette, mad
Matapos madala sa morgue ang mga bangkay ng sumalakay sa kanila ay dumerecho na agad si Karina at Ash sa hospital na pinagdalhan ni Francis sa natitirang sugatan na kalaban. Pagdating nila sa hospital ay nakita agad nila si Francis na nakatayo sa front desk habang tumatawag sa telepono."Asan na yung nabaril mo?" Bungad na tanong sa kanya ni Ash. "Nasa kuwarto niya. Tumawag lang ako sa headquarters para mareport ang nangyari. "What? Iniwan mo yung kriminal?" "Oo, natutulog pa naman siya after ng operation niya sa binti." Sagot nito. "Anong room number siya? Pupuntahan na namin." Nagmamadaling sabi nito. "Rm.303– Hoy sandale!" Tawag niya dito pero nagmadali na silang umakyat sa itaas. Para puntahan ang kriminal. "Dito!" Tawag ni Karina sa kanya dahil magkahiwalay nilang hinanap ang room. Kaagad nitong binuksan ang pinto at nagulat sila nang pagbukas nila ay walang kahit anino sa loob. "Sh*t!" Bulalas ni Ash, hinaluhug pa nila ang buong kuwarto ngunit wala talaga ito. Nakita din