Share

Chapter 12

"We're here," ani Lucas.

Tumigil ang sasakyan namin sa tabi ng ilang mga sasakyan na nandito rin sa parking. Wala akong ideya kung nasaan kami kaya't agad kong kinuha ang cellphone ko para picturan ang paligid at agad na sinend kay Quen dahil baka sakaling maisipan niyang sumunod. Alam ko naman na madalas silang inaabot ng gabi sa pag-te-training pero umaasa pa rin akong susunod siya.

Ito rin kasi ‘yung unang beses na pupunta ako sa isang lugar para lang magpinta. Madalas kasi akong nagpipinta sa bahay at sa school lang kaya siguro naninibago ako. Kaya masaya akong in-invite ako ni Lucas.

Agad na hinubad ni Lucas ang seat belt niya at binuksan ang pinto na nasa gilid niya. Alam kong baba na naman siya para pagbuksan ako kaya nang makababa siya ay agad kong binuksan ang pinto sa gilid ko at agaran na bumaba. Nakaramdam ako ng kirot mula sa aking tuhod pero nakayanan ko pa rin na tumayo.

Ngumisi sa akin si Lucas nang makita niya akong nasa labas na ng sasakyan. Napahawak siya sa kanyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status