Share

CHAPTER 20

Seira Anthonette's P. O. V.

Linggo ngayon, hindi ko namalayan na inubos ko lang ang oras ko sa pagtulog maghapon. Nagising ako nang alas-sais ng gabi, naabutan ko si Mama na nagluluto ng hapunan.

"Ma, amoy sisig," ani ko.

Biglang kumalam ang sikmura ko. Kahit naaamoy ko pa lang ang ulam ay gustong-gusto ko nang malasahan ito. Tila ba lalo akong nagutom nang makita ko si Mama na inihahain ang sisig sa lamesa.

"Ginaya ko yung luto ng Papa mo, sana nga kalasa ng luto niya."

Napansin ko ang lungkot sa mga mata ni Mama nang sabihin niya iyon. Marahil ay sobrang hirap nga talaga magpalaki ng anak mag-isa. Wala man lang kaagapay si Mama sa akin at kay Kuya dahil nawala agad si Papa.

"Sa birthday mo, bibili na tayo ng laptop mo, ha? Gusto ko ikaw pumili ng laptop. Hindi ko alam yung mga ganiyan, may tinatawag pang specs."

Napatingin ako kay Mama, kahit ba pala-sermon siya ay ramdam ko pa rin ang pagmamahal niya sa kaniyang aksyon, hindi lang siya showy, hindi kagaya ni Papa. Sobrang malambi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status