Share

Chapter 99

Naalimpungatan ako dahil na rin sa ingay na naririnig ko. Para itong malakas na alon at isa pa nasisilaw ako kahit na nakapilit ako. Unti-unti kong minulat ang mata ko at agad na bumungad sa 'kin ang puting kisame.

Ilang beses akong napakurap at nang matauhan ay agad na nanlaki ang mata ko at napabangon nang wala sa oras.

"O-ouch..." mahina kong daing habang nakahawak sa noo kong kumikirot.

Damn, what happened to my head? Bakit parang minamartilyo ang utak ko?

Nang medyo humupa na ang sakit ay dahan-dahan na akong napamulat at nilibot ko ang mata ko sa paligid. Doon ko lang nalaman na nasa kwarto pala ako. Hinaplos ko ang sa tingin kong king size bed at muling bumalik sa pagtinginnsa loob ng malaking kwarto.

It has a minimalist style at black and white lang ang makikitang kulay. Nanlaki ang mata ko nang narinig ko na naman ang tunog ng alon. Napatingin ako sa labas ng bintana at doon ko napagtanto na malapit pala ang tubig dagat sa kinaroroonan ko.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status