Share

Chapter 80

Kahit na malabo na ang mata ko dahil sa walang tigil kong pag-iyak ay pinagpatuloy ko pa ring magmaneho. Hindi ko na rin pinapansin ang mga busina ng mga kotse dahil sa pagiging reckless driver ko. 

Dumagdag pa ang malakas na pagbuhos ng ulan kaya hindi ko na masyadong makita ang nasa harap ko. Napapikit ako nang masilaw ako kaya hinarang ko ang isa kong braso para hindi na ako masilaw.

Pinilit kong tanawin kung saan galing ang ilaw na 'yon at agad na nanlaki ang mata ko nang matanaw ko ang truck na panay ang busina. Nang ilang metro na lang ang layo namin ay agad kong ginilid ng mabilis ang manibela ng kotse at agad na prumeno nang muntik na akong mahulog sa bridge dahil sa pag-iwas ko sa truck.

Halos hindi na ako makahinga nang mapagtanto kong muntik na akong mabangga. Naiwasan ko nga ang trunk pero muntik naman akong mahulog sa gulay. Gosh! Bakit ba sobrang malas ko ngayon? 

Nilagay ko ang ulo ko sa manibela at pumikit nang biglang may bumusi

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status